KAHIT gaano katatag ang pagpipigil ni Missy ay hindi niya mapigilang umiyak nang makaharap niya si Teddy. Hindi pa man siya nagsasalita ay parang nanginginig na ang dulo ng nguso at tungki ng ilong niya sa pagppigil ng emosyon. Ipinagbilin niya kay Jenny ang nanay niya sa ospital at sumaglit siya sa isla. Buong magdamag ay hindi siya mapakali kaya nagdesisyon siyang kausapin ang amo. “Kumalma ka,” banayad na sabi sa kanya ni Teddy. “Kumusta ang nanay mo?” Sinabi niya dito ang kalagayan ni Aling Lagring. “Pero bukod diyan ay mas nakakabigat ng loob ko ang nangyari sa amin ni Ico.” “Linawin mo ang ibig mong sabihin. Anong “nangyari” ang tinutukoy mo?” seryosong tanong nito. Kagyat siyang pinamulahan ng mukha. “Walang nangyari sa amin na gaya ng iniisip ninyo.” At sa mabilis na pangungusa

