SUMMER POVS
Hindi ako nagpatalo sa emosyon ko kaya pinaglaban ko kung ano yung karapatan ko, agad ko lumabas ng kotse at tumakbo palapit at niyakap si Gabrielle ng sobrang higpit.
Bumuhos ang mga luha ko dahil sa pagkakataong iyun muli ko na syang nayakap.
"Bunchy ko!!" sambit ko habang umiiyak na yakap sya. wala syang reaksyon di ko rin naramdaman ang mga kamay nya na dumampi sakin para gantihan ng yakap.
Halos di ako bumitaw, marahil ang nagtataka sila o naguguluhan, kaya humarap ako sa kanya at kitang kita ko sa kanya ang pagkabigla.
"Summer! ikaw ba yan?" tanong nito.
"Yes! Ako nga to Gabrielle, bunchy." sagot ko at napatingin ito sa taong kahawakan ng kamay nito.
At binigla ako ng yakap nito at nagsimulang umiyak habang yakap yakap nito.
"W-aitt, totoo ba to, Summer paano?" di makapaniwala na reaksyon nito.
Mangiyak ngiyak ito at kita ko sa expression ng mukha nito ang saya ng makita ako muli. Ang hirap talaga sa mahabang panahon na dikami nagkita.
"Congrats!!" wika ng isang nasalikuran nya at sa tingin ko kagaya ko rin sya at bigla itong pumasok sa loob ng bahay.
Diko na pinansin yun at may oras pa naman para tanungin ang tungkol dun ang gusto ko lang na makasama si Gab at sulitin ang oras na kayakap sya dahil narin sa sobrang pagkamis sa kanya.
Magkayakap lang kami ni Gabrielle halos ang tagal siguro aabutin ng mga kalahating oras nahinto lang iyun ng maglabasan sila Caleb at Ely mga kapatid ni Gabrielle at kita ko rin sa kanila ang pagkagulat, siguro nga alam ng lahat ng patay na ako kaya grabe ang pagkakagulat nila ng makita nila ako muli.
RAIN POV
Mga nagdaang araw sobrang saya namin 1st time sa buong buhay ko na magkaroon ng boyfriend na sobrang gwapo, mabait at tanggap na tanggap ako kaya napaka swerte ko ng dumating sa buhay ko si Gabrielle.
Ang araw na iyun ang hindi ko malilimutan, kakauwi lang namin noon galing sa shop, hindi pa man kami tuluyang nakakapasok sa loob ng bahay nila nagulat nalang ako ng may biglang yumakap kay Gabrielle habang magkahawak kami ng kamay, umiiyak ito diko pa ito mamukaan dahil may balabal ito sa ulo at iba na ang pakiramdam ko nun iba! nasasaktan na ako kaya wala akong nagawa kundi pagmasdan sila at nasaktan pa ako lalo ng marinig kong tawagin nitong Bunchy si Gabrielle na alam ko na si Summer iyun dahil nakwento ni Gab na ayun ang tawag ni Summer sa kanya, nagtaka rin ako na ang akala ko patay na ito, pero bakit?
Ang sakit makita sila lalo nat napayakap narin si Gabrielle sa kanya at nagsimula ng maging emosyonal ng oras na yun.
"C-ongrats!" ang tanging bati ko sa kanila at di ko na kinaya at pumasok na ako sa loob at doon bumaha ng emosyon, bakit ngayon pa? ngayong mahal na mahal ko na si Gabrielle at bakit ngayong nagmamahalan na kami.
Nasa kwarto lang ako ni Gabrielle at mukha na nga wala na akong papel sa kanya tinatatagan ko nalang ang loob kahit durog na durog ako.
Wala naman talaga akong papel sa buhay nya hiniram ko lang yung pagkakataong wala yung totoong minamahal nya. at masakit para sa akin yun, Sobra!!
GABRIELLE POVS
Hirap maniwala pero muli akong sumaya ng makita kong muli si Summer para akong nananaginip at hirap ipaliwanag yung nararamdaman ko ng oras nayun.
Halos di ako maalis sa tabi nya ang daming tanong at kung isa isahin ko ito ay baka abutin kami ng maraming oras at isa sa mga nararamdaman ko sobrang saya ko na nasa tabi ko na sya at ramdam ko na ako na ang pinaka masayang tao sa mundo.
Dirin makapaniwala ang mga kapatid ko dahil naging saksi sila sa lahat ng mga nangyari.
Kita ko rin ang bakas ng trahedya sa kanya dahil pinakita nya ito sa amin ang peklat ng kahapon, labis akong naawa sa kalagayan nya, nangitim din sya a nakwento nya na may tumulong sa kanya at nawalan ito ng alaala kaya hindi agad ito nakabalik. awang awa ako sa sinapit nito at bawat salitang lumalabas sa bibig nito dala parin ang takot ng sariwain nya ito kaya niyakap ko syang muli para maibsan ang sakit na dinaramdam nito.
Nalaman ko ding iba ang binurol ni Tita Cora at maaring si Jiggy iyun. kaya siguro pinagdamot sakin ang pagkakataong makapunta dun dahil ibang tao ang naburol at na cremate nila.
"Sino yun?" tanong nito habang kayakap ko yun. agad akong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya upang sagutin ang tanong nya. ngunit di ako nakasagot di ko alam ang isasagot ko.
Naging tahimik din sila Ely at Caleb sa tanong ni Summer.
"Nagkaroon ka pala ng iba habang wala ako." saad nito na kita ko ang lungkot sa mga mata nya.
"Oo-- Akala ko kasi wala kana talaga, hanggang makaramdam ako ng pagmamahal sa iba, para maibsan yung pangungulila ko sayo, pero andito ka naman na at alam nya yun, alam ko at alam nya ang sitwasyon at maiintindihan nya yun." sagot ko. at pinaliwanag sa kanya ang dahilan ko.
"Bakit? ganun nalang ba kadali yun, kung ako yung nasa posisyon nya,, Gabrielle! sobrang sakit nun." saad nitong naging emosyonal.
Nanahimik ako at wala akong nasabi napayuko nalang ako sa sitwasyong dala ko.
"Dimo ba alam Ang saya ko ngayon nakita na kita muli pero ang sakit kasi may iba na, akala ko ba ako lang? ang sakit kasi may masasaktang iba sa pagbalik ko." saad pa nito.
Rumagasa ang luha sa aking mga mata at halos di ako makapagsalita na pinagmamasdan sya at naisip ko rin ng oras nayun si rain. napamahal narin ako sa kanya at ramdam ko yung sakit na dinaramdam nya sa ngayon pero diko alam kung anong gagawin ko Gulo gulo ako.
SUMMER POV'S
Sa paguusap naming iyun ni Gabrielle hindi naging madali para sa akin yun at totoo nga na karelasyon nya iyun pero diko naisip na magalit dahil alam ko namang walang kasalanan ito dahil nagmahal lang din naman sya.
Matalino akong tao kaya hindi ko dapat pangunahan ng galit ang lahat dahil wala rin namang nagakala na buhay ako kaya siguro nagawa nila iyun at nagawang magmahal na ng iba si Gab.
Tumayo ako para hanapin kung nasaan si Rain ngunit tinuro nila na asa kwarto daw ito ni Gabrielle ngunit pinigilan ako ni Gabrielle na akalang aawayin ko ito. wala akong ugaling ganun at gusto ko lang sya makausap ng oras nayun. kaya hinayaan ako ni Gabrielle at ng makapasok ako naabutan ko sya na nakatalikod at ramdam kong umiiyak ito.
Kaya humawak ako sa balikat nito at nagpakilala at para kilalanin sya lubos. napatingin ito sa akin at magang maga na ang mata sa kakaiyak. pero nginitian ko lang ito para bigyan ng lakas para makausap ako.
"Alam ko yang pain na nararamdaman mo, mahirap at masakit.." wika ko.
Tumango lang ito na tila nahihiya sumagot sa sinabi ko.
"M-ahal mo talaga si Gabrielle?" nauutal kong tanong dahil dun nagsimulang tumulo ang mga luha ko.
Muli itong tumango na nakatingin lang sa akin.
"Alam mo ba yang nararamdaman mong sakit? doble o triple ng sakit ng nararamdaman ko ngayon, kasi ako yung mas may karapatan pero ako yung mas nahihirapan sa sitwasyong ito kasi andyan ka, nasasaktan at umiiyak dahil sa pagbalik ko." Naghahagulgol kong sabi.
"Alam ko naman yun e, umiiyak ako hindi dahil bumalik ka, umiiyak ako at nasasaktan dahil, paano na ako?"umiiyak nitong sagot sakin.
"tanungin mo rin ako, paano din ako?" saad ko.
"Alam ko naman na wala ako laban e kaya kung papapiliin si Gabrielle, Ikaw o ako? mas pipipiliin ka parin kasi mahal na mahal ka nun e, natatakot lang ako kasi diko alam kung saan ako pupulutin ulit." anya.
ramdam ko yung pagmamahal ni Rain kay Gabrielle at nasasaktan ako sa sitwasyon nya at sa kinakatakot nya kaya niyakap ko sya at sa pagyakap ko bigla syang humagulgol ng malakas at dinadaing na...
"Plsss Summer, diko kaya mawala si Gabrielle- akin nalang sya plssssss.." umiiyak nitong sabi na kinabigla ko sa paghingi nito sakin kay Gabrielle. sumunod pa nito ay lumuhod ito sa harap ko at nakikiusap pa na ibigay ko na sa kanya si Gabrielle.
"Summer, hayaan mo na kami ni Gabrielle plsss, masaya na kami at nagmamahalan, alam ko na naiintidihan mo kung bakit ko sya pinaglalaban sayo, mahal ko sya at ako yung nakasama nya noong panahong wala ka." wika nito habang nakaluhod sa harap ko.
Naging pipe ako ng oras nayun diko alam kung ano isasagot ko, napapahinga nalang ako ng malalim habang syay humihiling ng karapatan para kay Gabrielle.
Sa sobrang awa sa kanya napatango ako hudyat sa pagsangayon sa gusto mangyari, ayuko namang maging masaya habang may nasasaktang iba at tama sya, sya na yung bago at syang yung karamay ni Gab mula noong nawala ako.
"Tumayo ka diyan-" wika ko sabay inalalayan sya patayo hanggang yakapin ko sya ng mahigpit at doon bumuhos ang mga luha ko ng sabihin kong.
"A-lagaan mo si Gabrielle ah, ipapaubaya ko na sya sayo." wika ko. sabay ako bumitaw sa pagkakayakap sa kanya tiyaka nilisan ang lugar na iyun.
Sinalubong ako ni Gabrielle sa paglabas ko ng kwarto pero dali dali ako at hindi ako nagpapigil dirediretso at hindi ko masabi sa kanya ang dahilan, ng makalabas ako dumiretso ako kotse para makalayo na.
SUMMER POVS
Ang bigat at sobrang sakit ng ipaubaya ko na si Gabrielle iba, sa sobrang sakit pikit mata ko nalang na dinadamdam ang lahat at sa sobrang bigat halos wala ng luhang mabubuhos.
"Ya, uwi na tayo! Naligaw ata tayo, gusto ko muna magpahinga." Ang tanging nasabi ko. paglisan namin sa lugar nila ang daming pumasok sa isip ko sana namatay nalang ako kaysa naman ito ako buhay pero parang pinapatay.
Akala ko may babalikan pa akong boyfriend, akala ko magiging masaya ako sa pagbalik ko sa haba ng panahon na wala ako, akala sya na at buong akala ko kami hanggang dulo pero mali ako maling akala lang pala iyun sobrang sakit mas masakit pa sa lahat ng nangyari sakin.
Humihinga nalang ako ng malalim habang tinutumbok ang daan pauwi sa amin.
"Lord naman, Binigyan nyo nga ako ng another chance pero pinapahirapan nyo naman ako, plsss pagpahingahin nyo naman ako, kahit isang araw lang, ang bigat e sobrang sakit!" daing ko. hanggang doon na pumatak ang luha ko mula ng dumaing at tumawag na ako kay lord.
Hanggang sa makauwi na kami sa bahay dala parin yung pain at bigat ng pagpapaubaya at thankful kay God kasi hindi nya ako pinabayaan ng oras na yun pinatulog nya muna ako gaya ng hiling ko, para di makapag isip isip ng kung ano anong makakasakit sakin.
Nagising nalang ako ng tila may pumasok sa isip ko.
"d**k?" banggit ko.
Naalala ko narin ang lahat mula ng magkamalay ako sa baryo, hanggang kay Nanay mula kay d**k at sa mga tao doon na minahal ako hanggang sa mga bata na nagbigay din sakin ng Inspirasyon diko malilimutan ang mga sandaling nakasama ko sila.
Naalala ko ring "Ganda" ang tawag nila sakin, nawala lahat ng bigat ng pakiramdam ko ng sariwain ko lahat iyun.
Sa dami kong iniisip lumilinaw na lahat ng nangyayari sa buong buhay ko.
Nagbulag bulagan muna ako sa lahat at tinago ko muna yung bigat at sakit para matulungan ko ulit ang sarili ko.
Baka may rason ang lahat kung bakit nangyayari to O may magandang plano sakin si Lord sa mga susunod pa.
Hanggang sa hindi na ako nagparamdam sa kanila nag rent muna ako ng condo para makaiwas at para na din hindi ako puntahan ni Gabrielle if ever ng panahong iyun.
Nagpatulong ako kay Mom at para narin magpatingin dahil feeling ko sa mga fast na nangyayari sakin ramdam ko parin yung trauma. at inayos ko ang sarili ko ulit sa dati kong ayos.
Hairtreatment, Derma about sa skin ko lalo na yung mga lapnos at hindi narin pantay talaga yung skin tone ko. lahat yun pinaayos ko, bumalik lang ako sa dati na malaya.