HALIYAH ISABELLE'S POV “I'm back, Haliyah…” Bumagal ang paghinga ko. Parang sa iisang iglap ay nawala ang lahat ng ingay sa paligid, at ang tanging naririnig ko na lamang ay ang malakas na t***k ng puso ko sa aking dibdib. Dahan-dahan… ay naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak ng kanyang mga braso sa aking baywang. Unti-unti niyang inilayo ang katawan niya sa likuran ko. At doon ko lang muling naalala kung nasaan ako. Kung ano ang ginagawa ko. Huminga ako nang marahan bago dahan-dahang ibinaba ang plato na hawak ko sa loob ng lababo. Maingat. Para bang kahit ang simpleng paggalaw ay kailangan kong pag-isipan. Pagkatapos ay binuksan ko muli ang gripo at hinugasan ang sabon sa aking mga kamay. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Hindi ko maintindihan kung bakit parang biglan

