HALIYAH ISABELLE'S POV Nilamon nang nakakabinging katahimikan ang buong sala. At ang tanging maririnig lamang ay ang mahinang huni ng mga kuliglig sa labas at ang tunog ng electric fan na umiikot sa sala. Matagal na akong hindi nakakauwi rito. Ang bahay kung saan ako lumaki. At ngayon… ang bahay kung saan ako muling bumalik matapos ang lahat ng nangyari sa buhay ko. Nakaupo ako sa lumang sofa habang hawak ang isang tasa ng mainit na tsaa. Ngunit kahit mainit iyon ay hindi pa rin nito maalis ang malamig na pakiramdam na nakapulupot sa dibdib ko. Sa harap ko ay nakaupo sina Mama at Papa. Tahimik silang nakatingin sa akin. Parang hinihintay nila na tuluyan kong sabihin ang mga bagay na matagal kong itinago sa kanila. Huminga ako nang malalim. “Ma… Pa…” mahina kong simula. Bahagyang

