HALIYAH ISABELLE'S POV "I'm waiting, Haliyah...." aniya, unti-unting ibinuka ang bibig... naghihintay na susubuan ko iyon ng pagkain. Nakaupo pa rin ako sa kanyang kandungan, hindi mapahinto ang mabilis na pagtibok ng puso ko. At kahit na anong pilit kong kumawala ay lalo lamang humihigpit ang pagkakayapos ng kanyang mga braso sa aking bewang. T*ngina... Napamura ako sa isipan ko. Hindi ko alam kung saan ko dapat ilalagay ang sarili ko sa sobrang tensyon ng sitwasyon. Nakaupo pa rin ako sa kanyang kandungan, at kahit na bahagya akong gumalaw ay lalo ko lang nararamdaman ang init ng katawan niya sa likod ko. At higit sa lahat… ang matigas na bagay na dumidiin sa aking pang-upo. Napapikit ako sandali, pilit na kinokontrol ang sarili ko. Haliyah… kumalma ka. Napabuntong-hininga ako.

