Chapter 7

1108 Words
HALIYAH ISABELLE'S POV Maaga akong nagising kahit halos hindi ako nakatulog. Hindi dahil sa takot… kundi dahil sa hindi pa rin ako sanay sa katahimikan. Ibang katahimikan ito. Hindi ito iyong katahimikang parang may bagyong paparating. Hindi ito iyong katahimikang sinusundan ng sigaw, yabag, o pagbagsak ng kung ano. Ito ay payapang katahimikan. At hindi ko alam kung paano iyon tatanggapin. Nakasuot ako ng isa sa dalawang damit na dala ko, isang simpleng puting blouse at maong na pantalon. Inayos ko ang buhok ko at sinubukang maging presentable kahit papaano. “Tapos ka na?” tanong ni Mari mula sa pintuan. Tumango ako. At sabay kaming bumaba sa malawak na hagdan. Sa bawat hakbang ko ay parang mas ramdam ko ang bigat ng lugar, hindi dahil nakakatakot… kundi dahil pakiramdam ko ay hindi ako nababagay rito. Pagdating namin sa sala ay naroon na sila. Isang matangkad na lalaking may dignidad ang tindig, nakasuot ng simpleng polo ngunit halatang may awtoridad sa bawat kilos. Katabi niya ang isang babaeng may malambing na aura, maaliwalas ang mukha at may ngiting kayang magpagaan ng loob ng kahit sino. At sa tabi nila ay isang dalaga na sa tingin ko ay ang kanilang anak. Mahaba ang buhok at maliwanag ang mga mata. “Good morning,” bati ng lalaki, kalmado at mababa ang boses. “Good morning po,” sabay naming tugon ni Mari. “Lumapit ka rito, iha,” malumanay na sabi ng babae. Lumapit ako nang may pag-iingat. “Ako si Eduardo Lorenzo,” pakilala ng lalaki. “At ito ang asawa ko, si Sunny. At ang bunso naming anak na si Sunshine.” Ngumiti si Sunshine at kumaway nang bahagya. “Hi,” magaan niyang sabi. Hindi ko maiwasang gumanti ng maliit na ngiti. “Ako po si Haliyah,” mahinahon kong pakilala. “Maraming salamat po sa pagtanggap sa akin dito.” Nagkatinginan sandali sina Mr. at Mrs. Lorenzo. “Alam na namin ang sitwasyon mo,” mahinang sabi ni Mrs. Sunny. “Naikwento na ni Mari ang lahat bago ka pa niya dinala rito.” Napayuko ako. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako o magpapasalamat. “Wala kang dapat ikahiya,” dagdag ni Mr. Lorenzo, seryoso ngunit hindi mabagsik. “Ang pag-alis sa isang lugar na hindi na ligtas ay hindi kahinaan. Katapangan iyon.” Para akong natigilan. “Hindi mo kailangang mag-alala,” malumanay na sabi ni Mrs. Lorenzo. Lumapit siya nang bahagya at hinawakan ang kamay ko. Mainit ang palad niya. “Kung sakaling subukan kang hanapin ng asawa mo, hindi siya basta-basta makakapasok dito.” Napatingin ako sa kanya. “Ang Xavier’s Estate ay pribado,” paliwanag ni Mr. Lorenzo. “May security sa bawat gate at naka-monitor ang buong paligid. Walang makakapasok nang walang pahintulot at clearance mula sa amin.” Unti-unting gumaan ang dibdib ko. “Hindi ka basta-basta makukuha rito,” dagdag niya. “At hangga’t nandito ka, nasa ilalim ka ng proteksyon ng pamilyang ito.” Hindi ko napigilan ang pag-init ng mga mata ko. Ilang araw pa lang ang nakalipas ay pakiramdam ko ay wala akong kakampi sa mundo. Ngayon… may mga taong handang tumayo para sa akin kahit hindi nila ako kadugo. “Salamat po,” halos pabulong kong sabi. Lumapit si Sunshine at ngumiti. “Don’t worry. Mabait kami dito. Medyo boring nga lang minsan,” biro niya. Bahagya akong natawa. At sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon… ang tawa ko ay hindi pilit. “Magpahinga ka muna,” sabi ni Mrs. Sunny. “Wala kang kailangang patunayan dito. Ang mahalaga ay makabangon ka.” Ngunit habang nakatayo ako sa gitna ng sala ng napakalaking mansyon na ito… habang may mga taong tumitingin sa akin hindi bilang pabigat, kundi bilang taong kailangang protektahanm May maliit na bahagi ng puso ko ang nagsimulang maniwala. Baka… baka kaya ko ngang magsimula ulit. Habang paakyat ako muli ng hagdan matapos ang maikling usapan kasama ang may-ari ng bahay ay bigla kong naramdaman ang pamilyar na pakiramdam. Parang may mga matang nakatingin sa akin. Dahan-dahan akong napalingon sa direksyong pinanggalingan niyon. At sa dulo ng koridor sa itaas… Ay natanaw ko si sir Azra Tahimik. Walang ekspresyon. At muli… nagtagpo ang aming mga mata. At sa pagkakataong ito... Hindi ko maiwasang maalala ang babala ni Mari. Hangga’t maaari, iwasan mo siya. Ngunit bakit sa t'wing ginagawa ko iyon ay mas lalo lang kaming nagtatagpong dalawa? Bumuntong-hininga ako at iniwas ang aking tingin sa kanya. Hanggang sa nakabalik na ako sa kwarto, umupo ako sa kama at maya-maya ay muli iyong bumukas at doon ay pumasok si Mari. At gano'n na lamang ang pagkunot ng aking noo ng mapansin ko ang pagkabusangot ng kanyang mukha. "Anong nangyari?" nagtataka kung tanong, at bumaba ang tingin ko sa papel na nasa kan'yang kamay. Padabog siyang naglakad papalapit sa akin at ibinigay ang papel. "Ano 'to?" muling tanong ko. "Basahin mo. Tch, nakakainis talaga..." muling asik niya at halata sa boses ang pagkapikon. Binuksan ko ang papel, binasa ko ang mga nakasulat doon. At nalaman ko na labing-lima pala lahat ng kasambahay na nandito. Hindi pa kasali doon ang mga boy, hardinero at mga personal driver. Sa papel na ito ay nakasulat lahat ng pangalan at kung saan sila naka-assign. Kaya hinanap ko ang pangalan ko, at gano'n na lamang ang panlalaki ng mata ko ng makita ko kung sino ang pagsisilbihan ko sa bahay na ito. "Hindi ko alam kung pinagtitripan ka ng mayordoma o gusto lang talaga niya na mapahamak ka..." asik ni Mari sa tabi ko. Ako ang ginawang personal na taga-alaga ng gamit niya, kwarto niya at pati na rin ang pagkain niya. "Wala naman sigurong problema? Personal maid lang naman, hindi naman siguro niya ako pap*tayin?" puno ng kyuryusidad kong tanong. "Kahit na, Haliyah. Wag kang masyadong lalapit sa lalaki na 'yan, dahil Hindi mo alam kung akong klaseng utak meron siya. Basta tandaan mo na delikado siyang tao, kaya matapos mo siyang pagsilbihan ay lumayo ka kaagad sa kanya." Wika niya, at nanatiling nakaawang ang bibig ko. "He's weird, nakikita mo naman siguro iyon di 'ba? Mula nang dumating ka dito ay napapansin mo iyon. At sigurado ako na may ideya ka kung ano ang ibig kong sabihin." Dugtong niya at agad na tumayo upang magtungo sa banyo. Naiwan akong nakaupo sa ibabaw ng malambot na kama. Iniisip pa din kung ako ang ibig niyang sabihin. Ngunit mas madali kong malalam ang tungkol doon gayong ako ang magiging personal maid niya. Ako ang mas malapit sa kanya at sa gano'n ay malalam ko kung bakit ganito na lamang ang tingin nila kay sir Azra. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD