HALIYAH ISABELLE'S POV Nasa kalagitnaan ako ng aking patulog... nang maramdaman ko ang biglang pagbaon ng kama sa likuran ko. Kahit inaantok ay dahan-dahan akong gumalaw. Umikot ako paharap sa likuran, at gano'n na lamang ang paglaki ng aking mga mata ng bumungad sa akin ang nakangising si sir Azra. "Hi..." usal nito, halos pabulong habang nakatingin sa akin nang diretsyo. Kinusot-kusot ko ang aking mga mata. Isang beses. Dalawang beses. Para bang umaasang mawawala siya kapag nagising ako nang tuluyan. Pero hindi. Nandoβn pa rin siya. Nakahiga sa kama ko. Sa tabi ko. Nakatingin sa akin na para bang wala lang. Tuluyan akong napatigil. At doon ko napagtantoβ hindi ito panaginip. Nanlaki ang mga mata ko. βSir---?!β agad kong sambit, pilit na bumabangon mula sa pagkakahiga

