Chapter 03

962 Words
HALIYAH ISABELLE’S POV Nakahiga ako sa kama, ang aking dibdib ay mabilis pa rin ang pagtaas at pagbaba habang pilit kong hinahabol ang aking hininga. Ramdam ko pa ang init ng kanyang katawan na kanina lamang ay nakapatong sa ibabaw ko. Ramdam ko pa ang bigat ng kanyang mga kamay. Ang paraan ng paghawak niya sa akin. Ngunit ngayon… Wala na lahat ng iyon. Nasa tabi ko si Samuel, nakahiga habang nakatingala sa kisame. Tahimik, at mukhang malalim ang iniisip. Ibinaling ko ang aking mukha upang pagmasdan siya. Sa madilim na silid, ang tanging liwanag lamang na nagmumula sa maliit na lampshade ang nagsilbing ilaw. Pinagmasdan ko ang kan'yang panga na hanggang ngayon ay naka-igting pa rin. At ang kan'yang malamig na mga mata, na kanina lang ay mag-aapoy habang tinitingnan ako. Parang hindi na ito ang mukha ng lalaki na aking nakat*lik kanina. Ngayon ay nakahiga siya sa tabi ko na parang Hindi niya ako kilala... na para bang walang nangyari sa amin. Napakagat ako sa aking ibabang labi. Hindi ko maintindihan kung bakit may kung anong kulang. Bakit kahit magkadikit ang aming mga balat kanina… pakiramdam ko ay napakalayo niya pa rin. Dahan-dahan akong gumalaw. At marahan kong ipinatong ang aking kamay sa kanyang dibdib. Agad kong naramdaman ang init niyon. “Samuel…” mahina kong tawag... ngunit hindi siya sumagot, kahit alam kong gising naman siya Mas lalo akong lumapit. Ipinatong ko ang aking ulo sa kanyang balikat, hinayaan ang aking sarili na sumiksik sa kanya. Hinayaan ko ang aking sarili na maging mahina sa sandaling iyon. Gusto ko siyang maramdaman. Gusto kong yakapin niya ako habang natutulog kaming dalawa, hanggang sa magising ako ay hawak niya pa rin ako. Ngunit natigilan ako nang bigla siyang gumalaw. At mabilis niyang inalis ang aking kamay na nakapatong sa kanyang dibdib. . At bago pa ako makapagsalita, ay bumangon siya mula sa kama. Walang kahit na anong suot. Wala din siyang sinabi na kahit ano. Tahimik lamang siyang tumayo at nagsimulang maglakad palabas ng silid. Iniwan niya akong nakahiga sa kama. Naghintay ako na bumalik siya, dahil iniisip ko na baka kailangan niya lamang mag-banyo. Pwoe makalipas ang ilang minuto ay walang bumalik. Kaya dahan-dahan akong bumangon mula sa kama. Hindi ko na inabala pang isuot ang aking damit. Kinuha ko lamang ang kumot at ibinalot iyon sa aking katawan. At tahimik akong naglakad palabas ng silid. Mahina. Maingat. Ayokong marinig niya ako. Hanggang sa hindi nagtagal ay narinig ko ang mahina, ngunit galit nitong boses. “Why are you calling me right now?” aniya. Tumigil ako sa likod ng pader. Hindi ako gumalaw. At talagang nanatili lang doon. “Ciarah, stop it.” Parang may kung anong matalim na bagay na tumusok sa aking dibdib. Ciarah? Hindi ko alam kung sino siya. Ngunit ang paraan ng pagbanggit niya sa pangalan nito… Ay ramdam ko na hindi niya lang ito basta-bastang kaibigan o ka trabaho. “I'm already at home,” dugtong niya, mas mahina ngayon ang kanyang boses. “She’s here.” Napahigpit ang hawak ko sa kumot na nakabalot sa aking katawan. Hindi ko namalayang nanginginig na pala ako. Tahimik lamang akong nanatili sa aking kinatatayuan. Nakikinig at palihim na nasasaktan. “I told you not to call tonight,” dagdag niya. Huminto siya. Parang nakikinig. At sa mga sumunod na segundo… May kung anong nagbago sa kanyang boses. Lumambot. Mas naging mahina. Mas naging… maingat. Napapikit ako. At doon ko narinig ang mga salitang tuluyang sumira sa akin. “I love you.” Tumigil ang mundo ko. Hindi ako makahinga. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makaramdam ng kahit ano. “I know… hey… calm down,” mahina niyang dagdag, parang sinusubukang patahanin ang babae sa kabilang linya. “Don’t cry.” Naramdaman ko ang pag-init ng aking mga mata. At hindi ko na mapigilan ang dahan-dahang pagbagsak ng aking luha. “Okay… love. I’ll go there. Just wait for me," muling aniya sa isang mahina at malambing na boses. Makalipas ang ilang sandali ay natahimik na ito, at kasunod niyon ay ang pag-alingawngaw ng munting mga yabag ng kanyang paa... patungo sa direksyon kung nasaan Ako. Mabilis aking tumalikod, at pinilit ang sariling h'wag gumawa ng kahit na anong ingay. Hanggang sa nakabalik na ako sa kwarto. Dali-dali akong pumaong sa ibabaw ng kama ug humiga. Ipinikit ko ang aking mga mata. At nagkunwaring natutulog. Ilang sandali pa… Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Ang tunog ng kanyang mga hakbang sa loob ng silid. Hindi ako gumalaw. At kahit na ang paghinga ko ay kalkulada dahil ayaw kong malaman niyang gising ako. Nagkunwari akong mahimbing ang tulog. Narinig ko ang pagbukas ng drawer. Ang kaluskos ng kanyang mga damit. Ang mahinang tunog ng sinturon. At pagkatapos… Ang mga hakbang nito papalayo sa kinaroroonan ko. Ngunit bigla itong tumigil sa paghakbang, kung kaya ay iminulat ko ang aking mga mata. Naghihintay na baka lumapit siya, at mas piliin na makasama ako kesa babaeng kausap niya kanina. Pero nabigo ako, dahil tanging malalim na pagbuntong-hininga lamang ang narinig ko mula sa kanya... bumukas ang pinto, at ilang segundo pa ay sumara iyon. At nang tuluyan na siyang nakaalis ay hinayaan ko ang sarili kong bitawan ang hagulgol na kanina ko pa pinipigilan. We just had s*x... Inangkin niya ako sa paraan na gusto niya, he whispered soft words in my ear as he thr*st inside me. Pwoe sa huli ay umalis pa rin siya. At mas pinili niya na ibang babae ang makasama niya ngayong gabi, kesa sa 'kin na asawa niya. Ako lagi ang nauuna noon, ako ang laging niyang pinipili.. ngunit hindi na ngayon. Nagbago na siya at may iba na siyang mahal. Palatandaan na tinatapos na niya ang lahat sa pagitan naming dalawa. TO BE CONTINUED....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD