Chapter 19

1210 Words
HALIYAH ISABELLE'S POV Ang huling malinaw na alaala ko ay ang mainit na labi ni Sir Azra na nakadampi sa akin, ang mahigpit niyang hawak sa batok ko, at ang paraan ng pagbilis ng t***k ng puso ko habang unti-unti akong tumutugon sa kanyang h∆lik. Pagkatapos noon… parang naging ulap ang lahat. Tahimik kaming bumiyahe pabalik. Wala ni isa sa amin ang nagsalita. Ngunit kahit hindi siya nagsasalita, ramdam ko pa rin ang presensya niya sa loob ng kotse... malakas, mabigat, at nakakakaba. Paminsan-minsan ay lihim akong napapahawak sa aking mga labi. Hindi ko pa rin mapaniwalaan ang nangyari. Hin∆likan ako ni Sir Azra... hinalikan niya ulit ako, at sa pagkakataong ito ay walang pag-aalinlangan akong tumugon sa kanya. Napabuntong-hininga ako habang dahan-dahang naglalakad papasok ng mansion. Ang gabi ay tahimik na, at ang malamig na hangin ay tila sinusubukang pakalmahin ang gulo sa aking dibdib. “HALIYAH!” Napatalon ako sa gulat nang biglang may sumigaw ng pangalan ko. Paglingon ko ay nakita ko ang apat kong kasamahan... sina Mari, Lani, Tessa, at Avory.... na mabilis na lumapit sa akin. Halatang kagagaling lang din nila sa mall. “Grabe ka, Haliyah!” unang sabi ni Mara habang hinahawakan ang braso ko. “Bigla ka na lang nawala kanina hindi ka man lang nagsabi kung saan kayo pupunta!" "W-wala akong cellph--" “Oo nga!” puton ni Lani sa akin. “Sumunod naman kami sa inyo ni Sir Azra, pero bigla kayong nawala..." “Tapos nakita namin na paalis kayo ay inalalayan ka pa ni sir Azra na pumasok sa loob ng kotse niya!" sabi naman ni Tessa, kitang-kita ang matinding kyuryusidad sa mga mata. Nagkatinginan silang apat bago sabay-sabay na tumingin sa akin. “SAAN KAYO PUMUNTA?” sabay-sabay nilang tanong. Bigla akong napatigil. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko habang bumabalik sa isip ko ang nangyari kanina... ang coastal road… ang dagat… ang mga sinabi ko… at ang halik niya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanila. Kung dapat ko bang sabihin ang tungkol doon o ang manahimik na lamang. “Ah… um…” napalunok ako. “Fresh air lang,” mahina kong sagot, pilit na pinapakalma ang sarili ko. “Dinala lang ako ni Sir Azra sa coastal road saglit.” “COASTAL ROAD?!” halos mapasigaw si Lani at Avory. “Wow ha!” tukso ni Tessa, sabay taas ng kilay. “Personal maid ka lang daw ha?” sabi ni Avory na may mapanuksong ngiti. “Bakit parang date na ‘yan?” “Hindi!” mabilis kong sagot, ngunit lalo lang uminit ang mukha ko. Napahagikhik silang apat. “Sus!” sabi ni Lani. “Kita namin kung paano ka tingnan ni Sir Azra kanina sa mall.” “Oo nga!” dugtong ni Tessa. “Parang gusto niyang patayin yung lalaking nakatingin sa’yo.” Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga sinabi nila. Dahil kung alam lang nila ang nangyari pagkatapos nun… Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanila. “Pagod lang siguro si Sir Azra,” mahina kong sabi. “At gusto lang niya akong tulungan.” Ngunit kahit sinasabi ko iyon, hindi ko mapigilang maalala ang paraan ng paghawak niya sa akin… at ang lalim ng halik na ibinigay niya. Sandaling natahimik ang apat. Ngunit maya-maya ay napailing si Mari habang nakapamewang sa harap ko. “Hmm… hindi ako naniniwala,” aniya, seryoso ang mukha niya at halatang hindi natutuwa sa nangyari. Napakunot ang noo ko. “Ha? Bakit naman?” Umirap siya nang bahagya bago nagsalita. “Kasi kilala namin si Sir Azra,” sabi niya. “Hindi siya iyong tipo ng tao na basta na lang tutulong sa iba.” Aniya. Napatingin kaming lahat sa kanya. “Sa totoo lang,” dugtong niya, “kung tutuusin… mas malamang pa na pahihirapan niya ang isang tao kaysa tulungan.” Natigilan kaming lahat sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit, pero sa sandaling iyon ay kusang bumalik sa isip ko ang nangyari kanina sa kotse. Ang paraan ng paglapit niya sa akin. Ang kamay niya sa batok ko. At ang halik niya… Mahigpit… pero maingat. Mainit… pero parang may pagpipigil. Sa loob ng isip ko ay may isang boses na biglang bumulong. Pagpapahirap ba iyon? "Eh bakit… masarap?" Nanlaki ang mga mata ko sa sarili kong iniisip. Ano ba ‘tong iniisip mo, Haliyah?! Bigla akong napatalon nang maramdaman ko ang bahagyang pagpitik sa ulo ko. “Aray!” reklamo ko sabay hawak sa noo. Nasa tabi ko na si Lani, nakataas ang kilay habang nakapamewang. “Hoy!” sabi niya. “Nasaan na naman utak mo?” Napakurap-kurap ako, saka napatingin sa kanilang apat na ngayon ay nakatitig na sa akin na parang may nahuhuli. “Ano?” tanong ni Tessa na may makulit na ngiti. “Mukhang lumipad na naman isip mo ah.” “Hindi ah!” mabilis kong tanggi. Ngunit lalong lumawak ang mga ngiti nila. “Sus…” sabi ni Avory habang nakapamewang pa rin. “Sigurado kami… may kakaibang nangyari sa coastal road.” At binigyan diin pa talaga ang salitang nangyari... ng sinasabi niya iyon. “Ano nga?” dagdag ni Tessa, lumapit pa sa akin. Napalunok ako habang unti-unting umaatras. “W-wala nga,” sabi ko. “Talaga lang ha…” sabi ni Avory, habang nakataas ang isang kilay. “Hmm… suspicious,” dagdag ni Lani habang pinagkakrus ang mga braso. Pakiramdam ko ay lalo lang akong naiipit sa gitna nila. Kung magtatagal pa ako roon ay baka kung ano na naman ang maibulalas ko. Kaya mabilis akong huminga nang malalim at nag-isip ng dahilan para makaalis. “Ah—kailangan ko na palang umalis,” bigla kong sabi. Napatingin silang lahat sa akin. “Ha? Bakit?” tanong ni Lani. “Malapit na maghapunan,” sagot ko habang inaayos ang buhok ko na kanina pa nilalaro ng hangin. “Kailangan ko pang ihanda ang pagkain ni Sir Azra.” Sandaling nagkatinginan ang apat, parang nag-iisip kung kukulitin pa ba nila ako o hindi. Ngunit sa huli ay sabay-sabay lang silang napabuntong-hininga. “Hay naku… sige na nga,” sabi ni Mari habang kumakaway sa akin. “Duty calls.” “Oo, alis ka na,” dagdag ni Avory na may pilyang ngiti pa rin sa labi. “Pero hindi pa tapos ‘tong usapan na ‘to.” “Bukas kukulitin ka ulit namin,” dagdag ni Tessa na parang nagbabanta pa. Napangiwi ako nang bahagya. “Sige na…" sabi ko bago mabilis na tumalikod. Halos mabilis ang mga hakbang ko habang papalayo sa kanila, parang may humahabol sa akin. Ngunit kahit wala na sila sa paligid, hindi pa rin mapakali ang dibdib ko. Habang naglalakad ako papunta sa kusina ng mansyon, hindi ko mapigilang mapahawak muli sa aking mga labi. Parang naroon pa rin ang init ng halik niya. Napapikit ako sandali at marahang napailing. Ano ba ‘tong pinasok mo, Haliyah… Huminga ako nang malalim bago tuluyang pumasok sa kusina. Kailangan kong ihanda ang hapunan ni Sir Azra. Pero sa bawat galaw ko, sa bawat paghawak ko sa mga plato at kubyertos... iisa lang ang pumapasok sa isip ko. Na maya-maya lang… ay kailangan ko na naman siyang harapin. TO BE CONTINUED....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD