KABANATA 50 TINA Sunday ngayon at pagkatapos naming magsimba ni Blake niyaya niya akong magpunta sa mall. “Blake gastos na naman ba ‘tong naiisip mo?” tanong ko sa kanya habang nasa byahe kami. Nang huling beses kaming nagpunta sa mall na magkasama, bumili siya ng kama na 25,000 ang halaga. Kakabili lang din niya ng singsing namin na nang itanong ko sa kanya kung magkano, hindi niya sinabi sa ‘kin. “Babe, December na pero wala pang Christmas décor ‘yung bahay natin. First Christmas natin ‘to together.” “Oo nga ‘no. Ang dami ko kasing iniisip eh. School, trabaho, sina George.” Ilang taon na rin ako rito sa Manila at hindi ko nakasanayan na maglagay ng Christmas décor lalo na’t mag-isa lang ako noon sa apartment. Mas ramdam ko kasi ang Pasko kapag kasama ko sina Inay. Pero ngayon na kasa

