HALIYAH ISABELLE'S POV "Bakit?" nagtataka kong tanong kay Mari, pansin ko kasi na nakatitig lang ito sa akin. Para bang may tinitingnan siya sa mukha ko, bahagya pang naka-kunot ang kanyang noo. "Mari?" pagtawag ko pangalan niya, at doon lang siya tumuwid ng tayo.. ngunit hindi pa rin inaalis sa akin ang tingin. Nagsalubong ang kilay niya. Bigla ay lumikot ang tingin ko ng nagsimula itong humakbang papalapit sa akin. "Bakit parang namamaga 'yang labi ko, Haliyah?" Ha? Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Pinagdikit ko ang labi ko at iniwas ang tingin sa kanya. Sinusubukang itago ang ekspresyon ko dahil kapag nakita niya iyon ay magkakaroon na kaagad siya ng ideya. "Wala... baka dahil lang sa maanghang na noodles na kinain ko kanina," palusot ko habang inaabala ang sarili. Nag bus

