Chapter 5

1487 Words
HALIYAH ISABELLE’S POV Ilang araw na ang lumipas. Ngunit ang sakit… ay narito pa rin. Hindi lamang sa puso ko. Kundi maging sa bawat bahagi ng katawan ko. Dahan-dahan kong itinaas ang aking kamay at marahang hinaplos ang aking pisngi. Napapikit ako nang maramdaman ko ang kirot na agad na sumunod sa simpleng pagdampi ng aking mga daliri. Hindi pa rin nawawala. Namamaga pa ang pisnge ko, at may pasa sa gilid ng aking labi. Tumayo ako sa harap ng salamin, pilit iniiwasan ang sarili kong repleksyon. Ngunit kahit anong gawin ko, hindi ko iyon maitatago... na kahit maglagay pa ako ng make up, upang takpan ang mga pasa sa katawan at mukha ko.. ay makikita ko pa rin iyon. Napakagat ako sa aking ibabang labi nang maramdaman ko ang pag-init ng aking mga mata. Ngunit mabilis kong pinunasan ang mga luha bago pa ito tuluyang bumagsak. Huminga ako nang malalim at tumalikod sa salamin. Tahimik akong naglakad palabas ng kwarto, patungo sa sala. Hawak ko ang basahan sa aking kamay habang dahan-dahan kong pinupunasan ang mesa na malinis na. Matagal na iyong malinis. Ngunit patuloy ko pa rin iyong pinupunasan. Dahil iyon lang ang kaya kong gawin. Maglinis, manahimik at pagsilbihan siya Minsan, hindi ko namamalayan na humihinto ako sa aking ginagawa.. natutulala at bigla na lamang iiyak. Galit ako dahil wala akong nagawa. Wala akong nagawa kundi and umiyak. Wala akong nagawa kundi magmakaawa. Wala akong nagawa kundi tanggapin ang lahat.... ang pananak*t niya at pagtataksil niya sa 'kin. Hindi ko man lang nagawang protektahan ang sarili ko. Napapikit ako. Bumuntong-hininga at muling ipinagpatuloy ang ginagawa. At nasa kalagitnaan ako ng aking paglilinis nang bigla kong marinig ang pagbukas ng pinto. Kaya tumayo ako upang silipin kung sino iyon. At nakita ko ang Ina at ama ni Samuel.. Nakatayo sa may pintuan, nakatingin sa akin. Ang kanyang ina ang unang nagsalita. Ngumisi pa ito nang makita niya ang itsura ko. “Oh,” aniya, habang dahan-dahang sinusuri ang aking mukha. “Nandito ka pa pala.” Wala akong naisagot. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. “Ayan,” malamig niyang sabi. “Iyan ang napapala ng mga babaeng hindi marunong makuntento.” Parang may kung anong matalim na bagay ang muling tumusok sa aking dibdib. Napayuko ako. Napahigpit ang hawak ko sa basahan. Ngunit hindi pa siya tapos. “Ano?” dagdag niya, may bahid ng panunuya sa kanyang boses. “Akala mo ba hindi namin malalaman ang ginagawa mo sa likod ng anak ko?” Nanginginig ang aking katawan. Hindi dahil sa takot. Kundi dahil sa sakit. Sa galit. “Hindi ka makasagot?” muli niyang tanong, mas matalas na ngayon ang kanyang boses. “Dahil wala kang maipaliwanag? O baka naman nahihiya ka lang dahil nahuli ka na?” Napapikit ako. Mahigpit. Pinipilit kong pigilan ang sarili ko. Pinipilit kong huwag umiyak sa harap niya dahil mas lalo niya iyong ikakatuwa. “Aba,” dagdag pa niya, habang dahan-dahang palakad-lakad sa sala na para bang siya ang may-ari nitong bahay. “Kung hindi mo kayang panatilihin ang atensyon ng sarili mong asawa, huwag kang magtaka kung hahanap iyon ng iba.” Parang tumigil ang mundo ko. Unti-unti kong itinaas ang aking tingin. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay lumawak ang kanyang ngisi, at kahit kaunting preno sa kanyang bibig ay wala. “At tingnan mo ang sarili mo,” dagdag niya, habang itinuro ang aking mukha. “Mukha kang kaawa-awa.” Lumalim pang lalo ang aking paghinga. “Alam mo,” sabi ng kanyang ama mula sa likuran niya. Dahan-dahan siyang lumapit. Ang bawat hakbang niya ay parang pabigat nang pabigat sa aking dibdib. “Matagal na naming napapansin na hindi ka sapat para sa anak namin... At hindi karapat-dapat sa aming pamilya." Usal nito. “Mahina ka,” dagdag niya, diretso sa aking mga mata. “At ang mga lalaking tulad ni Samuel… hindi nananatili sa mga babaeng mahihina.” Pakiramdam ko, kung magsasalita ako, ay mas lalo akong madudurog at baka ako pa ang maging mali. "Kung ako sa'yo,” malamig niyang dugtong, “magpapasalamat ka pa na hindi ka pa niya iniiwan.” Nanlabo ang aking paningin. Hindi dahil sa luha. Kundi dahil sa sakit. Sa kahihiyan. Sa galit na wala akong lakas ng loob na ilabas. Ngunit ang kanyang ina ay hindi pa rin tapos. Lumapit siya nang mas malapit sa akin. Sobrang lapit na kaya ko nang maamoy ang kanyang pabango. "Tandaan mo ito, Haliyah” bulong niya, ngunit sapat upang marinig ko nang malinaw, “madali kang palitan.... kayang-kaya iyong gawin ng anak namin lalo pa at may ibubuga siya, samantalang ikaw ay wala." Tuluyan nang bumagsak ang aking luha. Hindi ko na iyon napigilan. Hindi ko na iyon kayang pigilan. “At kung patuloy mong ipapahiya ang anak ko,” dagdag pa niya, “huwag kang magtataka kung isang araw… ay magdala na iyon ng ibang babae rito sa bahay, at itatapon ka na niya na parang basahan na wala ng silbi sa buhay niya." Napayuko ako. Ang aking mga balikat ay bahagyang nanginig. Kasunod niyon ay ang muling pagbukas ng pintuan sa kanilang likuran. Tumigil ang lahat. Lahat kami ay napatingin sa kanya. Nakatayo si Samuel sa may pintuan, hawak ang kanyang helmet. Ang kanyang mga mata ay agad na napunta sa akin. Sa aking mukha. Sa aking mga pasa. Sa aking mga mata na namumugto sa kakaiyak. Tumigil ang kanyang tingin doon. At tinitigan ako. “Samuel,” pagtawag sa kanya ng kanyang ina, agad nagbago ang tono ng kanyang boses. Mas malambing. Mas mapagpanggap. “Buti naman at dumating ka na.” Hindi sumagot si Samuel. Nanatili lamang siyang nakatingin sa akin. Tahimik. Walang emosyon. Parang ako ay isang estranghera lamang sa sarili kong bahay. Lumapit ang kanyang ama at tinapik siya sa balikat. “Kausapin mo ang asawa mo,” sabi nito. “Turuan mo siyang rumespeto.” Nanigas ang aking katawan. Naghintay na magsalita siya. Ngunit wala siyang sinabi na kahit ano, at nagsimulang humakbang ulit na parang wala lang hanggang sa tuluyan niyang akong nilampasan. At hinayaan niya ang mga magulang niyang kawawain ako, pagsalitaan ako ng hindi maganda. ~~~~~ Gabi na nang tuluyan silang umalis. Muling nilamon ng katahimikan ang bahay. Ang katahimikang dati ay nagbibigay sa akin ng kapayapaan. Ngunit ngayon… Ito ay parang isang kulungan. Tahimik akong nakaupo sa gilid ng kama, yakap ang sarili ko. Ramdam ko pa rin ang sakit ng aking katawan. Ngunit mas masakit ang bigat na nasa loob ng aking dibdib. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nanatili roon. Hanggang sa narinig ko ang pagbukas ng pinto. Ang mabibigat niyang hakbang ay agad kong nakilala. Hindi ako lumingon sa kanya at dahan-dahang ibinagsak ang katawan ko sa malambot na kama. Maya-maya pa ay narinig ko ang mahinang kaluskos ng kanyang mga damit.. Hinuh*bad niya ang kanyang suot, at narinig ko pa ang tunog ng nalaglag na sinturon sa sahig. At pagkatapos… ay gumalaw ang kama sa likuran ko... at ang init ng kanyang hininga sa aking batok. “Bakit gising ka pa?” tanong niya, mababa ang boses, unti-unting iniyakap ang kanyang braso sa aking kawatan. Hindi ako sumagot, hinayaan ko lamang siyang hawakan ako... ngunit lahat ng iyon ay parang wala na sa akin. He started kissing my shoulder, whispering how sorry he is that he didn't mean what he did. Pero lahat ng salitang iyon ay ayaw tanggapin ng utak at katawan ko. Hanggang sa kinubabawan niya ako at sinumulan akong halikan, pinaglandas niya ang kanyang bibig sa bawat parte, bawat sulok ng katawan ko. Pero wala akong naging reaksyon. But none of it matters to him. Wala siyang pakialam kahit hindi ako masiyaham sa ginagawa niya sa katawan ko. Dahil ang importante lamang sa kanya ay ang mailabas ang init ng kan'yang katawan. At wala siyang pakialam kahit na umayaw pa ako nang ilang beses. "I love you, Haliyah..." bigkas niya habang gumagalaw sa loob ko. Nakabaon ang kanyang mukha sa aking leeg, at paulit-ulit na binibigkas ang mga salitang iyon... ngunit wala akong reaksyon. Nandoon lang ako sa ilalim niya... tinatanggap ng aking katawan ng bawat galaw, bawat ulos na ginagawa niya. How could he say those words to me like he didn't ruin me. How could he simple say sorry and say he didn't mean any of it... when I beg him so many times. Pero hindi niya ako pinakinggan. Ayaw ko na... I just want to disappear and leave this house. Ayaw ko nang manatili pa rito at hayaan siyang bugbugin ako nang paulit-ulit hanggang sa mam*tay ako ako. At sasabihin niyang hindi niya sinasadya. "Kung sakaling magbago ang isip mo, Haliyah… may trabaho pa rin para sa’yo. Kailangan namin ng kasama sa bahay ng amo ko. May matutuluyan ka. Ligtas ka doon." Naalala ko ang sinabing iyon ni Mari... At bukas na bukas din ay tatakas ako. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD