HALIYAH ISABELLE'S POV
Dalawang araw na ang lumipas mula nang mangyari iyon sa kusina. Dalawang araw mula nang ipilit ni Sir Azra ang halik na iyon sa akin.... na para bang wala akong karapatang tumanggi.
Pagkatapos niyon ay umalis siya, at hanggang ngayon ay hindi ko pa siya nakikita rito sa mansyon. Wala rin nakakaalam kung saan siya nagpunta. Kahit ang mga tauhan ay walang ideya kung kailan siya babalik.
At sa unang pagkakataon simula nang dumating ako rito…
Tahimik ang mansion.
Ngunit kahit ganoon…
Hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang nangyari.
Napatigil ako sa pag-aayos ng mga plato sa mesa ng dining hall nang biglang bumalik sa alaala ko ang sandaling iyon.
Ang higpit ng pagkakahawak niya sa baywang ko. Ang paraan ng pagdi!n niya ng halik na parang wala siyang pakialam kung nasasaktan man ako o hindi.
Maging ang mga salitang binitawan niya ay hindi mawala-wala sa utak ko.
"You're under me."
"You are my personal maid."
"Kaya sa akin ka lang dapat."
Napahigpit ang hawak ko sa plato.
“Hay…” mahinang buntong-hininga ang kumawala sa labi ko.
Hindi ko alam kung bakit pero…
Mas lalo akong naiinis kapag naaalala ko iyon.
Hindi dahil natatakot ako sa kanya.
Kundi dahil sa tuwing naiisip ko iyon…
May kakaibang pakiramdam na gumugulo sa dibdib ko.
At ayoko iyong tanggapin. Pilit ko na lang tinawanan kahit hindi naman nakakatawa.
“Hey.”
Napapitlag ako nang may biglang magsalita mula sa likod ko.
Paglingon ko ay nakita ko si Mari na nakasandal sa pinto ng dining hall habang nakatingin sa akin nang may bahagyang pagtataka.
“Kanina ka pa tulala,” sabi niya.
Mabilis akong umiwas ng tingin at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng mga plato.
“Wala lang,” sagot ko.
Pero hindi siya mukhang naniwala.
Lumapit siya sa mesa at tinulungan akong ayusin ang mga kubyertos.
“Since wala si Sir Azrael, parang mas gumaan ang trabaho, ‘no?” pabirong sabi niya.
Bahagya akong natigilan.
Hindi ko alam kung bakit pero…
Sa sandaling marinig ko ang pangalan niya, parang may kumirot sa loob ng dibdib ko.
“Hmm,” maikli kong sagot.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na wala siya rito. O mas kabahan dahil hindi ko alam kung kailan siya babalik.
Napailing ako sa sarili ko.
Hindi na dapat iyon maulit.
Hindi na dapat mangyari ulit ang ginawa niya.
Kung babalik man siya…
Sisiguraduhin kong hindi na ako mapupunta sa ganoong sitwasyon ulit.
Pero habang iniisip ko iyon…
Hindi ko maiwasang maalala ang isa pang bagay.
Ang paraan ng paghawak ko sa damit niya habang hinah∆likan niya ako.
At kung paano ko iyon napansin lamang pagkatapos niyang umalis.
Napahinto ako.
Bahagyang nanlamig ang mga daliri ko.
"Bakit ko ginawa iyon?" sa isipan ko.
“Haliyah?” muling pagtawag sa akin ni Mari, napakurap ako at agad na napatingin sa kanya.
“Ha?”
“Kanina ka pa... ano ba ang nangyayari sa 'yo?" tanong nito, bahagyang nakataas ang kilay.
Pinilit kong ngumiti.
“Pagod lang siguro," pagsisinungaling ko.
Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong pa. Niyaya niya lang ako pabalik sa quarters upang magpahinga dahil wala naman na kaming gagawin.
~~~~~
“Day off!”
Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumigaw si Tessa sa loob ng staff quarters.
Napalingon ako sa kanya, hawak ko pa ang tuwalya na tinutupi ko.
“Ano?” nagtatakang tanong ko.
Ngumiti siya nang malapad, halos hindi mapigilan ang excitement.
“Binibigyan tayo ng day-off ngayon,” sabi niya habang pumapalakpak pa. “Lahat tayo pwedeng lumabas.”
Agad namang nagsigawan ang ibang mga maid.
“Talaga?!”
“Sa wakas!”
“Ang tagal na nating hindi nakakalabas!”
Napatigil ako sa ginagawa ko.
Day off.
Ilang linggo na rin simula nang huli akong lumabas ng mansion.
Pero sa halip na matuwa…
Bahagyang kumabog ang dibdib ko. At kasabay niyon ay muli kong naalala si Samuel.
“Halika na!” sigaw ni Tessa habang hinahawakan ang braso ko.
Napakurap ako. “Saan?”
“Lalabas tayo! Kakain, mamamasyal… kung saan-saan!” masiglang sabi niya.
Umiling ako agad.
“A-ah… kayo na lang siguro.”
Napangiwi siya. “Bakit?”
Nagkibit-balikat ako at umiwas ng tingin.
“Hindi ko lang feel lumabas," palusot ko, pero alam ko na hindi iyon uubra sa kanilang apat.
Tahimik sandali ang grupo bago sumingit si Lani sa usapan.
“Huwag kang KJ, Haliyah." Aniya na agad namang sinang-ayunan ni Tessa at nang dalawa lang babae.
Si Luna at Avory.
“Oo nga! Isang araw lang naman.”
“Matagal na tayong nakakulong sa mansion,” dagdag pa ni Mari. “Konting hangin naman sa labas.”
Napakamot ako sa batok.
Hindi nila alam kung bakit ako nag-aalangan.
Siguro dahil alam ko kung gaano kalaki ang posibilidad na makasalubong ko si Samuel kung lalabas ako sa bayan.
“Talaga… okay lang ako dito,” mahina kong sabi.
Pero mukhang wala silang balak tanggapin iyon.
“Hindi pwede,” agad na sagot ni Tessa.
Bigla niya akong hinila pataas mula sa kinauupuan ko.
“Hoy—!”
“Magbibihis ka,” utos niya. "Kung ayaw mo ay kami na mismo ang magbihis sa 'yo," dagdag niya.
Natawa ang tatlo habang hinawakan mi Tessa at Lani ang magkabilang balikat ko, at igiya ako patungo sa aparador para kumuha ng damit.
“Tessa, bitawan mo ako!” reklamo ko.
“Hindi! Sasama ka.”
“Hindi nga—”
“Haliyah,” sabat ni Mari habang nakangiti. “Minsan lang ito.”
Napatigil ako.
Napatingin ako sa kanilang lahat.
Masaya silang tingnan. Halatang excited lumabas.
At bigla kong naisip… Kailan nga ba ako huling nag-enjoy ng ganito?
Napabuntong-hininga ako. Ramdam ang matinding konsensya sa dibdib ko.
“Sige na nga,” sabi ko. “Sasama ako.” pagsuko ko, at agad silang nagtilian.
“YEEEES!”
“Told you!”
Napailing na lang ako habang nakangiti nang bahagya.
Halos mahila nila ako papunta sa aparador para magbihis. At sila na mismo ang namili ng damit na isusuot ko, at hindi ko man lang nagawang maipaglaban ang sarili ko sa kanilang apat.
TO BE CONTINUED