HALIYAH ISABELLE'S POV "What was your first impression of me, Habibti?" Bahagya akong natigilan pagkarinig ko ng tanong na iyon ni Azrael. Mula sa jacuzzi ay unti-unti akong lumingon sa kanya. "First impression? 'yung honest ba?" sunod-sunod kong tanong. Itinukod niya ang kanyang siko sa maliit na lamesang pumapagitna na sa aming upuan. Nakabukas ang kaliwang palad at doon ay ipinatong niya ang kanyang pisnge at tiningnan ako. "Yup," sagot niya. “Kahit iyong masamang impresyon ko sa ’yo ay ayos lang?” paniniguro ko. Tumango lang siya. Parang wala siyang kahit anong takot sa kung ano ang sasabihin ko. Parang handa siyang marinig kahit gaano pa iyon kapangit. Napabuntong-hininga ako. Sandali akong natahimik, iniipon ang mga salitang matagal ko nang gustong sabihin pero hindi k

