SUMMER IN MANILA

1912 Words
d**k POVS Di ako nagsisi na mahalin sya at di ako nagkamali minahal sya dahil lagi kong sinasabi na ang swerte ko kasi dumating sya sa buhay ko at mas lalong pang tumibay na sabay kaming humarap sa altar (Nagsimba lang) feeling ko kinasal na kami ng oras na yun. di nya rin matiis na sumama samin ni Nanay sa Maynila para magsimba. marami daw kasi syang dapat ipagdasal at ipagpasalamat. at ako naman punong puno ng pasasalamat dahil dumating sa buhay ko si Ganda. "Dami mo atang pinagdasal ah?" tanong kong nakangiti. "Sobra! una sa buhay ko, pangalawa kay Nanay, sayo at sa relasyon natin." sagot nito. Natapos na ang misa kaya lumabas na kami para hintayin si Nanay may binili kasi syang mga gamot. "Kain muna tayo, may tuhog tuhog dun Tara!" aya ko. Maya maya nagulat nalang ako ng may humawak sa kanyang braso kata natangal ang banda sa ulo nito aga naman akong rumosponde sa nangyari at kita ko kay ganda ang pagkabigla din. "Summer?---" dinig kong sabi ng lalaki, matangkad ito at mukhang mayaman. "Boss ano po problema?--- " tanong ko sabay pinandong ko sa ulo ni Ganda ang bandana. "Pasensya!" sagot ng lalaki na halatang kabado at nakipagtitigan pa ito kay Ganda, kaya kumapit ito sa braso ko at ramdam ko ang takot nito dahil nanginginig ang mga kamay nito. Kaya nilayo ko na si Ganda sa lalaking yun. GABRIELLE POVS Isang taon narin palang wala si Summer parang kahapon lang at ang bilis ng mga araw, kamusta kana kaya? mis na mis na kita, kung mo lang na sobra akong nasaktan.. Magkakaroon daw ng misa sa port kung saan magaalay ng dasal sa lahat ng mga namayapa sa trahedya. Kaya pumunta ako at sinama ko si Rain, gusto ko rin kasi na humingi ng basbas kahit doon nalang na magsimula muli kasama si Rain, gusto ko bumuo ulit ng panibagong story kasama sya. Baka nga pinadala sya ni Summer para magsimula muli, Mahal ko si Summer at napamahal narin ako kay rain sabi ko noon hinding hindi ko na bubuksan ang puso ko sa iba pero naging dahilan si Rain para muli buksan ito kumbaga naging susi sya para magmahal muli. "Rain, pupunta tayo sa Port may pamisa kasi gusto kong magalay ng dasal at bulaklak." "Kasama talaga ako? Ikaw nalang kasi sa kahit ganung paraan magiging moment nyo ni Summer yun, nakakahiya naman na kasama mo ako e baka magalit sakin yun." anya. "Hindi a okey lang naman, pagkatapos nun hihingi narin ako ng basbas sa kanya na maging tayo na, alam kong mahirap pero kailangan..." wika ko. Nakatitig lang si Rain sakin at dama ko ang saya nya, yung ngiti at pagpatak ng luha nito. "We.. niloloko mo ko e, di nga! nakakahiya tuloy.'' anya na nagpapakipot pa. "Oo nga, alam kong matagal mo rin tong hinintay, matagal din kasi akong nagisip-- tara na magayos ka na, doon ko na sayo sasabihin lahat." wika ko. Napayakap ito sakin at nagpasalamat. Pagkatapos nun bumiyahe na kami, gaya ng ginagawa namin ni Summer noon sa kotse magkahawak kamay at may nakakagoodvibes na mga tugtog na naging bonding narin namin kapag aalis. Bumili narin kami ng bulaklak at kandila, nang makarating na kami dun agad kaming humanap ng pwesto dahil ang daming tao sa misa. Nang mapansin ko si Mika na andun din at nasa barrier sya at nakatingin lang sa dagat kaya agad akong lumapit sa kanya at nagbabakasali na makausap sya kahit sandali. "Mika?.. kamusta ka!" wika ko. "Ikaw pala yan Gab! Okey naman na ako, ikaw ba?" malungkot na sagot nito. "Wala na akong Kaibigan, iniwan nila ako." wika pa nitong naging emosyonal. "Alam kong mahirap para sayo, at mahirap din para sa lahat pero nangyari na e at satin nalang ay kailangan natin na tanggapin." sagot ko. Tumango nalang ito at lumayo pa ang tingin kaya nagpaalam na ko sa kanya siguro mas mabigat talaga sa parte nya dahil nandun sya sa mismong pangyayare. Di pa man ako nakakalayo narinig kong tinawag nya ang pangalan ko kaya agad akong napalingon. "Bakit Mika?" tanong ko. "W-wala!" sagot nito sabay ngiti. kaya nginitian ko nalang din ito para mapanatag ko sya sa bigat ng dinadala nya. at bumalik na ako sa misa kasama si Rain. nang matapos na iyun nagtirik na kami ng kandila at sinaboy sa dagat ang mga dala naming bulaklak. Halo halong emosyon ang bumalot sakin ng oras na yun siguro yakap iyun ni Summer, masaya narin ako dahil kahit papano gumaan na yung loob ko lalo nat kasama ko na yung bagong magpapasaya sakin. Niyakap ko si Rain, siguro ito na yung time na "Ako naman." at sabihin sa kanya na mahal ko sya. "Rain, ilove you!" wika ko habang nakayap sa kanya. "inbehalf of Summer, ilove you too Gabrielle!" at doon sa sagoy nyang iyun tila narinig ko amg boses ni Summer. At ng oras na yun naging kami na Rain, bumalik lahat ng sigla ko at paniniwala sa pagmamahal. Napatakbo kaming lahat sa mga silong dahil biglang umulan ng malakas pero hinila nya ako sa ulan dahil blessing daw yung ulan sa amin sign na pumayag si Summer sa relasyon namin. Nakatingin lang samin ang mga tao napara kaming mga bata na naliligo sa ulan. ang saya sa pakiramdam nalinis lahat ng ulan lahat ng problema ko. Kaya Siguro Rain ang pangalan ng binigay sakin kasi blessing sya. Nangtumila na ang ulan tumakbo na kami papunta sa kotse at tawanan nalang kami sa mga nagawa namin habang nagtatampisaw sa kotse at dun narin kami nagpalit. Inaya ko sya magsimba to thank sa lahat ng mga magagandang nangyari saming dalawa. mula batangas dumiretso kami sa Simbahan sa Manila. Nang nas simbahan nakami bigla nalang akong naiyak iba talaga yung presensya pag nasa harap muna si lord kasama yung mahal mo. Nagpasalamat na din ako kay Summer to all yung mga masasayang araw namin noon na kahit papano hindi nya ako pinapabayaan kahit wala na sya.. Kapwa hawak namin ni Rain ang mga kamay namin habang nagpapasalamat dahil gusto naming maging center si God. And I pray na sana huli na si summer. Nang matapos na ang pagsïmba namin pinauna ko muna si Rain sa kotse at kukunin nya rin kasi yung Camera ko at gusto nyang magpicture kami together. Habang akoy naghihintay. tila tumigil ang mundo ko ng may napansin ako at parang si Summer iyun na nakabalabal at kalahating mukha lang ang kita agad ko itong nilapitan at hinawakan ang braso at iniharap. "Summer?" wika ko at natanggal ang taklob nito sa ulo at nabigla ako sa nakita ko. May mga peklat ito sa leeg at tenga hanggang sa kalahati ng ulo na may mga onting buhok pero ang itsura nito Summer na Summer... "Boss ano po problema?" wika ng lalaking lumapit dito. "Pasensya!'" ang tanging nasabi ko habang nakatitig parin sa taong yun, ramdam kong si Summer iyun sa mga mata palang nito na maamo at taas. Kita ko ang pagyakap nito sa lalaki at tila takot na takot sakin. kung si Summet na iyun, bakit di nya ako kilala? Dumating na si Rain at lumayo naman ang mga ito. "Bakit ganyan yung itsura mo? para kang nakakita ng multo!" anya sabay inabot sakin yung camera. "W-wala.." sagot kong. naguguluhan. Biglang napalitan ng lungkot ang dapat masaya naming pagsasama ni Rain. kaya inaya ko na sya umuwi at kunyari sumama ang pakiramdam ko pero ang totoo di mawala sa isip ko ang taong iyun na ramdam kong si Summer talaga iyun. Pero hindi! Baka napaparanoid nanaman ako dahil wala na sya at kita ko naman ang bangkay nya na suot pa ang bigay kong kwintas. DICK POVS Inilayo ko na si Ganda dahil para itong takot na takot baka may trauma parin sya kaya nangyari yun, bumalik na kami sa pagkikitaan namin ni Nanay àt nagpasya na kaming umuwi. Mag gagabi na kami nakauwi sa baryo hindi tuloy namin nabili ang mga gusto namin at hindi ko sya nadala sa divisoria dahil sa nangyari, pinagpahinga ko muna sya para mawala yung takot nya. Pero naiisip ko ng oras nayun, paano kung magkakilala talaga sila, hindi lang naklaro ng taong yun dahil sa itsura ni Summer na sunog ang ulo at leeg nito. Paano kung sya talaga si Summer? Kung ano ano nanaman pumapasok sa isip ko kaya ako nasasaktan e. Habang nagiisip ako ng kung ano ano, nagulat ako sa sigaw mula sa kwarto at alam kong si Ganda iyun. Naabutan ko itong na sa sulok ng kwarto at tila takot na takot at uumiiyak kaya agad akong lumapit dito para yakapin. Nanginginig ito at umiiyak at sinasabing... "Sino si Summer? bakit ako ginugulo ng isip ko.. sino ba talaga ako?" usal nito na gulog gulo sa isip nya. "Walang Summer, hindi natin kilala yun." sagot ko habang pinapatahan sya. "Bakit paulit ulit sa isip ko ang Summer, mula ng tawagin ako ng lalaking yun.. anong meron Dick.. gulong gulo ako pati sa isip ko hindi ako tinatantanan!" umiiyak nitong wika. Kaya kumuha ako ng tubig para mapakalma sya. "Parang nakita ko na sya noon, diko alam kung saan at kailan, kaya gulong gulo ako ngayon." anya ng kumalma na ito. "Baka hindi lang sya mawala sa isip mo kaya feeling mo nagkita na kayo noon." sagot ko. "Baka nga," yumakap ito sakin at akoy labis na nabahala baka unti unti ng bumabalik ang alaala nya na ang tanging susi ay ang mabangit ang mga pangalan ng malalapit sa kanya. Pansin ko lang din na ganun kaya sya minsan tuliro at takot. "Natatakot na tuloy ako matulog baka kasi may gumulo ulit sa isip ko." anya habang nakalingkis sa akin. "Wala ng gugulo sayo, nasa tabi mo lang ako-- wag mo na isipin yung mga bumabagabag sayo." "Kapag sakaling bumalik na ang lahat sana ipaglaban mo yung pagmamahal mo sakin a, kahit masaktan ka, ipaglaban mo ako a." anya. Nalungkot ako sinabi nyang iyun at nagtapang tapangan nalang ako kahit alam kong wala na akong karapatan oras na mangyari yun. "Oo naman, hindi pwedeng hindi! tiyaka diba wala na yung nakaraan, bakit pa ako mag fofocus dun." sagot. Umayos sya ng upo at humarap sa akin, ngumiti ito at nabigla nalang ako ng bigla nya akong halikan sa labi. "Diba mag jowa naman na tayo," anya at bigla akong niyakap at akoy parang di nakagalaw sa kinauupuan ko. halos nanghina ako sa ginawa nyang pag halik sa labi ko na sa kauna unahang pagkakataon naranasan ko. "Isa pa nga.." hiling ko pa. muli itong humarap sakin at pinapipisil ang pisngi ko hanggang sa paulit ulit ako nitong paghahalikan sa buong mukha ko at sa sobrang pagkalambing nito ay napahiga ako at sya namay napapatong sa harap ko. nakaramdam na ako ng sensasyon sa katawan ng magkatitigan kami ng matagal, akala ko sa mga T.V. ko lang nakikita iyun ganun din sa personal. Mga nasa sampung segundo iyun bago kami kumawala sa posisyong iyun. "Bawal pa,..." wika nito sabay pisil sa matangos kong ilong. pero hinila ko sya at hinalikan sa labi ng matagal, ramdam ko ang halik din nito na pawang kami nagpapasiklaban sa halikan, huminto lang kami ng biglang may magsalita at nagulat nalang kami si Nanay nakadungaw at nakangiting pinapanuod kami kaya bigla kaming nahiya. "Masarap ba mga apo?" tanong ni nanay na nakangiti samin ni Ganda. Tumango nalang kaming dalawa at hiyang hiya kaya nagtalukbong nalang kami ng kumot at dun namin ulit pinagpatuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD