"The last season Finale"
RAIN POVS
Pinaubaya na nga sakin ni Summer si Gabrielle pero parang may kulang parin, na sakin na nga si Gabrielle pero parang iba na di tulad noon, di gaya noon may saya, ngayon may tanong.
May lungkot tuwing magkasama kami ni Gabrielle kahit di nya sabihin ramdam ko na hindi na sya masaya sakin, hindi ko sya makausap dahil ang laging rason nito "Pagod ako." na kahit wala naman syang ginagawa ramdam ko na ang panlalamig nito. akala ko magiging masaya ako na mas pinili nya ako pero hindi..
"Kahit hindi mo sabihin sakin harap harapan Gabrielle, alam ko naman sya parin yung hinahanap hanap mo." wika ko habang kamiy nasa hapag kainan.
"Tapos na tayo diyan Rain, wag mo na balikan yung usaping yan." sagot nito na di makatingin sakin ng diretso.
"Oo tapos na nga, pero bakit?" tanong ko pa.
"Anong bakit? Di kaba masaya na na kahit sya parin at mahal ko sya ikaw parin yung kasama ko." anya.
"Bakit kailangan kong masaktan ng ganto?" tanong ko at naging emosyonal ako sa tagpong yun.
"Bakit na kahit ako yung pinili mo sa huli ako parin yung nakakaranas ng sakit, bakit Gab? anong kasalanan ko?" tanong ko pa.
"Choice mo yan! ang dami mo kasing iniisip na hindi naman dapat- problema ko to, hindi sayo!" anya. sabay tayo dahil nawalan na daw ito ng gana. bago pa sya makaalis nagiwan ako ng salita.
"Sabihin mo lang pag hindi mo na kaya a, ibabalik na kita sa kanya." wika ko at doon muli bumuhos ang mga luha ko, huminto ito at lumapit sakin akala ko yayakapin nya ako, akala ko kakayanin nya pero harap harapan narin nyang sinabi sakin na.
"Oo, pagod na ako at hindi ko na kaya," sagot nito na nagpapahiwatig na ayaw na nito sakin at gusto nyang ipabalik ko na sya kay Summer, umakyat ito ng kwarto nya at binalibag ng malakas ang pinto kaya gumawa ito ng ingay sa mga kapatid nya.
Para akong binunutan ng tinik sa dibdib ng sabihin nya iyun tila wala na ngang pagasa na mabalik kami sa dati dahil sa mga binitawan nyang salita.
Halos nandilim ang paligid ko sa sobrang sakit na diko akalaing mangyayari ito sakin. inalalayan nalang ako ni Caleb at dinamayan dahil nandun sya ng oras na yun.
Dinala muna ako ni Caleb sa kwarto nila para kausapin sa sitwasyon namin ng kuya nya at dun ko sinabi lahat..
"Diko alam kung ano nang mangyayari sakin, malabo ng bumalik ang dati--- hindi na ako mahal ng kuya nyo!" saad ko habang nakikinig sakin si Ely at Caleb.
"Gusto mo ba kausapin namin si Kuya?" wika ni Ely.
"Ang bilis ng panahon, parang kailan lang ang saya saya nyo pa, ngayon hindi na." saad naman ni Caleb.
"Wag nyo na kausapin kuya nyo, sarado na ang isip nun sa ngayon, malinaw na rin sakin na mas mahal nya pa talaga si Ate Summer nyo at wala akong laban dun, Kuya nyo na ang bumitaw at wala na akong laban dun.." sagot ko.
"Kayo ba, sino mas pipiliin nyo para sa kuya nyo Ako O si Summer?" tanong ko.
"Lalo kalang masasaktan Rain pag sinagot namin yang tanong mo." sagot ni Ely.
"Tama si Ely, iba kasi samin si Ate Summer e, kaya di ko masisisi si kuya talaga kung bakit mahal nya parin si Ate." sagot ni Caleb.
"Naiintindihan ko na kung bakit mahal talaga ng kuya nyo si Summer dahil napakabuti nyang tao at naging mabuti din sya sa inyo-- siguro nga wala na akong rason para tumagal pa dito, dahil habang tumatagal na andito ako mas lalo akong nasasaktan." saad ko.
"W-alang aalis, dito ka lang-- andito naman ako, kami ni Ely to save you." wika ni Caleb na mautal utal.
"Pass may Girlfriend ako, balakajan Caleb." sabat ni Ely.
"Puro talaga kayo kalokohan--sige na, Ely pakuha nalang yung mga gamit ko sa room ng kuya mo, babalik nalang ako sa tiyahin ko, nagkakausap naman na kami e." saad ko, agad namang tumayo si Ely para kunin ang mga gamit ko pero nagulat at nabigla ako sa ginawang paghawak sa kamay ko ni Caleb, nung una hinayaan ko lang dahil alam kong loko loko ang mag kapatid na yun pero habang tumatagal parang nagkakaroon ng ibig sabihin. pero hinayaan ko ulit ginawa ko nalang na natural lang yun. kaya kaming dalawa nalang ang naiwan ni Caleb sa kwarto nila.
"Kung kinaya ni kuya lahat, ako di ko kaya na mawala ka dito- Ahmm Arrrgg, basta di ka aalis dito, dito kalang." wika nitong mautal utal at akoy naguguluhan sa pinagsasabi nya.
"Dikita maintindihan Caleb, ano yang mga pinagsasabi mo?" tanong ko.
"W-wala wala!! sige kung aalis aalis-- ahm sige umalis ka, Hyss sasama ako." anya na diko maintindihan ang pinagsasabi nya.
at biglang dumating si Ely kasama na si Gabrielle kaya mabilisang tinanggal ni Caleb ang kamay nito sakin.
akala ko pipigilan ako ni Gabrielle pero nabigla nalang ako na hawak nya rin ang iba kong gamit na hinahayaan nya narin akong makaalis na kaya mas lalo pang tumulo ang mga luha ko dahil napagtanto ko na di na talaga nya ako mahal.
Wala akong nasabi kundi naging tahimik ang pagalis ko di rin sya nagsalita bago ako umalis tila wala syang pakealam sakin habang ang dalawa ay nakabuntot sa akin at di ako hinayaan sa aking pagiisa.
DICK POVS
Ilang araw at buwan narin ang lumipas di parin mawala ang araw na kasama ko sya, masakit sa loob pero kailangan kong tanggapin at ipagpasalamat sa diyos na may nakilala akong taong tulad nya.
Wala akong ibang bibig at buong puso kong pinagmamalaki na naging kami kahit hiram lang ang mga oras na yun.
Dumating man ang oras na kinakatakot ko pero naging aral lahat sakin.
Nagfocus nalang ako sa dati kong kinagawian, pangingisda sa umaga at pagbibigay ng mga kaalaman sa hapon sa mga bata, lalo ako nalang ang magisa ng iwan narin ako ni Nanay, pumanaw ito isang buwan ang nakalipas bago umalis si Ganda. Nagising nalang akong malamig ng bangkay si Nanay dala narin ng kalungkutan nito. pero bago pa man mawala si Nanay nagpapahiwatig na ito at gusto nyang hanapin ko si Ganda.
Pero diko alam kung saan at kung paano kaya nalulungkot ako ng mawala si Nanay dahil diko man lang nahanap si Ganda.
Sobrang lungkot ng buhay ko sa mga nagdaang araw, nagpapakabuti naman ako pero bakit tila hinayaan akong magisa sa buhay ang tangin ko nalang inspirasyon para magpatuloy pa ay ang mga batang nagbibigay sakin ng rason para mabuhay pa.
Minsan paguwi ko, pinagmamasdan ko paikot ang buong bahay at tutulo nalang ang luha ko dahil diko alam kung paano maibabalik ang dating sigla nito.
"Matapang ako! kaya ko to!" laging sinasabi ko nalang sa sarili ko tuwing nagiisa ako at lagi ko itong tinatatak sa isip ko para di ako panghinaan ng loob dahil alam ko ring may diyos pa akong kasama na nakaalalay sakin at nakagabay.
Isang araw habang akoy nagtuturo sa mga bata muli silang nagtanong sakin tungkol kay Ganda.
"Kuya d**k, kailan ba talaga babalik si Ate Ganda? sabi mo kahapon bukas, eh ngayon na yun diba, bakit wala parin?" Pangungulit ng mga ito.
"Oo nga kuya, Ilang araw ka nadin namin napapansin na malungkot tapos walang gana magturo samin." sabat naman ng isa.
Napapangiti nalang ako at diko na alam kung ano pa ipapalusot ko sa kanila.
Hanggang sinabi ko na sa kanila na...
"Wala na e! Iniwan na tayo ni Ganda, di ko alam kung babalik pa sya." saad ko at diko namalayang tumulo na ang luha ko.
"Ate Ganda!!!'" banggit ng isa at ewan ko bakit sila nagtayuan at tumakbo at tila tuwang tuwa sila.
At Paglingon ko di ako makapaniwala na bumalik sya. halos mapako ako sa kinatayuan ko ng muli ko syang makita, muling tumulo ang mga luha ko sa saya habang pinagmamasdan sya kasama ang mga batang sabik sa kanya.
"Nakikinig ba kayo sa kuya niyo?" dinig kong sabi nito sabay tingin sakin.
Namis ko yung ngiti nya at sana kung panaginip lang lahat ng to plsss wag nasana akong magising.. pero hindi totoo nga, bumalik sya gaya ng hinihiling ko.. Di ako makagalaw di ko alam kung anong sasabihin ko nahihiya akong mag 1st move, basta sobrang saya ko at mukhang maayos na ang buhay nya at lalo syang gumanda.
"Anong tinatayo tayo mo diyan?" anya. nang sabihin nya iyun nagkaroon ako ng lakas ng loob para lapitan sya at yakapin ng sobrang higpit.
"Akala ko di kana babalik---totoo ba to?" di parin talaga ako makapaniwala na sstarstruck ako sa kanya.
"Oo,Sorry kasi di ako nakapagpaalam sa inyo ni Nanay, pangako dito na ako." wika nito sabay sya naman ang yumakap sakin. di nga ako nanaginip at totoong totoo na kasama ko na sya ulit.
"Ang Ganda mo," ang tanging nasabi ko nalamang.
"Ikaw, bolero ka talaga.." anya sabay pisil sa pisngi ko. Palakpakan naman ang mga bata sa ginawa naming pagyayakapan sa harap nila..
"Pero, paano pala? diba bumalik nayung alaala mo, paanong ako parin?" tanong ko.
"Oo bumalik, pero di naman nawala yung satin e." sagot nito.
"Paano yung Gabrielle?" tanong ko pa.
"Thats why im here, I realized na may mas better pang iba kaysa sa kanya at ikaw yun." saad nito kaya muli akong napayakap sa kanga dahil mas pinili nya ako.
"Kung may tao mang naniwala sakin, ikaw yun d**k, kahit na kailan lang tayo nagkakilala pero naniniwala ka sakin at tinulungan mo ko at pinaniwala na walang imposible ang lahat, ang dami mong tinuro saking bagay na di ko natutunan noon na kahit ang simple ng buhay mo kaya mong makuntento at ayun ang mga natutunan ko sayo. d**k Ilove you.." Umiiyak nito habang yakap ako kaya nang oras nayun sa harap ng mga bata naging emosyonal kaming dalawa.
"Iloveyou too." at di ako nagpapigil hinalikan ko sya sa labi ng diko alam kasama nya pala ang Mommy nya na nasa likuran ko lang kaya di ko agad napansin.
"Sorry po nahilakan ko yung anak nyo, sobra ko lang kasi namis e." mautal utal kong sabi at nagtawanan kaming lahat.
Nahiya tuloy ako.
Agad kong tinapos ang pagtuturo para dalhin sila sa bahay muna. nahiya pa ako ng una dahil maliit ang bahay nakakahiya para sa mommy nya na ang gara ng kasuotan.
Nalungkot sya ng ibalita kong namatay na si Nanay di sya makapaniwala at iniisip nya na sana di nalang sya umalis.
Kaya bumili muna ako ng Softdrinks para sa kanila, madumi kasi ang tubig.
Habang inaasikaso ko sila biglang nagsalita ang mommy nya nung una natakot pa ako at baka diretsyahin nya ako at ipaiwas ako sa anak nya dahil mahirap lang ako.
"d**k, Gusto kita para sa anak ko, ikaw yung tipong lalaki na karapatdapat kay Summer, napakabuti mo at mas iniisip mo ang iba kaysa sa sarili mo." saad nito kaya napakamot ulo nalang ako pero deepinside naiiyak na ako dahil mommy ang nagsabi na gusto ako para kay Summer.
"Nakwento ka sakin ni Summer, after he broke up with Gabrielle at sabi nya sakin, kung may taon man syang babalikan, ikaw daw yun," nahinto sya ng pigilan sya ni summer.
"Mom stop.. nakakahiya." nahihiyang pakiusap ni Summer sa mommy nya.
"At nakwento nya na, kayo yung tumulong sa kanya kaya naka survive kaya sumama ako dito para makilala kita at di ako nagsisi dahil nakilala ko yung taong naka tadhana sa anak ko." dagdag pa nito.
"Salamat po sa tiwala na aalagan ko habang buhay, magiging tapat at mabuti po ako para sa anak nyo." sagot ko at dun na muling bumuhos ang luha ko ng mismong mommy nya ang umakap sakin.
Kailangan kong iwan na ang baryo at isipin ko naman ang sarili ko ng isama na nila ako sakanila.
Masakit man sa loob ko lalo na sa mga maiiwan ko na kinalakihan ko at nakasanayan ko, mamimis ko ang Isla na babaunin ko kahit nasan man ako, ang mga alaala sa aking lupang kinagisnan.
Nang makarating kami sa kanila sobra akong namangha parang ang hirap kumilos dahil baka may mabasag akong mamahaling bagay.
Pero di nya ako hinayaang maging ignorante o mag mukhang mahirap na kahit nasa ganung estado na ko. naging simple ang pamumuhay ko kaya ng mga nakasanayan ko, kung kumain kami nakakamay parin.. sinasabayan nya ako sa gusto ko.
Gusto ko rin naman makawala sa zone na yun pero nahihirapan pa akong mag adjust at makisabay sa kanila, hanggang sa tumagal, natuto na akong makisabay lalo nat kailangan sa business ni Summer na ginawa nya akong katuwang.
Ang dami kong natutunan at ang dami naring nagbago sakin pero alam kong mananantili paring nasa lupa ang mga paa ko at di na magbabago yun.
GABRIELLE POVS
Ang sama kong tao diko man lang inisip yung nararamdaman ni Rain. naging bulagt at bingi ako sa bawat hinaing nito sakin, akala ko kaya kong hayaan ang lahat pero hindi pala, lalo ko lang sinasaktan yung sarili ko habang tumatagal na magkasama kami ni Rain dahil nasasaktan na sya,.niloloko ko pa ang sarili ko.
Hinayaan ko sya sa gusto nya dahil rinding rindi na ako, gusto ko ng katahimikan, hinayaan ko na si rain umalis.
Isang araw, nabalitaan ko kung saan sy naroon may tinayo syang Milktea shop kaya naisip ko syang puntahan para suyuin ulit gaya noon, bumili ako ng bulaklak, teddy bear at chocolates na mga paborito nya.
Pero sobra akong nasaktan dahil diko manlang nabalitaan na may iba na sya. sobrang sakit sa pakiramdam na makita mo syang masaya na sa iba.
Mas masakit pa sa lahat ng sakit ng makita mo yung taong pinaka mamahal mo at akalay moy may babalikan pa pero may kayakap syang iba.
Durog na durog yung puso ko para akong lantang gulay, tuluyan na ngarin nyang binitawan ang pangako nya noon at hinayaan ang naudlot naming relasyon.
Wala na akong nagawa, hindi ko na ipinaglaban kung ano yung nararamdaman ko sa kanya bagkus masakit man pero naging masaya na ako para sa kanya dahil nang oras nayun nakita ko syang masaya at nakangiti kahit na sa piling na ng iba.
Wala naman akong nagawang kasalanan pero tila ba kinakarma ako dahil unti unti nawala lahat sakin career at Buhay pagibig.
Nalaman ko ring nagkakamabutihan na si Caleb at Rain, hinayaan ko nalang sila sa pasya nila baka dun sila magiging masaya sa gusto nila.
Isang araw nabigla nalang ako ng nasa harap ko si Summer, ewan ko kung magiging masaya naba ako nun dahil nasa harap ko sya pero may ibang hawak na kamay di ako nakapagsalita nun pero down na down ako ng oras na yun.
"Gabrielle, Alam kong hindi naging madali satin lahat- ang daming nangyari na hindi klaro, andito ako' kami ni d**k para sabihin at handa akong makipagkaibigan muli sayo, Hindi rin naging madali sakin lahat, siguro nga hanggang magkaibigan lang tayo at nilaan talaga tayo sa iba." wika nito. wala akong nakikitang lungkot sakanya habang sinasabi nya iyun siguro nga masaya na sya kung ano sya ngayon.
"Masakit, sobrang sakit sakin! hindi ako magkukunyari pa, sobrang sakit lalo nat masaya kana sa iba na nasanay ako na ako lang noon, sorry dahil nasasaktan ako, mahal kasi kita e." sagot ko habang humahagulgol sa harap nila.
"Gab??" napahinto sya ng muli akong magsalita ayuko na kasi marinig kung ano pang sasabihin nya na magpapadurog sakin.
"Pero kailangan kong tiisin tong sakit habang buhay, para sayo at para sa ikakasaya mo." dagdag ko pa.
"Dimo naman kailangan magdusa habang buhay, gwapo ka at matalino at maraming iba pa diyan-- si Rain, mahal na mahal ka ng taong yun, o di kaya bumuo ka ng pamilya, di mo naman kailangang maging malungkot, di naman ako mawawala sa tabi mo dahil KAIBIGAN mo parin ako." wika nito habang hawak na ang kamay ko.
"Payakap Summer, kahit sa huling sandali." hiling ko at dun na ako naghagulgol pa ng pumayag syang mayakap ko syang muli.
"Magpakabuti ka ah at mahalin mo ng sobra yung susunod." saad nito bago kami maghiwalay sa yakap.
Naging maayos ang paguusap ng araw nayun, naliwanagan narin ako na hindi talaga sya para sakin pero kahit na ganun di parin mawawala yung pagmamahal ko sa kanya.
Nakilala ko narin si Benedict, napakabuting tao kaya siguro sya minahal ni Summer. wala akong nakikitang mali sa kanya, mabuti at malinis ang hangarin nya kay Summer, wala akong nakikitang problema at rason para ayawan ang taong yun para kay Summer hanggang sa naging magkaibigan narin kami.
Hanggang sa isang araw, nagulantang ang lahat ng muling bumalik si Beatrice miski ako nabigla lalo nat may pinakilala sya saking bata mga dalawang taon at ako daw ang ama nito.
Diko naman ito maitanggi dahil dalawang taon ang nakalipas ay may nangyari sa aming dalawa, ang dami mang nangyari sakin pero itong yung pinaka magandang nangyari ng makita ko ang anak ko, lalaki ito at nagpapasalamat ako dahil hindi pinagkait sakin ni Beatrice, sinabi rin nitong natakot sya noon kaya nagtago ito at walang pinagsabi ng kanyang pagbubuntis dahil nagaaral ito ng panahong iyun.
ito yung sagot sa lahat kung bakit siguro hindi kami nagkatuluyan ni Summer dahil may magandang rason ang lahat.
Nagfocus ako sa pagiging ama dahil gusto ko bumawi sa lahat ng pagkukulang ko noon dahil diko rin pinaglaban si Beatrice gawa rin ng takot bilang isang batang ama.
Hindi pa daw napapabinyagan ang bata dahil ang rason nito.
"Ang panget naman kung walang ama yung bata sa mismong binyag." saad ni beatrice.
Mula noon, muli kaming nagkamabutihan ni beatrice para narin sa bata at suportado yun ni Summer na kinuha ko ring Ninang at ninong para kay Calixx.
Masaya ako na masaya na para sakin si Summer, sa kanya kasi humuhugot ng lakas para sa bagong ako...
Lahat kami nagkasama sama sa iisang okasyon sa mismong binyag ni Baby Calix. Mula kay Rain at Caleb na nagpakilala na samin bilang opisyal, kasama si Ely at ang kanyang Girlfriend at kila Benedict at Summer, na ang saya lang makita na magkakasama kaming lahat na dating magkakadugtong ngayon ay masaya na ang bawat isa sa bagong buhay at pangarap.
SUMMER POVS
Sobrang saya ko para kay Gabrielle kaya siguro di kami tinahana ay dahil may malaking sya responsibilidad na dapat nyang pagtuunan yun ang anak nya, nung una nabigla pero sobrang saya ko ng makita sya na bitbit nya ang kanyang anak, dun ko muli nakita sa kanya ang saya ana siguro ayun talaga ang will ni God para sa kanya ang maging isang ama.
Masaya narin ako dahil malaya na ang lahat, walang bigat sa dibdib at sakit. kaya proud ako kay Gab. na pinakinggan nya ako at nakinig ito sa lahat ng payo ko sa kanya, mula sa amin at sa bagong career na tatahakin nya at maging mabuting ama ni Calix at asawa ni Beatrice.
Muli makakahinga na ako ng maayos, masaya at malaya kasama ang Soon to be Husband ko na si Benben.. ayuko kask tawagin syang d**k, sumasakit ulo ko sa kanya dahil lumalabas na ang pagiging makulit nya.
Muli maraming salamat!!!
GABRIELLE POVS
Ang dami kong natutunan sa bagong ako at bagong buhay na meron ako na tama si Summer na hindi ko kailangan ikulong ang sarili ko sa kalungkutan bagkus may sayang darating pa na hindi mo inaasahan. ayun ang magkaroon ako ng pamilya.
Natutunan ko din na hanggang maari magparaya tayo na hindi natin kailangang kumapit kung ang isay nakabitaw na at hindi natin kailangan ipaglaban ang isa kundi na ito masaya.
Dahil parang buhol na sinulid lang ang problema dahil kung hindi na ito maayos sa pagkakabuhol kailangan na natin itong putulin.
at hindi na magmamahal ng iba ang isang tao kung mahal nya pa ang una. at hindi na ito maghahanap ng pangalawa.
EPILOGUE
Ang dami natin kailangan matutunan sa pagibig, hindi porket 1st love sya na at the end, minsan kung sino pa yung una sya pa yung magiging dahilan ng heavy heartbreaks mo at minsan kung sino pa yung sinasabi mong forever mo sya pa yung magpapaluha sayo ng lubos.
--- WAKAS ---