Chapter 16: Timing

1565 Words
HALIYAH ISABELLE’S POV Halos mahilo ako sa dami ng tao sa mall. “Ang daming tao…” bulong ko habang sinusundan sina Tessa na parang sanay na sanay sa ganitong lugar. “Tingnan mo ‘to!” sigaw agad ni Lani habang tumatakbo papunta sa isang clothing store. Napailing ako. “Sandali lang--” pigil ko sa kanila, pero nahila na ako ni Mari papasok sa loob. Kung kanina ay tahimik lang ako sa mansion, ngayon naman ay puro sigawan at tawanan ang nasa paligid ko. “Uy! Ang ganda nito!” sabi ni Tessa habang hinahawak ang isang beige na dress. “Bagay ‘yan sa’yo,” sagot ni Mari. “Hindi! Mas bagay kay Haliyah ‘to!” Halos sabay-sabay silang apat na bumaling sa akin at agad na nalaglag ang panga ko. “Ha?” tanging naisambit ko, hindi ko masyadong naiintindihan kung ano ang nangyayari. Hindi pa ako nakaka-react ay itinapat na agad ni Tessa ang damit sa katawan ko. “See?” nakangiti niyang sabi. Napailing ako. “Hindi naman…” “Bagay nga!” sabat ni Lani habang may hawak namang crop top. “Ano ba! Huwag niyo akong gawing mannequin dito," reklamo ko, pero nagsitawanan lang silang apat. “KJ mo naman,” pang-aasar ni Tessa. Samantalang si Mari ay abala naman sa pagtingin ng mga hanger. “Tingnan niyo ‘to,” sabi niya habang may hinuhugot na light blue blouse. “Ang simple pero ang classy," komento ni Avory, seryosong-seryoso pa ang ekspresyon sa mukha. Akala mo talaga kung sino. Ilang segundo pa nakalipas ay Lumapit si Luna sa kanilang tatlo at naki-tingin na rin sa damit. “Ay oo nga… bagay kay Haliyah ‘yan.” Aniya. Nagkatinginan silang apat, biglang naging tahimik at doon ako biglang kinabahan. “Girls…” babala ko. Pero huli na. “Fitting room!” sigaw ni Tessa. “B-Baki—!” Sa loob ng ilang minuto ay hawak ko na ang tatlong iba’t ibang damit. Dress. Blouse. At isang simpleng skirt. Tinulak ako ni Mari papunta sa fitting room. “Sukat!” utos niya. “Hindi naman ako bibili—” “Libre ko na,” sabat ni Tessa. Napakurap ako. “Ha?!” Ngumisi siya. “Day off treat.” “Hindi pwede—” “Pasok na!” sabay-sabay nilang sigaw. Napabuntong-hininga ako bago tuluyang pumasok sa fitting room. Habang isinasara ko ang kurtina ay napailing ako. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis. Pero sa totoo lang… Sobrang saya ko dahil sa kanila. Muli kong naramdaman ang klase ng buhay na meron ako noon, kami mahirap lang kami. Uri ng buhay na nawala sa akin ng magdesisyon akong magpakasal kay Samuel. Napangiti ako at nagsimulang isuot ang iba't-ibang damit ma ibinigay nila sa akin. At ilang minuto ang lumipas bago ako lumabas suot ang beige na dress. Paglabas ko… Biglang natahimik ang apat. Nagtaka ako, natakot dahil naisip ko na baka hindi nila nagustuhan ang resulta. “Ano?” tanong ko. Huminto ang tingin ko kay Tessa, at ang kaninang tahimik ay biglang humakbang papalapit sa akin... kanyang pinagkatitigan ang kabuuan ko, animo'y hindi makapaniwala. “Grabe…” aniya sa mababang boses. Napataas ang kilay ko. “Ano?” Lumapit si Lani, at hinawakan ang balikat ko. “Haliyah…” sabi niya habang nakangiti. “Ang ganda mo pala kapag nag-aayos ka," dugtong niya. Hindi ko alam kung papuri ba iyon o pa simpleng insulto? Bago pa man ako makapagsalita at sumingit sa usapan si Mari. “Uy totoo!” sabat ni Mari. “Kung makita ka ni Sir Azrael ngayon--” usal ni Avory, hindi niya agad iyon natapos nang sinamaan siya ng tingin ni Mari. Napaling ako sa salamin sa tabi ng fitting room. At sandaling pinagmasdan ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit pero… biglang pumasok sa isipan ko si sir Azra, at gaya ng sinabi ni Avory... ay bigla kong naisip. Kung ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya akong ganito? Mabilis akong napailing upang alisin iyon sa isipan ko. Gusto ko tuloy kutusan ang sarili ko, naiisip ko na baka nahihibang na ako. Ano ba ‘yan, Haliyah. “Next outfit!” sigaw ni Lani habang inaabot sa akin ang isa pang damit. At muli akong nahila pabalik sa fitting room habang nagtatawanan silang apat. ~~~~~ Pagkatapos naming maglibot sa clothing store ay lumipat naman kami sa cosmetics section ng mall. Mas maliwanag dito. Puro salamin at ilaw sa paligid, at halos bawat stall ay puno ng mga babae na nagte-test ng kung anu-anong makeup. “Uy! Tingnan niyo ‘to!” sigaw agad ni Tessa habang dumiretso sa isang shelf ng lipsticks. “Ang daming shade!” dagdag ni Lani. Habang sila ay abala sa pagkuha ng kung anu-ano, ako naman ay napunta sa gilid ng stall. Ako ang ginawang tagahawak ng mga pinamili namin. May hawak akong tatlong paper bags, dalawa doon ay galing sa clothing store, at isa naman ay may laman na undergarments na binili ko kanina. Ang iba ay regalo nina Tessa at Lani na pilit nilang ipinang-abot sa akin kahit ilang beses akong tumanggi at sinabi na babayaran ko na lang dahil may pera naman ako. Kaya ngayon… Ako na muna ang taga-bitbit ng lahat. Napabuntong-hininga ako habang nakasandal nang bahagya sa counter. Napangiti pa rin ako habang pinapanood silang apat. “Tessa! Hindi bagay sa’yo ‘yang color na ‘yan!” sigaw ni Lani. “Ano ka ba! Trend ‘to!” sagot naman ni Tessa habang tinatry ang lipstick sa likod ng kamay niya. “Parang dugo!” natatawang sabi ni Avory “Hoy.. sadyang wala ka lang talagang alam sa fashion," asik niya. Napailing ako. Naaaliw kakapanood sa kanilang panay ang pagtatalo kahit saan sila pumupunta. Ngunit agad na bumagsak ang ngiti ko nang mahagip ng aking paningin ang isang pamilyar na pigura sa hindi kalayuan. Napakunot ang noo ko. Isang babae ang nakatayo sa kabilang stall, may hawak na lipstick habang nakatingin sa salamin. Sandali ko siyang tinitigan. At unti-unting bumalik sa alaala ko kung saan ko siya nakita. Nanlamig ang mga daliri ko sa hawak kong paper bags. Hanggang sa tuluyan kong naalala na isa siya sa mga babaeng nakita kong kasama ni Samuel noon. Yung mga babaeng palaging nakasunod sa kanya. Hindi ako nagkakamali. Sigurado ako. Napabagal ang paghinga ko habang pinagmamasdan siya. Sinusubukan kong kumbinsihin ang sarili ko na baka nagkakamali lang ako. Ngunit hindi nagtagal ay muling lumitaw ang pigura ng isang pamilyar na lalaki sa likuran niya. At sa sandaling iyon… ay parang tumigil ang mundo ko. Nanlamig ang buong katawan ko. At parang biglang naging tahimik ang paligid ko, at wala akong ibang naririnig kundi ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa kaba. Si Samuel, nakatayo sa likuran ng babae at wala man lang itong pakialam sa paligid niya. May kung anong sinasabi sa kanya ang babae habang bahagyang nakayuko upang tingnan ang lipstick na hawak nito. Hindi ko namalayang napahigpit ang pagkakahawak ko sa mga iyon. "Hindi…" wala sa sariling bulalas ko, at hindi ko na namalayan na unti-unti akong napapa-atras. Hindi niya ako dapat makita. Napatingin ako sa mga kasama ko. Pero abala pa rin sila sa pagpili ng make-up. Hindi nila napapansin ang nangyayari sa akin. Muli akong napatingin kay Samuel. At gano'n na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang unti-unting napunta ang tingin niya sa direksyon ko. Nanikip ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. Please… Akmang tatalikod ako upang tumakbo, nang biglang sumulpot sa harapan ko ang isang matangkad at matipunong katawan. Mabagal kong itinaas ang aking tingin. At isang malapad na likod ang bumungad sa akin. Hindi ko makita ang mukha ng lalaking dahil nakatalikod siya sa akin… pero sapat na ang presensya niya upang tuluyang matakpan ang linya ng paningin namin ni Samuel. Mula sa gilid ng mata ko ay napansin ko ang panlalaki ng mga mata ng mga kasama ko. Lalong-lalo na si Lani ay walang mapaglagyan ang gulat habang nakatingin sa lalaking nakatayo sa harapan ko. Napakurap ako. Lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Halos mabingi ako sa lakas nito. Hindi ko man lang magawang gumalaw. Hindi ko rin alam kung dapat ba akong umatras o magsalita. At habang nakatitig ako sa likod ng lalaking nasa harapan ko… Unti-unti niyang ikiniling ang ulo niya nang bahagya. Para bang napansin niyang nakatingin ako sa kanya. Kasunod niyon ay ang marahan niyang pag-angat ng isang kamay... bahagyang gumalaw ang balikat niya habang inaayos ang manggas ng suot niyang damit. Simple lang ang galaw. Pero hindi ko maipaliwanag kung bakit parang may biglang lamig na dumaloy sa likod ko. Dahil sa paraan ng pagtayo niya… Sa presensya niya… At sa kakaibang pamilyar na pakiramdam na bigla kong naramdaman. Hindi ko pa man lubos na nauunawaan kung bakit… Nang bigla siyang nagsalita. Isang mababa. Malalim. At pamilyar na boses ang marahang umalingawngaw. “You should be more careful from now on.” Nanigas ang buong katawan ko. Unti-unti akong napalunok. Maya-maya pa ay gumalaw ito, marahan ang bawat galaw habang umiikot paharap sa akin. At dahil nakatingala na ako sa kanya kitang-kita ko ang kanyang mukha. Laglag ang panga ko habang nakatingala sa kanya, at siya naman ay seryoso ang tingin... bahagya pang nagsasalubong ang kilay at umigting ang kan'yang panga. "S-Sir A-Azra?" TO BE CONTINUED....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD