PAGBABALIK NI SUMMER

2253 Words
d**k POVS ISANG ARAW!! Maaga ako pumunta ng bayan para mamili ng cake at mahahanda, unang buwan na kasi namin na mag karelasyon at gusto ko maging espesyal itong araw para sa amin ni Ganda. Ang laki ng ngiti ko noon pauwi na dapat sosopresahin ko sya pero naabutan ko syang tulala at rumaragasa ang luha habang nakaupo sa papag na hinihigaan namin.pero tinuloy ko parin ang pag surpresa sa kanya. "Surprise!! Happy Monthsarry satin." wika ko. sabay inabot ang plastik na rosas na binili ko. ngunit napatingin lang ito sakin na tila hindi natuwa sa bungad ko. "Bumili ako ng ihahanda natin," dagdag ko pa ngunit nakatingin lang ito sa akin at tuloy lang sa pag patak ng mga luha. "Bakit, may masakit ba sayo? bakit ka umiiyak?" tanong ko pa. tumabi ako sa kanya at akmang yayakap dito pero pinigilan nya ako at umurong ng bahagya. "May kasalanan ba ako?" tanong ko pa na nagaaalala na sa kanya. Ngunit nabigla ako sa sinabi nito. "Matagal na ba ako dito?" mahinang boses na tanong nito. Tumango nalang ako at hindi naako nakaimik dahil parang may iba na sa kanya. yung salita nya at pustura mukhang bumalik na ang alaala nya. "Sagutin mo ako! Nasan ako?" saad pa nito at nagpatuloy lang ito sa pagiyak. "Baka naalimpungatan kalang, ito may dala akong almusal para sayo." alok ko para kahit papano mapakalma sya. "Sagutin mo ako, asan si Gabrielle? si Mommy, mga kaibigan ko, asan sila?" pasigaw na tanong nito na gulong gulo. "D-iko alam kung saan sila! nasa bahay ka namin." sagot kong mautal utal. "Andito rin ba sila Jiggy? asan sila? Mika!" saad pa nito na hinahanap ang mga binanggit na pangalan nito. "I-ikaw lang nandito, nakita kasi kita sa dalamapasigan noon sugatan at walang malay, kaya dinala kita dito para gamutin lahat ng sugat mo at noong nagising ka wala ka ng naalala sa mga nangyari sayo, isang taon na ang nakakalipas." sagot ko. "Isang taon na?" pagtataka nito. "Oo," sagot ko. Natatakot ako na kinakabahan sa mga isasagot ko sa kanya dala narin ng takot hinayaan ko nalang at hindi ko na ipinilit kung ano mang ugnayan naming dalawa, kinakabahan dahil baka magkaroon ng galit at baka iwan kami dahil nagbabalik na ang alaala nya. Agad syang tumayo at tinignan ang sarili sa salamin at naging emosyonal sa lagay nya, tumakbo sya palayo kaya agad ko syang sinundan. "Uuwi nako, hinahanap na nila ako." anyang umiiyak palabas ng bahay. "Sasamahan kita," wika ko. "Hindi, wag kang susunod, i dont need you--" sagot nito. Wala na akong nagawa kundi hayaan sya pero nakasunod lang ako sa kanya. huminto sya at naupo ng makarating kami sa bayan, litong lito at gulong gulo kung saan tutungo. kaya lumapit ako at nagbabakasakali na kailanganin nya rin ako. "Handa akong tulungan ka para makabalik sa inyo, sasamahan kita." wika ko. "Bakit ganun!" tumayo ito at niyakap ako dahil narin sa lungkot na pinagdadaanan nito. Wala akong nagawa kundi alalayan sya at pumayag naman ito na bumalik sa bahay at tinanggap nito ang alok na tulungan sya. Bakas parin sa mukha nya ang mga mapapait na nangyari sa kanya mula ng makauwi kami at nagkwento ito sa mga nangyari sa kanya. SUMMER POVS Nagising nalang ako na parang ang daming nagbago, ang dami ring tanong sa isip ko. asan ako? at paano ako napunta dito dahil ang buong akala ko mamatay na ako sa sunog. at hindi ko rin alam kung paano ako nakaligtas sa trahedyang iyun dahil ang alam ko wala ng pagasa at nilalamon na ako ng apoy. Para akong natulog nang napakatagal at diko rin alam Imposible pala iyun? na mawalan ng alaala, paano nangyari yun.. mga tanong na nagpagulo sa isip ko lalo nat wala sa tabi ko ang mga mahal ko sa buhay. Asan na sila? yung mga kaibigan ko na kasama ko ng oras nayun. Nakaligtas din ba sila? pero bakit ako lang andito? Nabigla nalang din ako ng may lalaking dumating at binati ako ng Monthsarry, ano? na dumagdag sa iniisip ko. Ang dami kong tanong sa kanya at mukha nasagot naman nya ng maayos hindi ko ka kinewestyon ang pakay nito kundi dinirekta ito kung nasan ako ng oras na yun. Nang masabi nyang mahigit isang taon na ako na nasakanila doon na ako naging emosyonal. Na bakit sa tagal ko dito bakit hindi manlang ako hinanap ni Mommy at ni Gabrielle, nasan sila ng kailangan ko ng tulong. Kaya napatakbo ako palayo para hanapin at umuwi na sa totoo kong pamilya. Hinang hina ako diko rin alam kung saan ako pupunta naging bingi ako sa paligid ko dahil ang gusto ko ng oras nayun ay makauwi na. Isang taon? ng mga nakalipas na araw anong nagawa ko? bakit sa tagal ng panahon bakit ngayon lang bumalik ang alaala ko?. Pero I realized na dapat kong pasalamatan yung taong yun dahil sa tagal ng panahon hindi nya ako pinabayaan. Umiyak ako sa kanya dahil hindi ko na kaya halo halong emosyon na ang nagsasanib sanib sa utak ko kaya gulong gulo ako. Iyak lang ako ng iyak ng makauwi sa kinalagyan ko. "Ano ba talagang nangyare sayo? bakit ka nagkaganyan?" tanong nito sakin. "Marami kami, kasama mga kaibigan ko-- nag oouting kami, pero hindi pa man masyadong nakakalayo nagkaroon ng isang malakas na pagsabog lahat na ay nataranta yung iba nagiiyakan na at ang iba tumalon na sa dagat dahil sa takot at ako-- hinanap ko mga kaibigan ko habang naģlalagablab na ang apoy sa loob pero bigo ako na mahanap sila hanggang na trap ako sa isang kwarto, sobrabg init at alam kong ayun na ang katapusan ng buhay ko." sagot ko habang pinagmamasdan ko ang itsura ko sa sasalamin na sobrang iba na sa noon. "Grabe naman pala nangyare sayo." saad nito. Muli akong umiyak dala ng emosyon at trauma sa mga nangyari at hindi parin makapaniwala na nailigtas ako sa trahedyang iyun. Humiling ako sa kanya na makahiram ng cellphone para tawagan ang bahay at sk Gabrielle, ngunit wala daw itong cellphone kaya naghanap sya ng mahihiraman. Wala pang limang minuto agad syang nakabalik at agad inabot sakin ang hiniram nitong phone. agad ko silang tinawagan ngunit nabigo ako. Hindi na matawagan, wala naman akong alam na number ng mga kaibigan ko kaya ang dapat kong gawin ay umuwi talaga. Buong araw akong wala gana kahit alukin ako nito ng kung ano ano dahil nasa isip ko parin ang trahedyang iyun. Kinabukasan maaga akong nagising sinikap kong makauwi sa amin at hindi na nagpaalam pa sa kanila at buti may pera sa damitan kaya ginamit ko iyun pauwi, ibabalik ko nalang lahat ng utang ko sa kanila at tulong na binigay nila sakin kapag nakauwi na ako. Napakalayo pala ng lugar kung saan ako napadpad, kahit may phobia na ako sa dagat nilakasan ko nalang at tinapangan ko makasakay ng bangka makarating lang ng batangas at sumakay ng bus pa maynila. Magtatanghali na ako ng makarating sa maynila labis ang tuwa at lungkot ng muli akong makaapak sa subdivision kung saan kami nakatira. Nang makarating ako sa mismong bahay sobra akong napaiyak sa saya ng masilayan ko muli ito. ngunit iba tahimik at tila wala ng tao sa loob pero pumasok parin ako sa sobrang pagkamis sa bahay namin. ng makapasok muli ako sa loob kung sino sino tinatawag ko sa loob. Bakit walang tao? walang guard at walang mga yaya tila nalipasan na ng panahon agad ako pumunta sa kwarto ko ngunit na kakandado ito. Kaya kung sino sino nalang ang tinatawag ko sa bahay dahil sa sobrang pagkabahala at takot na baka kinalimutan na nila akong lahat. Napalingon nalang ako ng may biglang may magsalita. sa pangalan ko. "Summer, ikaw ba yan?" wika nito. kaya agad ako napalingon mula sa boses na iyun. "Yaya' Emy---" bigla akong umiyak at lumapit sa kanya sa sobrang pangungulila sa kanila. "Ikaw ba talaga yan Summer?" wika pa nito na tila takot na takot. "Oo ako to Yaya, asan ang Mommy?" paglapit ko at bigla ko syang niyakap ng sobrang higpit. "Juskopo!! Lahat ang buong akala patay kana--- totoo ba to?" Wika nito sabay akong pinaghahawakan sa mukha. hanggang makita nya ang sunog sa aking leeg at panot sa ulo. kaya kapwa kaming naging emosyonal sa muling pagkikita namin ni Yaya. "Anong nangyari Summer? ang tagal mong nawala, saan kaba nagpunta anong nangyari sayo?" umiiyak ito sa sobrang pangungulila. "Mahabang kwento, nasaan si Mommy? gusto ko syang makita," wika ko. Kaya naupo muna kami at hindi parin makapaniwala si Yaya at panay ang yakap nito sa akin. Nalaman kong nasa Amerika si Mommy dahil buong akala nito patay na ako sa sobrang lungkot hindi daw nito kinaya ang lahat ng mawala ako. "Mula ng mawala ka, hindi nanamin nakausap ng maayos si Maam, iniwan nya nalang kami kaya yung iba nagalisan nalang din dahil wala nang magpapasahod, pero di ko naisip na iwan to.. dito na ako tumanda e." saad ni Yaya. "Pero may contact pa naman ako kay Maam, tawagan natin sya ngayon for sure matutuwa iyun at mapapauwi dito yun." dagdag pa nito. Pero bago pa man tawagan si Mommy sa states may tinanong ako kay Yaya about kay Gabrielle. "Yaya, diba kilala mo naman si Gabrielle! ni minsan ba pumunta sya dito para hanapin ako or nakibalita kung na saan ako?" umiiyak kong tanong. "Kilala ko sya pero kahit sandali hindi ko sya nakita sa burol mo o nangamusta dito sa bahay," sagot nito at laking pinagtataka ko na may binurol sila. "Burol ko? may binurol kayo na katawan ko, paano nila nasabi na ako yun?" pagtataka ko. "Oo nga pala! sino yun? Nakilala ka nila dahil sa damit na suot at kwintas na bigay daw sayo ni Gabrielle noon." pagtataka rin ni Yaya. "Kwintas? di ko suot yun ng oras na yun dahil na sa bag ko lang ito-" biglang pumasok sa isip ko si Jiggy na baka pinakelaman ang gamit ko dahil matagal na syang may interes dun. "May balita po ba kayo sa mga kasama ko? nasan sila?" tanong ko pa. "Oo meron isa!! nakalimutan ko na ang pangalan pero balita ko hindi sya maayos ngayon mukhang nagka trauma sa pangyayari. Naiyak ako at kahit papano may nailigtas pa na kaibigan ko ng araw nayun agad ng tinawagan ni Yaya si Mommy at muli akong nabuhayan ng marinig ko ang boses ni Mommy muli. medyo galit pa ang tono nito ng una. "Yes Yaya!! nasa Meeting ako, anong problema?" tila matapobreng boses ni Mommy. "Mommy I missed you!! where home na," naluluha kong sagot na may panginginig. "Baby, is that you? My son..." Sagot nitong na alam kong umiiyak narin ito dahil sa pag iba ng tono ng pananalita nito. "Yes Mom! Uwi kana plsss, kailangan kita." Umiiyak kong sagot. at kapwa nakaming naging emosyonal at hindi na magkaintindihan dahil sa alingaw ngaw ng iyakan namin. Ang dami ring tanong ni Mommy na hindi ko pa masagot dahil gusto ko kaharap ko sya then Mommy promised na uuwi na sya at agad agad daw itong nagbook ng flight pauwi ng pilipinas. Dami palang naapektuhan sa pagkawala ko ang dami ring nagbago ngunit may isa pa akong tao na gusto makita si Gabrielle for sure matutuwa iyun sa muling pagbabalik ko. kaya wala akong sinayang na oras at agad kong inaya si Yaya para samahan ako. "Yaya may car bang available diyan?" "Oo yung sasakyan mo for sure namis ka narin ng sasakyan mo hindi ko hinahayaang maalikabukan yan hihi." sagot nitong naglalambing sa sobra nitong pagkamis sakin. Kaya agad akong bumiyahe at biniro pa si Yaya para kahit papano mawala yung bigat ng emosyon namin. "Yaya ang tagal ng nakatambak to pero may Gas parin ah." biro ko. "Ahh eh yan ang bilin sakin ng Driver noon huwag ko daw hayaang matuyuan noong nagalisan na sila sayang din kasi kung masisira lang." s**o nito. "Hindi mo ginagamit?" biro ko. "Minsan." sagot nitong biglang tawa. "Nakakamis yung bahay no! dati magigising ka nalang dahil sa ingay ng nyo, ngayon napakatahimik na, Thankyou for staying Yaya Emy." wika ko. "Gaya ng sabi ko hindi ko iiwan yan, malaki na rin yung utang na loob ko sa inyo at wala rin naman akong ibang matutuluyan na pamilya e kaya diyan nalang ako." "Eh san ka kumukuha ng panggastos, sa mga bills, tubig at kuryente hindi kaba natatakot noong panahong akala nyo patay na ako." wika ko. "Noong una may mga ipon naman ako, natipid ko iyun at nagamit pa mag generator at tangke ng tubig, pero kailan lang si Maam na yung tumawag sakin mismo at kahit papano napapadalhan nya ako ng pang maintenance dito sa bahay para kahit papano hindi sya lumuma, kaya ayun.." sagot nito. "Ganun ba, hayaan mo susuklian namin ni Mommy lahat ng ginawa mo." "Siguro narin kaya di ko naisip na matakot dito magisa dahil hindi ka naman talaga namatay." sagot pa nito. ................ Halos mawala lahat ng problema ko at makahinga ng maayos dahil alam kong mabubuo na muli ako, siguro nga may rason kung bakit nangyari lahat iyun.. Nang makarating kami sa lugar nila Gabrielle labis ang saya ko noon sa pakiramdam lahat lahat at finally makikita ko na ulit ang pinakamamahal kong lalaki sa buong buhay ko. Excited na akong mayakap sya pero.. hindi pa man ako nakakababa sa kotse kita ko na may Kahawakan ng kamay ito nakita ko rin kung paano nya halikan sa noo ang taong yun papasok sa gate ng bahay nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD