Chapter 04: Suffering

1409 Words
⚠️ Trigger Warning This chapter contains depictions of dom*stic viol*nce, emotional ab*se, and non-consensual s*x*al activity. These scenes may be disturbing or triggering to some readers. Reader discretion is advised. HALIYAH ISABELLE'S POV Nagising ako sa malamig na katahimikan. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, at ang unang bumungad sa akin ay ang kisame. Pareho pa rin. Walang nagbago. At nang bumaling ako sa kabilang bahagi ng kama ay wala pa din si Samuel. Ni hindi ko na nga namalayan kung ilang oras aking umiyak kagabi, hanggang sa nilamon ako ng antok at nakatulog. Bumuntong-hininga ako at dahan-dahang bumangon mula sa kama. Mabigat ang aking katawan, parang wala akong tulog kahit alam kong hindi ako nakatulog halos buong gabi. Tahimik akong naglakad palabas ng silid. Tahimik pa rin ang bahay. Maya-maya pa ay narinig ko ang mahinang katok sa pinto. Napakunot ang noo ko, dahil wala naman akong inaasahang bisita ngayon at imposible rin naman na si Samuel iyon. Dahil wala naman akong narinig na ingay ng motorsiklo sa labas. "Sino naman kaya 'to?" sa isipan ko. Dahan-dahan akong lumapit sa may pintuan at binuksan iyon. At bumungad sa akin ang pamilyar na mukha. “Uy…” nakangiting bati ni Mira, ang matalik kong kaibigan. Napakurap ako, bahagyang nagulat sa kanyang presensya. “Mira… anong ginagawa mo dito?” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Napansin ko ang bahagyang pag-aalala sa kanyang mga mata, ngunit agad niya iyong tinago sa likod ng kanyang karaniwang masiglang ngiti. “Napadaan lang,” sabi niya. “Naisip ko lang na kamustahin ka dahil matagal-tagal na din mula nang huli tayong magkita." Hindi ako agad nakasagot at tinitigan lamang siya. “Alam mo ba,” bigla niyang sabi, “may kasiyahan sa bayan ngayon. May mga ilaw, may mga pagkain… at maraming mga tao, baka gusto mong sumama?" aniya. Bahagya akong nagulat at pinagmasdan siya. Lumabas? "Sumama kana sa 'kin.. Minsan lang naman ito, Hali.." muling aniya, at napabuga ako nang malalim na paghinga. “Sige…” tugon ko at ngayon ay nakangiti na. "Sasama ako.. tutal ay wala din naman si Samuel," dugtong ko at mas lalong lumaki ang kanyang ngiti. Pagkatapos niyon ay nagpaalam akong maliligo na muna at aayusin ang sarili. At mayasa naman itong tumango at sinabing hihintayin niya daw akong matapos. Isinara ko muli ang pintuan at nagtungo sa banyo upang nagsimulang maligo. At makalipas ang mahigit isang oras ay natapos na ako. At nakasuot na ng damit paglabas ng banyo. Humarap ako sa malaking salamin upang ayusin ang buhok ko, hindi ko na din kailangan na maglagay ng kolorete sa mukha dahil hindi naman gano'n ka espesyal ang pupuntahan ko ngayon. At nang matapos na ako ay lumabas na ako ng kwarto at naglakad na palabas ng bahay. Nang mabuksan ko ang pintuan ay nandoon pa rin si Mira, naghihintay. At nang makita niya ako, ngumiti siya. “Ready?” Tumango ako. At magkasabay kaming naglakad patungo sa bayan. ~~~~~~ A few hours later... Kasama si Mira, naglakad kami sa gitna ng kasiyahan sa bayan. May mga ilaw na nakasabit sa bawat poste, kumikislap sa dilim na parang mga bituin na bumaba sa lupa. May mga batang tumatakbo, may mga musikang tumutugtog, at may mga taong walang ibang iniisip kundi ang sandaling iyon. At kahit sandali… Nakalimot ako. Nakalimot ako sa sakit. At nakalimutan ko ang pangalan na narinig ko mula sa bibig ni Samuel, dahil sa panandaliang saya na aking naramdaman. Ngunit ang lahat ng iyon ay natapos din nang nakapagdesisyon akong umuwi na dahil gabi na. Kaya ngayon ay tahimik akong naglalakad sa madilim na kalsada. Hawak ko ang maliit na supot ng binili naming street food ni Mira, at hindi ko mapigilang ngumiti habang naaalala ang mga simpleng sandali kanina. Huminto ako sa tapat ng bahay. Tahimik. Madilim. Walang ilaw sa loob. Siguro… wala pa siya. At hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o malungkot doon. Huminga ako nang malalim at dahan-dahang binuksan ang pinto. At sa sandaling tumapak ako sa loob ay bumagsak ako sa malamig na sahig nang sumalubong sa aking pisnge isang malakas na sampal. Hindi ko agad naramdaman ang sakit. Tanging ang tunog lamang ng impact ang umalingawngaw sa aking tenga. Sandaling nanlabo ang paningin ko. At nang mag-angat ako ng tingin… Nakita ko Si Samuel. Nakatayo sa harapan ko, nanlilisik ang mga mata sa galit. “Ano?!” sigaw niya. “Ito na ba ang ginagawa mo kapag wala ako?!” Napakurap ako, nalilito. “A-anong—” Muli niyang inangat ang kamay niya at sinampal ako. Mas malakas na iyon kesa naunang sampal niya. At naramdaman ko ang mainit na likido sa gilid ng aking labi. Dahan-dahan kong itinaas ang kamay ko at hinawakan iyon.. nang muli kong ibinaba ang kamay ko para tingnan kung ano ito, ay nakita ko ang d*go.. at nalasahan ko din iyon sa gilid ng labi ko. Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha sa takot. “S-samuel…” nanginginig kong sambit. “Ano bang—” “Huwag kang magsinungaling sa akin!” sigaw niya. Hinawakan niya ang kanyang buhok, mariing sinasabunutan ang sarili niya na parang nawawala sa katinuan. “Nakita ka ni Mama!” galit niyang dugtong. Natigilan ako. “Nakita ka niya…” ulit niya, mas mababa ang boses, ngunit mas mapanganib. “Sa labas.” Hindi ako makahinga. “Kasama ang ibang lalaki.” Parang may malamig na kamay na pumulupot sa puso ko. Isang lalaki? “Nakita ka niyang may kasamang ibang lalaki at nakipag-hal*kan ka pa!!.” Napailing ako agad.. kasabay niyon ang panlalaki ng aking mga mata. “H-hindi.. H-Hindi iyon toto--" “Tumigil ka!” sigaw niya, at kasabay niyon ang malakas niyang pagh*la ng aking buhok. At nagsimula siyang kaladkarin ako, pagkatapos ay pabato akong binitawan at tumama ang aking likuran sa matigas na kahoy. Napapikit ako sa sakit. Hindi ko maintindihan. Hindi ko maintindihan kung saan iyon napulot ng nanay niya. Hindi ko maintindihan kung bakit parang ako ang may kasalanan. “Kaibigan ko si Mira,” umiiyak kong paliwanag. “Si Mira ang kasama ko.. at babae siy--" “SINASABI MONG NAGSISINUNGALING ANG MAMA?!” putol niya sa akin, at ramdam ko ang panginginig ng kan'yang kamay habang hawak-hawak ang aking buhok. “Sa tingin mo ba tanga ako, ha?” galit niyang tanong. “Sa tingin mo hindi ko malalaman?” Umiling ako, patuloy ang pagpatak ng luha. “Samuel, wala akong ginawang m-mali… W-wala akong ibang lalaki..." pagpapaliwanag ko, ngunit tila hindi niya iyon narinig. O baka ayaw niya lang paniwalaan. "Ano? hindi ka pa ba nakukuntento sa akin at maghahanap ka pa ng iba?" nakakapanindig balahibong aniya, animo'y parang isang kulog ang boses na lumukob sa bawat sulok ng sala. Hindi ko magawang makapagsalita... parang pinagdikit ang aking bibig at wala akong ibang magawa kundi ang humagulgol at umiyak. Biglang nanlaki ang aking mga mata ng bumilis ang kanyang hakbang papalapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko, at itinali doon ang hinubad niyang sinturon. "Ito ba ang gusto mo, ha?!" singhal niya at marahas na pinunit ang suot kong damit. "Gusto mo bang bayuhin kita sa marahas na paraan gaya ng ginagawa sa 'yo ng iba mong lalaki? ha?!!" dugtong niya. Wala ni isang salitang namutawi sa aking bibig. Iyak lamang ako ng iyak habang ipinagpipilitan niya ang kan'yang sarili sa akin. "UMUNG*L KA, ISABELLE! HINDI BA AY ITO ANG GUSTO MO? KASI MAKATI KA?!..." aniya, at halos masugatan ang bewang ko dahil sa higpit ng kan'yang pagkakahawak doon. "S-samuel...." umiiyak kong sambit, pilit siyang itinutulak papalayo sa akin. Ngunit mas lalo lamang humigpit ang hawak niya.. mas malakas siya kaya kahit anong gawin ko upang makatakas ay wala iyong silbi. "H'WAG MO AKONG INIIYAKAN! UMUNG*L KA!! PUT*NGINA KANG P*KPOK KA!" singhal niya at muling lumagapak sa aking pisnge ang malakas niyang sampal. At nang gabing iyon ay mas lalong bumaba ang tingin ko sa sarili ko. Mas nadudumihan ako sa pagkatao ko. Hindi makapaniwala na ako ang naipit sitwasyon na ito, kahit siya naman ang may iba. He was the one who che∆ted, yet somehow, I was the one being treated like the betrayer. And what hurt the most was that he never even tried to believe me. Instead of listening to my explanation, he chose to degrade me... humiliate me, over an accusation from his mother… an accusation he chose to believe over me, his own wife. TO BE CONTINUED....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD