Chapter 18

1379 Words
HALIYAH ISABELLE’S POV Hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang nangyari sa loob ng mall. Ang bigat ng dibdib ko, ang bilis ng t***k ng puso ko, at ang malamig na pakiramdam na bumabalot sa katawan ko habang nakatayo si sir Azra sa harap ko. Ngayon ay nasa loob ako ng kanyang sasakyan, nakaupo sa tabi niya. Ang bawat galaw niya, bawat haplos sa manibela, ay puno ng kontrol at kapangyarihan... Akala ko ay didiretsyo na kami sa mansyon, pero kumunot ang noo ko nang lumiko siya sa ibang daanan. “Huh… Sir Azra, saan po tayo pupunta?” huminga ako nang dahan-dahan, sinusubukang panatilihing kalmado ang boses ko. “We need to breathe… a little fresh air before going back,” aniya, nakatutok pa rin sa daan ang tingin. Ngunit napansin ko ang kakaiba sa kanyang tono. Para bang mas naging kalmado at marahan ang kanyang pakikipag-usap sa akin kesa noong nakaraan. Napatango na lamang ako, tahimik. At hindi na rin nagtanong ng kung ano-ano. Wala akong lakas o kaya’y tapang para labanan siya.... hindi ngayon. Lumipas ang ilang minuto, ay tahimik pa din kaming dalawa. At ang tunog lamang ng makina, ang humihip na hangin sa bintana ang naririnig. Hanggang sa maramdaman ko ang pagbabagal ng takbo ng kotse... hanggang sa tuluyan itong tumigil sa pagtakbo. Dahan-dahan kong itinaas ang tingin ko sa harap, at ang nakita ko… ay isang malawak na dagat ang nasa harapan namin. Ang liwanag ng araw ay naglalaro sa ibabaw ng tubig, kumikislap na parang libu-libong maliit na hiyas. Ang hangin ay sariwa, maalinsangan, at may dalang bango ng alat na hindi ko naramdaman sa loob ng mall. “Wow…” mahina kong bulong, halos hindi naririnig ko ang sariling tinig. Ipinara nang maayos ni Sir Azra ang kotse sa gilid ng kalsada. Pintay niya ang makina at bahagyang iniliko ang ulo niya sa akin, nakangiti nang kaunti ngunit seryoso pa rin ang mga mata. “Enjoy it. Just… breathe for a while,” aniya, at dahan-dahang ibinaba ang kanyang braso na nakapahinga sa manibela. Tumango lang ako, at bigla kong napansin na kahit tahimik ako, hindi ko maalis ang pakiramdam ng kaligtasan sa piling niya... kahit na hindi ko pa rin lubos maipaliwanag kung bakit. Tumingin ako sa dagat, sa walang katapusang asul, at sa bawat hampas ng alon na sumasalubong sa dalampasigan… unti-unti akong nakaramdam ng katahimikan sa kabila ng lahat ng gulo sa mall. At sa isang iglap, parang naaalala ko na hindi lahat ay kailangan kong kontrolin o labanan. Dahil minsan ay kailangan ko lang pala iyong tanggapin at huminga lamang nang maluwag. Habang nakatingin ako sa dagat, alam ko rin na sa likod ng katahimikan, andiyan pa rin si sir Azra at ang proteksyon niya, parang isang pader na hindi ko matatawid, ngunit… ayokong subukang lumusot. Tahimik kaming dalawa. At sa katahimikan na iyon, parang unti-unti kong naramdaman na kahit na anong unos ang dumating… ay ayos lang, basta nandiyan siya. ~~~~~ Ang hangin ay malakas at paulit-ulit nitong nililipad ang buhok ko. Ramdam ko ang lamig at alat ng dagat na sumasanib sa init ng araw, at hindi ko maiwasang ngumiti. Hindi dahil sa anumang espesyal na nangyari... kundi dahil sa simpleng kasiyahan ng sandaling ito. Ang pakiramdam ng kalayaan, kahit saglit lang, ay kakaibang aliw sa akin. Habang nakatitig ako sa malawak at asul na karagatan ay napapansin ko ang matinding pananahimik ni sir Azra, sa likuran ko. Pero kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay alam kong nakatitig siya sa akin. Hindi ako makatingin nang diretso sa kanya mula pa kanina. Dahil sa t'wing gagawin ko iyon ay sumasakit ang dibdib ko, dahil sa lakas ng t***k ng puso ko. “Sir Azra…” mahina kong bulong, halos walang lakas ang tinig ko. Hindi niya sinasagot. Hindi niya kailangan. Ramdam ko na sapat na ang tingin niya upang maipabatid ang lahat. Ang puso ko, na sa loob ng ilang linggo ay pinipilit kong kontrolin, ngayon ay nag-uumapaw sa kaba. Ang mga palad ko ay bahagyang nanginginig, at ang dulo ng mga daliri ko ay tila gusto nang umabot sa kanya ngunit natatakot. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi ko maalis ang ngiti sa mukha ko. Ang hangin, ang dagat, ang katahimikan… Tumalikod ako, pinapayagan ang hangin na maglaro sa buhok ko, at naramdaman ko ang init ng kanyang tingin sa aking balikat. Hindi ko masabi kung ito ay nakakakaba o nakakapanatag. Siguro pareho. Ang araw ay dahan-dahang bumababa, ang mga alon ay patuloy na humahampas sa dalampasigan, at ang hangin ay patuloy na naglalaro sa buhok ko… nanatili kaming tahimik. Ngunit alam ko sa sarili ko, na ang katahimikang ito ay puno ng isang pangako, isang pangakong hindi ko pa rin lubos maintindihan, ngunit ramdam ko sa bawat hibla ng aking katawan. Hindi ko pa rin maialis sa isip ko ang matinding tingin ni sir Azra sa akin. Hanggang sa biglang umalingawngaw ang tinig nito. Na siyang tumapos sa nakakabinging katahimikan sa loob ng kotse. “I know that man from earlier,” mahina niyang sabi, nakatingin sa akin. “He’s the one you’re running away from, right?” Sandaling tumigil ang mundo ko. Parang bumagal ang t***k ng puso ko, at hindi ko alam kung dapat ba akong matakot o maluwag. Napalingon ako sa kanya, at nakita ko kung gaano ka seryoso ang kanyang mukha. Halatang interesado siyang malaman ang tungkol doon. Medyo gulat din ako, dahil hindi ko naman inasahan na malalaman niya ang tungkol sa buhay ko. At kilala niya si Samuel. Ano ka ba, Haliyah... Mayaman siya, at kayang-kaya niyang alamin ang tungkol sa 'yo gamit ang pera niya! Ngumiti lang ako nang bahagya at nagpasya na magtapat sa kanya. “Oo…” mahina kong sagot, habang pilit pinapantay ang paghinga ko. “Siya si Samuel, at ang babaeng kasama niya… ang dahilan kung bakit tuluyan nang nasira ang pagsasama naming dalawa." Nakaramdam ako ng kakaibang bigat na lumipat sa dibdib ko habang binanggit ko ang pangalan niya. Hindi ako sigurado kung ito ba ay lungkot, galit, o simpleng pag-alala lamang. Ngunit ramdam ko ang presensya ni sir Azra sa tabi ko, tahimik, at kahit isang segundo ay hindi naalis sa akin ang kanyang tingin. “Hmm,” mahina niyang sagot, at dahan-dahan niyang ikiniling ang ulo sa akin. “I see…” Ang kanyang boses ay mababa, ngunit bawat salita ay tila may bigat, bawat tunog ay puno ng proteksyon at… ng isang bagay pang hindi ko maintindihan. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan sa loob ng kotse. Huminga ako nang malalim, ngunit hindi ko maalis ang bahagyang pamumula sa aking pisngi. Ang kanyang tingin ay parang naglalagablab sa akin, hindi sa paraan ng panganib, kundi sa paraan ng… pag-aari? “Sir… bakit niyo ginagawa ito?” hindi ko mapigilang magtanong sa kanya. “Ako lang naman ang… personal maid ninyo. Bakit niyo ako tinatignan ng ganito? Bakit?... kinakaawaan niyo ba ako o ano?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. Tumigil ako sandali, ramdam ang bigat ng aking mga salita sa dibdib ko. Kasunod niyon ang pag-init ng bawat sulok ng mga mata ko. “Alam niyo…,” dagdag ko, bumulong nang may bahagyang pighati sa boses. “Nakakahiya man sabihin… pero… nagkaroon na ako ng asawa... Ginamit na ako nang paulit-ulit... parang collateral damage na ako. I-iniwan ng a-asawa...." usal ko at hindi na napigilan ang pagpatak ng aking luha. Nakatingin pa din ito sa akin, bakas ang gulat sa kanyang mukha. Hindi niya siguro inaasahan na bigla akong sasabog ng ganito. "Ipinagpalit na ako ng a-asawa ko sa i-iba... sinisi d-dahil nakunan ako at wala na akong s-silbi..." dugtong ko at lalong lumabo ang aking paningin, dahil sa nga luhang walang tigil sa pag-agos sa aking mga mata. Huminga ako nang malalim upang ipagpatuloy sana ang sinasabi ko, ngunit nalunok ko lahat ng iyon sa gulat... nang bigla niyang hinawakan ang aking batok, iniharap niya ang mukha ko sa kanya. Dumukwang siya papalapit sa akin, at nanlaki ang mga mata ko nang sinalubong niya ng halik ang aking labi. Hindi ako nakapag-react... ni itulak siya ay hindi ko nagawa, bagkus ay wala sa sariling kumapit ang kamay ko sa kanyang damit. At unti-unting ipinikit ang mga mata at tumugon sa kanyang halik. TO BE CONTINUED........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD