HALIYAH ISABELLE'S POV Hindi ako kaagad sumagot. Iniwas ko lamang ang tingin ko sa kanya. Makalipas ang ilang segundo ay biglang umalingawngaw ang marahan niyang halakhak... at sa kadahilanang hindi ko alam ay parang kinuryente ang katawan ko. At dahil lamang iyon sa kanyang mahinang halakhak. "Were you jealous?" muling tanong nito at doon na ako humarap sa kanya. Mariin ko siyang tinitigan at kitang-kita ko ang bahagyang gulat sa mga mata niya, dahil sa ginawa ko. Mukhang naninibago siya sa nakikita niya sa akin. "You're scaring me, you know?" muling bulalas nito, ngunit ngayon ay nakangisi na ulit siya. Inabot niya ang kaliwa kong pisnge, puno ng pag-iingat niya akong hinawakan doon habang dahan-dahan siyang yumuko... papalapit sa labi ko upang halikan ako. Pero bago pa man

