HALIYAH ISABELLE’S POV (Continuation) Nang makita ako ni Samuel, para bang biglang nabuhay ang lahat ng pag-asa sa mga mata niya. “Hal—” Nagsimula siyang humakbang palapit sa akin. Ngunit bago pa man siya makalapit ng tuluyan.. ay biglang humarang si Papa sa pagitan naming dalawa. Agad niyang itinapat ang katawan niya sa harapan ko, para bang isang pader na nagpoprotekta sa akin. “Hanggang d'yan ka lang, Samuel,” mariing sambit nito, puno ng pagbabanta ang tinig. Napahinto si Samuel. Ngunit hindi nawala ang pagpipilit niyang lagpasan ang ama ko upang makarating sa aking tabi. “Haliyah,” tawag niya ulit, mas mahina na ngayon. “Mag-usap tayo. Please.” Narinig ko ang mahinang pagsinghap ni Mama mula sa likod ko. Si Papa naman ay bahagyang umusog pa, tuluyang tinatakpan ang paningin

