SUMMER POV'S
Naisipan kong puntahan si Mika, gusto ko syang kamustahin at yakapin may mga bagay din akong gustong itanong sa kanya.
Pagkarating ko sa kanila ang Mama nya muna ang kumausap sakin dahil mula noong nangyari ang trahedya ay naging taong bahay nalang ito at hindi na masyadong naglalalabas ng bahay at minsan ay tulala ito na sinabayan ng mga pagluha.
Nabigla din si tita ng muli akong makita, akala nya din ay wala na ako, kaya bago ko puntahan si Mika nagkwentuhan muna kami at ayun nasabi ko ang side ko at nasabi nya rin ang tungkol kay Mika.
Hindi nya daw ito makausap ng maayos, hindi nya rin daw nasabi ang mga nangyari at paano nagsimula, naging tikom nalang ito at para na din hindi makadagdag sa isipan nito hindi nalang nila ito kinulit at hinayaan nalang.
Pagkatapos ng paguusap namin ni Tita tinuro nito sakin kung nasan si Mika, bukas naman ang pinto kaya agad akong nakapasok at naabutan ko syang nakaupo at nakatulala sa harap ng salamin.
Ang creepy na nakakaawa sya tignan sa lagay nyang yun dahil kilala ko sya sa pagiging maingay kapag nagpupunta ako sa kanila pero ngayon iba na.
Tumulo ang luha ko ng muli ko syang nakita.
"Frenny!!-" sambit ko habang patuloy sa pagiyak. agad naman akong nilingon nito at agad namang lumapit at sinunggaban ako ng yakap at naghagulgol na ito ng naghagulgol na halos dirin makapaniwala na asa harap nya ako.
"S-summer- sabi ko na nga ba buhay ka e, salamat sa diyos at bumalik kana." nauutal nitong sabi na may halong kakaiba sa pagsabi nito kaya hindi ko muna ito pinansin dahil nasa gitna na kami ng kalungkutan.
"k-musta kana, matagal nakitang hinihintay, mis na mis kita Summer-- sorry!!!" dagdag pa nito at napaisip ako kung bakit nag sosorry ito.
"Wala kang kasalanan-- pSshh, Biktima tayo dito at sayang ngalang yung iba, wala na," sagot ko.
"Sorry kasi! hindi ko sinabi sa kanila na si Jiggy yung nilibing nila, sa pamilya mo at kay Gabrielle, dami ko kasing iniiisip gulong gulo ako, halos di mawala sa isip ko ang lahat hanggang ngayon ginugulo parin ako ng trahedya." saad nito. kaya niyakap ko sya para mapakalma, naiintindihan ko sya dahil dumating din sa point ko yung nararanasan nyang trauma at anxiety. Pinakalma ko sya at pinayuhang kalimutan na ang lahat tapos na! nangyari na!
Naging Espesyal ang paguusap naming iyun hanggang sa ang dami kong pinarealized sa kanya na mga bagay para matauhan sya na kinumpara ko yung nangyari sakin sa kanya at pinakita ko yung bakas ng trahedya sakin. Hanggang sa marealized nya lahat.
Hanggang sa pumasok si Tita at naging emosyonal ang mag ina dahil pinabalik ko na ang dating Mika.
Isang araw bumalik na si Mommy ng pinas salubong ang isang napakahigpit na yakap, yakap ng mahigit isang taong pangungulila. ang drama nami ng sunduin ko sya sa Airport halos di sya bumitaw sakin at halos di mawala ang tingin nito sakin dahil di makapaniwalang kasama na nya akong muli.
GABRIELLE POVS
Hindi ko alam kung bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin, dumiretso alis ito at hindi nagpaalam sakin, diko maintindihan ang nagawa ko nalamang sundan ito pero pinigilan nya ako.
daming tanong sa isip ko anong nangyari? bakit biglang nagiba yung pakiramdam nya sakin halos pagtabuyan nya ako.
Agad akong dumiretso kay Rain upang tanungin ang nangyari at kung ano pinagusapan nila.
"Anong ginawa mo? anong mga sinabi mo?" tanong ko na diko alam nataasan ko na sya ng boses. ngunit umiiyak lang ito. kaya diko nalang sya pinilit at lumabas ako para sundan si Summer pero sa kamalasan sira ang sasakyan at ang isa naman wala ng gas. diko na alam kung ano gagawin ko, ayaw ko ng mawala pa si Summer sa buhay ko. nangangatog na ako sa kakaisip kung ano gagawin ko kaya dahil sa kapraningan pumunta ulit ako kay Rain.
"Ano ba sinabi mo dun? ang saya namin kanina, bakit biglang ganun? may nasabi kaba?" tanong ko.
"Gabrielle, ako na yung bago bakit parang sya parin sa kinikilos mo?" umiiyak na sagot nito.
"Oo ikaw nga! ikaw yung bago pero hindi ikaw si Summer iba ka kay Summer at mas mahal ko si Summer." pasigaw kong sagot.
"Oo iba ako kay Summer, pero ako yung nakasama mo habang wala sya, ako yung nasa tabi mo noong panahong akala mo patay na sya!- paano na yung sinabi mong Mahal na mahal mo ako kahapon? Gabrielle, sana iniisip mo rin yung pakiramdam ko habang pinagkukumpara mo kami sa buhay mo! ang sakit kasi e." saad nito.
"Alam mo naman kung gaano din kita kamahal Rain, pero sana naisip mo rin yung saya na mararamdaman ko." wika ko.
"Sayang mararamdaman mo dahil buhay sya? o sayang mararamdaman mo dahil posibleng mabalik ang nakaraan? kaya dimo maaalis sakin na magisip ng magisip dahil bumalik na sya, paano na ako?" saad nito sabay ng pagiyak ng sobra.
Kaya niyakap ko ito dahil diko naman na gustong masaktan sya ng ganun, humingi ako ng tawad sa kanya. tama nga sya sya na yung bago sya na lahat dahil pinangako ko rin sa kanya na sya na ang huli.
Kaya napapahinga nalang ako ng malalim dahil sa kakaisip between them, mahal ko si Rain at mahal ko rin si Summer, diko alam kung anong gagawin ko tila nagsanib sa isip ko ang dalawang panahon.
Di naman din ako masisisi ni Rain kung bakit ganun ang turing ko kay Summer sa muli naming pagkikita, matagal din akong nangulila sa kanya, nawala at halos mabaliw sa kakaisip at alam din naman nyang mahal na mahal ko pa si Summer.
SUMMER POVS
Di mawala sa isip ko si Gab, tama nga ba yung naging desisyon ko parang ang tanga ko sa part na yun na pakawalan na lang sya.
Siguro nga may dahilan nanaman kung bakit nangyari yun.
Gusto ko syang kalimutan nalang kahit deepinside gustong gusto ko syang kamustahin at gusto ko sana bumawi sa lahat ng mga araw na wala ako sa tabi nya.
Nagfocus ako sa mga bagay na nawala sakin noon, gusto kong bumalik lahat pwera kay Gabrielle dahil alam kong may Rain na sya at alam kong mahal na mahal sya nito.
Isang araw diko akalaing magkikita kami halos huminto ang mundo ko na feeling kong sya parin, halos di ako makagalaw sa kinakatayuan ko noon pati sya nagkatitigan lang kami at biglang tumulo ang luha ko.
"Bunchy ko, mis na kita!" bulong ng isip ko habang magkatinginan kami sa malayuan.
Palapit ito sakin at akmang yayakap pero umiwas ako at lumakad sa kawalan.
"Summer, magusap tayo- bakit mo ba ako iniiwasan? may nagawa ba ako?" wika nito habang sinusundan ako sa paglakad hanggang mahawakan nya ako sa braso kaya akoy napaharap sa kanya, pero di ako nakapagtitigan sa kanya dahil yumuko ako habang syay maraming tanong, dahil nahihiya ako sa kanya kahit wala akong kasalanan pero di ko alam kung bakit tila wala akong mukhang ihaharap sa kanya.
"Summer, harapin mo ako, bakit kailangan mong gawin sakin to?" anya.
"Wala akong isasagot sayo- sige na nagmamadali ako."sagot ko paalis na muli ako sa harap nya pero hawak nya parin ang braso ko kaya napatingin na ko sa kanya.
Doon ko naramdaman na mahal ko parin talaga sya yung kahinaan ko sa kanya lahat lahat.. ng nakita ko sa mata nya na kailangan nya parin ako, na gusto nya akong kausapin at mahal na mahal nya parin ako pero nagmatigas parin ako at pinilit na wag nalang kasi may masasaktang iba. nasigawan ko sya para maglubay na at sinagot na.
"Ginagawa ko to hindi para sakin, ginàgawa ko to para sa inyo ni Rain, Ang maganda Gab. kalimutan mo na ako at isipin monalang na patay na ako." nasasaktan kong sagot.
Pero niyakap nya ako at sinabing...
"Niloloko mo lang yung sarili mo e, alam ko namang mahal mo parin ako e." saad nito. pero tinanggal ko yung kamay nya at sinagot nang..
"Yun ang akala mo, Noon yun---" sagot ko at di na nya ako pinigilan sa pagalis ko. durog na durog ako ng oras na yun diko alam san ako pupunta, gulong gulo litong lito ang isip ko sa kanya.
Sobrang sakit na magbulagbulagan sa harap nya at sabihing hindi na mahal na mga pawang kasinungalingan ko mapaubaya ko lang sya.
Awang awa ako sa kanya na hindi nya deserves masaktan ng ganun dahil alam kong napakabuti nyang tao, gusto ko gantihan yung yakap nya at gusto kong sabihin na mahal ko pa sya pero hindi na pwede.. nag bitaw na ako ng salita kay Rain at ayuko na bawiin yun...
Umuwi ako at sinalubong ako ni Mommy niyakap ako nito ng napakahigpit at sinabing..
"Si Gabrielle ba yang pagiyak mo? Alam mo ba na natuwa ako sa kanya noon dahil pilit nyang pinaglalaban yung karapatan nya sayo yung akala namin wala ka na andun sya at nakinig sya sakin na hindi ipakita sa kanya yung labi mo.. ayun ang nagustuhan ko sa kanya na kahit wala ka na noon nakikinig parin sa sakin at sinusunod ako.." saad ni Mommy dahil doon kumalma ako at nagkaroon ng interes makinig sa kanya.
"Naging selfish ako sa taong yun noon dala narin siguro ng emosyon dahil akala ko ikaw yung nasa morgue andun sya ng gabing yun pero pinagtabuyan ko sya pero wala akong narinig na kahit ano sa kanya kaso nirerespeto nya parin ako." wika nito.
"Kaya Summer wag mong sayangin yung taong yun, naniniwala ako sa taong yun sa dedikasyon at sincerity nya sayo, Mahal ka ng taong yun, kaya hahayaan na kita sa kanya at ayuko na maulit ang nakaraan na pinapalayo kita sa kanya at ayuko ng mawala ka pa."dagdag pa nito.
Diko masabi kay Mommy na wala na kami at may iba na sya diko alam paano ko sasabihin ang sitwasyon namin, diko alam kung paano ko sisimulan lalo nat napalapit na ang loob nito kay Gab. ayuko masira ang tingin ulit nito kay Gab. kahit wala na kami.
"Bakit kaba umiiyak?" tanong nito.
"May iba na po kasi si Gabrielle," sagot ko ewan ko ba kung bakit lumakas ang loob ko na sagutin iyun.
"Ipaglaban mo! kung paano ka nya ipinaglaban noon, alam kong mahal mo pa sya kasi ramdam ko." pagmomotivate sakin ni Mom para ipaglaban sya.
Ewan ko ba nagiba narin yung ugali Mommy simula ng nawala ako at todo suppor na sya sa lovelife ko di tulad noon.
"Hindi na po e, hinayaan ko na sya at pinalaya." sagot ng biglang bumuhos ulit ang luha ko.
"Bakit kailangan mong magpalaya? ehh alam ko namang mahal na mahal ka nun." saad pa nito.
"kailangan Mommy kasi may bago na." matawa tawa kong sagot habang rumaragasan parin ang mga luha ko.
"Dahil mahal mo pa sya kaya ka nasasaktan ng ganyan o Dahil sa bago kaya ka nasasaktan ng ganyan?" tanong nito.
"Wala-- gusto ko lang maging malaya ulit, buti pa sa Isla kung saan ako napadpad ang buhay dun napaka simple, lahat masaya, sagana at wala akong narinig na naging problema at wala rin akong prinoblema sa lugar nayun." wika ko.
"Gusto ko sila makilala para magpasalamat sa pagkupkop sayo at pagtanggap nila sayo." sagot ni Mommy.
"Makikilala mo rin po sila.."
Mula noon naging open na ako kay Mommy hindi na ako natatakot sa kanya at diko na kailangan maglihim pa sa kanya dahil lumuwag na ang isip nya di tulad noon na kay kitid at hirap umintindi sa mga desisyon ko.
Masasabi kong at mukhang malaya na ako dahil wala ng gumugulo sa isip ko wala naring Gabrielle na sumasagi at kung meron man nagiging normal nalang walang pain at bigat sa loob.
Mula noon naging abala narin ako sa negosyo na binigay sakin ni Mommy at dun ko binuhos ang pagmamahal ko sa pagnenegosyo nag focus ako dun halos di ako maabala.
GABRIELLE POVS
Mahal na mahal ko si Summer, kahit ang kinakasama ko ngayon si Rain, alam kong may dahilan ang lahat at ang dahilang iyun ay inintindi ko para kay Summer, naging matalino sya sa part na yun dahil mas inisip nya parin ang iba.
Pero hindi nagbago ang tingin ko kay Rain dahil wala naman itong kasalanan at hindi nya rin deserved masaktan dahil hindi sya nagkulang sa relasyon namin.
Kaya kahit masikit pinilit kong kalimutan nalang si Summer gaya ng huli nyang sinabi.