AZRAEL'S POV Matapos kumaripas ng takbo no Haliyah ay umalis na ako sa kusina ay ngayon ay nasa loob na ako ng aking kwarto. Nakasandal ako sa armchair malapit sa mesa, hawak ang isang baso ng alak. Ngunit kahit na tahimik ang paligid… ang isip ko ay hindi. Dahil paulit-ulit na lumilitaw ang namumulamg mukha ni Haliyah bago niya ako tinakbuhan kanina. Napabuntong-hininga ako. “Troublesome woman…” Ngunit kahit ganoon ang sinabi ko, may bahagyang ngiti pa rin sa labi ko. Hanggang sa marinig ko ang sunod-sunod na pagkatok sa labas ng pintuan. “Sir Azrael,” boses ng isa sa mga tauhan sa labas. “Pinapatawag po kayo ni Don Eduardo sa likod ng mansyon.” Bahagya akong napakunot ng noo. Hindi siya basta nagpapatawag nang ganitong oras kung walang mahalagang dahilan. Ibinaba ko ang baso

