IBINABA ni Ico ang pangalawang bote ng beer na nakonsumo niya habang naghihintay sa muling paglabas ni Missy. Kung sa ibang pagkakatao ay hindi siya makakatagal sa lugar na iyon. It was not the place. It was classy, actually. Hindi iilang beses na nagtama ang tingin nila ni Pepper habang nag-ikot ito sa buong resto. She was a very hands-on boss. Impressed siya dito. Ang hindi lang niya matagalan ay ang tila walang katapusan na “pagngawa” ng ibang diners doon. “Want some chips, Ico?” muli ay lapit sa kanya ni Pepper. “Later, perhaps.” “Seryoso ka masyado. Do you want some little talk?” “I don’t mind. Upo ka kung gusto mo,” nakangiting sabi niya dito. Tumayo siya at gaya ng isang gentleman hinila niya ang upuan para dito. “Thank you.” “Ako ang dapat magpasalamat. Hindi yata lahat ng

