Part 6

1289 Words
Natiyak ni Missy na gising na gising siya subalit Greek god yata ang nasa harapan niya natila mukhang galing sa isang magandang panaginip. Perpekto ang hugis ng katawan. Lalaking-lalaki. Ang board shorts na suot nito ay halos maglambitin lang sa balakang nito. Napalunok siya. Umakyat ang tingin niya sa pipis na puson at tiyan nito. Parang masarap ding hawakan ang sikmura nito. Hindi man kalakihan ang nakikita niya, alam niyang ang pinagmamasdan ng mga mata niya ngayon ay ang tinatawag ng iba na six-pack. Walang iniwan sa isang modelo ang anyo ng katawan nito.             “Tinatanong kita, who are you?” tila bagot na tanong nito uli sa kanya.             “M-Missy. Ako si Missy,” aniya na napaunat ng upo. “P-pasensya na, sir. Napaidlip ako.” Tinitigan niya uli ang lalaki. At namangha.             Ito si Ico Abella?!             Napalunok siyang muli. Aba’y kay guwapo pala nito sa personal?! Walang sinabi ang magandang mukha nito na napanood niya sa TV. At ngayon ay hindi na siya magtataka kung bakit halos mamilipit sa kilig si Tere kapag ito ang topic. Parang ganoon na nga rin ang gusto niyang maramdaman, o baka higit pa. Tila siya inaalinsangan na hindi maipaliwanag habang naglalakbay ang mata niya sa kabuuan nito. Hindi ito kagaya ng mga karaniwang guwapong lalaki na nakasalamuha niya. Suplado ang dating nito. At sa asal na ipinakita nito sa kanya ngayon ay mukha ring may mina ng kaarogantehan. Isang bagay na gusto niyang ipagtaas ng kilay dahil taliwas sa itsura nito sa TV na gwapong artista ang dating at tila ba kay-bait-bait.             Pero may karapatan ngang kiligin dito si Tere. Dahil nang mga sandaling iyon, tila sabay-sabay ding umatake sa buong katawan niya ang isang libo’t isang kilig. At kung hindi lang siya nagpipigil, hindi malayong kanina pa siya namilipit doon. At gusto niyang ikainis iyon. Dahil sa kabila ng kagaspangan nito sa kanya, hindi rin pala siya manhid sa karisma nito.             “Tauhan ka dito?”             Naumid siya. At naglapat din ang mga labi. Mukhang sa isang iglap ay maglalaho ang instant-kilig niya dito. Mas lamang talaga ang kaangasan nito. Hindi niya nagustuhan ang tono ng pagtatanong nito. Tila hindi siya nito wine-welcome doon. At anong welcome naman ba ang gusto mo samantalang alalay ka lang naman ni Teddy? kastigo niya sa sarili.             Tumango siya. “Ako ang personal assistant ni Teddy.” His brows lifted a fraction. “Personal assistant, huh?” tila nang-uuyam ito habang hindi bumibitiw ng tingin sa kanya. Nagtagis naman ang bagang niya. Mukhang mauubusan na siya ng pasensya dito. Halatang disgusto siya nito. Unti-unti na ring naglayasan ang sanlaksang kilig na sumasalakay sa kanya kanina. Pero hindi siya nag-aalis ng tingin dito dahil nakatitig pa rin ito sa kanya. Hindi yata siya patatalo kung sa titigan lang. “Taga saan ka?” tanong nito pagkuwan. "Sa Pura." "Sino ang nagrekomenda sa iyo?" "S-si Aling Bining." Ewan niya kung bakit napipikon na siya. Nadi-disillusion na siya dito at konti na lang ang natitira sa instant kilig na nadama niya para dito noong una. First time pa mandin niyang makadama ng ganoong klaseng atraksyon sa isang lalaki. “Ah,” matabang na sabi nito. “Pamangkin ako ng amo mo. I am Ico Abella.” “Alam ko,” aniyang hindi na maitago ang pikon. “Sikat na sikat ka, eh,” may pasaring na sabi niya. “Hindi ikaw ang unang taong nagsabi niyan.” Isang mabilis na pagsukat ng tingin ang ginawa nito sa kanya saka tumalikod na. Naglapat ang mga labi ni Missy. “Walanghiya! Suplado! Bastos! Walang modo!” pabulong na sabi niya. Sinundan niya ito ng tingin. Sa gilid ng mansyon ito nagdaan. “Sayang guwapo pa namang talaga. Ang sexy pa,” napapailing na sabi ni Missy habang nakapako pa rin ang tingin sa magandang hubog ng likod at balikat nito. Tumayo na rin siya mayamaya at bumalik sa mansyon...     HALOS hindi bumibitaw ng tingin si Ico sa maliit na lagusan patungo sa back stage ng Belle’s Pepper. Kurtina lang ang tabing niyon. At base sa pag-oobserba niya, naroroon pa sa Missy. It was easy to assume the other way out. Sa kusina ang tagos niyon. At hindi maaaring pumasok doon ang hindi naman staff. Kaya naman matiyaga na lang siyang magbantay buhat sa kinauupuan niya. Naipagtanong na niya na may isa pang set ng kanta sina Flint at Missy. And he was willing to wait. After all, kasalanan niya kung bakit umabot sila ni Missy sa ganito...   PADABOG na pumasok si Ico sa kuwartong katabi lamang ng silid ng kanyang uncle. Hindi niya nagustuhan na may bagong empleyado ang Uncle Teodoro niya. At kailangan niyang aminin na maganda ang Missy na iyon.             Kanina, bago nagmulat iyon nang mata ay matagal na niya iyong natitigan. Nagulat pa siya nang buhat sa dagat ay matanaw niya iyon. Walang nakapagbanggit sa kanya na may bagong tauhan doon sa isla. At tiyak niya, sadyang inilihim iyon sa kanya.             Naglatang ang dibdib niya. Tila hindi nadadala ang kanyang uncle. Kagaya ng papa niya ay mukhang magogoyo na naman ito ng isang babae.             Hindi niya maitatangging maganda si Missy. Natural ang ganda nito. Sapat na ang ilang sandaling tinitigan niya ito para matiyak niyang hindi produkto ng siyensya ang tangos ng ilong nito at magandang hugis ng mga labi. She had a natural cheekbones, too. Ang mga kilay ay maayos ding nakaipon at hindi na kailangang daanan ng blade o sinulid para maging maayos ang guhit. Makinis na makinis din ang kutis nito na hindi man masabing maputi ay hindi rin maitim. Iyon ang hindi niya tiyak kung may kinalaman doon ang isandamakmak na produkto ng pampaputi. Sa palagay niya, halos lahat yata ngayon ng babaeng hindi likas na maputi ay nagnanais na pumusyaw ang kulay. She was beautiful, okay. At muli ay nakaramdam siya ng iritasyon. Hindi iyon nakaligtas sa paningin niya. At kung hindi ba naman ito nang-aakit sa uncle niya, bakit ito magbibihis doon ng ganoong gayong tauhan ito at hindi naman bakasyunista!             Sigurado siya, ang tipo nito ay kunwari lang tauhan pero kapag nakuha ang loob ng uncle niya ay huhuthutan din ng pera. Ilang personal assistant “kuno” ang nag-empleyo sa kanyang uncle pero di rin tumagal? At mababalitaan na lamang niya sa accountant ng Uncle Teddy na malaki ang nabawas sa pera nito na hindi naman maipaliwanag kung saan ginugol.             Ilang beses na ba niyang ginawa na pasubaybayan ang mga naging personal assistant ng uncle niya? Iisa ang napapala niya. Malaki ang iniunlad ng buhay pagkatapos ng maikling paglilingkod dito. At hindi lang sa usaping-pera. Mas concern siya sa emotional condition ng tiyo. Mahina ang puso nito. Bawal kay Uncle Ted ang labis na stress. Ilang beses na itong naoospital kapag labis na nag-iintindi, lalo na kapag iniiwan ito ng babaeng makahumalingan nito.             Nagtagis ang mga bagang ni Ico.             No, not this time. Hindi na siya makakapayag na malokong muli ng babae ang uncle niya. Worst, ang atakehin ito dahil sa labis na sakit.             Gagawa siya ng paraan. Hindi na baleng magkagasta siya kaysa manganib ang buhay ng tiyo dahil lang sa panibagong heartbreak.             Kinuha niya ang cellphone. “This is Ico, Lorelle. Padalhan mo ako ng latest collection mo dito sa island. Ite-text ko sa iyo ang complete address. Ibabalik ko na lang ang hindi ko napili… Oo, puwede bukas din? Five sets, at least. Charge me the shipping fees and the insurance. Okay, salamat.” Lorelle was a dear friend and colleague. Nakilala niya ito sa common friend nila na si Eve Olivares, isa sa pinakasikat na wedding planner sa bansa. Iisang sirkulo lang halos ang ginagalawan nila. Social events. He was a master in food, Lorelle in jewelries.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD