HALIYAH ISABELLE’S POV
Kinabukasan, mas maaga akong bumangon kesa sa nakasanayan ko. Kahit kasi antok na antok pa ako ay parang may boses na bumubulong sa aking tainga na bumangon ka.
Dahil na din siguro, ito ang unang araw ko nilang personal maid ni sir Azra.
Habang naglalakad ako sa mahabang pasilyo, napansin ko ang hiwalay na pintuan sa dulo ay nakita ko ang isang maliit na pasukan na may nakasabit parang tag. At nang basahin ko iyon ay napatango-tango ako.
*Azrael’s Kitchen & Supplies*
Nilapitan ko ang kwartong iyon, binuksan ko ang pintuan at agad na pumasok sa loob, dala ang listahan ng mga kailangan niya para sa kwarto niya at ang mga ingredients para sa lulutiin ko ngayon araw.
At habang gumagala ang tingin ko sa paligid ay napapansin ko na masyadong perfect ang pagkakaayos ng bawat supplies.
Malinis at kitang-kita ang bawat kagamitan. Ang bawat utensil ay maayos na nakalagay, walang kahit isang kalat.
Napatingin ako sa mga pinggan at kawali… at sa bawat label na nakasulat sa mga lalagyan ng pagkain.
“Halal,” basa ko sa isang box.
Hindi maitago ang pagkamangha.
“Halal…” muli kong sinambit, parang iniisip ang kahulugan nito.
Sa isip ko, baka Muslim si Sir Azra. Ngunit hindi ko na tinanong ang kahit sino. Hindi ko kailangan. Hindi rin iyon mahalaga sa ngayon.
Ang mahalaga lang… ay gawin ang trabaho ko nang maayos.
Nagsimula akong maglinis, mag-ayos ng mga supplies, at ihanda ang mga pagkain para sa almusal. Ang bawat kilos ko ay dahan-dahan, maingat. Dahil ayokong magkamali sa unang araw na ito.
Habang hinihigop ko ang huling patak ng tubig sa lababo, hindi ko maiwasang mapansin ang katahimikan sa paligid ng kusina.
Walang ibang tao maliban sa akin. Wala ring ibang tunog kundi ang banayad na pag-ikot ng exhaust fan at ang tunog ng tubig sa lababo.
Kaya kahit kaunting ingay lang na ginagawa ko rito sa loob nang kusina ay rinig na rinig ko.
At pakiramdam ko ay may mga matang nakatitig sa akin kahit wala naman akong nakikita.
At habang naghihintay maluto ang niluluto ko ay naglaan ako ng oras para suriin ang mga pinggan at iba pa na gagamitin ko mamaya kapag ihahain na ang pagkain niya.
Sa unang pagkakataon, naramdaman ko ang kakaibang uri ng kontrol at kaayusan sa paligid ko. Para bang ang bawat detalye dito ay may kwento, may pamantayan.
Makalipas ang mahigit isang oras na natapos na akong magluto, inayos ko na ang lahat sa hapagkainan. At sinuguro ko na presentableng tingnan ang mesa.
"Nice..." bulong ko, nang matapos na akong mag-ayos ng lamesa.
Lumabas na ako ng dining area upang magpunta sa kwarto niya at nang maipalaam sa kanya na kakain. Habang papalapit ako nang papalapit ay hindi ko maipaliwanag ang bilis ng t***k ng puso ko at ang pagbigat ng bawat paghakbang ko.
Hanggang sa nakarating na ako sa tapat ng pintuan ng kanyang kwarto. Bumuntong-hininga ako, animo'y nag-iipon ng lakas ng loob.... bago ako muling humakbang ng isang beses. Itinaas ko ang aking kamay at marahan kumatok ng tatlong sunod-sunod.
"Sir Azrael... Nakahanda na po ang breakfast niyo," mahinang sambit ko.
Ngunit tiniyak ko na tama lang ang lakas ng boses ko upang marinig niya ako.
Naghintay ako ng ilang minuto, ngunit wala akong natanggap na sagot mula sa kanya. Kaya muli kong itinaas ang kamay ko at kumatok ulit sa pintuan ng kwarto nito.
"Sir Azra. Naka-ready na po ang breakfast niyo..." pag-ulit ko, tumahimik ulit ako. At wala pa din akong natanggap na sagot.
"Pumasok kaya ako sa loob?" sa isipan ko, ngunit agad na napailing nang maisip ko na baka pagalitan ako.
Bad trip agad ang boss ko kasi sa first day palpak kaagad.
Nanatili pa ako doon ng ilang minuto, hanggang sa nakapagdesisyon akong tumalikod at magtanong sa ibang kasambahay. Dahil baka nakita nila ito.
Nagsimula na akong humakbang papalayo sa kwarto niya, ngunit unti-unting bumagal ang paghakbang ko may mahagip ang aking paningin. Hanggang sa huminto ako sa paghakbang ay itinuon ang tingin sa pinakadulong kwarto sa palapag na ito.
At hindi ko alam kung bakit, ngunit bigla ko na lamang naramdaman ang malakas na pwersang parang humihila sa akin upang lapitan ang kwartong iyon.
"Baka nando'n si Sir Azra..." sa isip ko, kaya humakbang ako papunta doon.
Mahina at puno ng pag-iingat ang bawat hakbang na ginagawa hanggang sa tuluyan na akong nakalapit. At gano'n na lamang ang pagkunot ng aking noo nang mapansin kong bahagyang nakaawang ang pintuan nito.
Marahas akong napalubok, at mula sa laylayan ng suot kong uniform.. ay unti-unti itong gumalaw papalapit sa doorknob. At konting-konti na lang ay maabot ko na iyon.
Ngunit nahinto ang balak ko nang umalingawngaw mula sa aking likuran ang isang malamig at hindi pamilyar na boses.
"What do you think you're doing here?" aniya sa isang mababa at walang buhay na boses.
Para akong na-estatwa sa aking kinatatayuan. At mabilis Ang ginawa kong pagbawi ng aking kamay na kasalukuyang naka-angat sa ere, itinago ko iyon sa ilalim ng suot ko... At kahit kabado ay dahan-dahan akong umikot paharap sa kanya.
Biglang nanlambot ang tuhod ko nang nagtama ang aming mga mata. At animo'y nahigop bigla ang aking paghinga, dahil sa kanyang mga matang nakatingin sa akin nang diretsyo.
"H-Hinahanap ko po kasi kayo, dahil naka-ready na ang breakfast niyo..." kabadong sambit ko, paminsan-minsan ay napapayuko dahil hindi ko matagalan ang pakikipagtitigan sa kanyang mga mata.
Hindi siya kaagad sumagot, ngunit ramdam ko ang matalim niyang titig sa akin. Hanggang sa narinig ko ang malalim niyang paghinga at ang paggalaw ng kanyang binti paatras.
"Is that so?" patanong niyang tugon, ngunit hindi ko alam kung dapat ko ba iyong sagutin o tanguhan lamang.
Nanatili akong nakatayo sa kanyang harapan, ngunit ang tingin ko ay nanatiling nakapako sa sahig. At ramdam ang matinding panginginig ng aking mga kamay na nakapalood sa ilalim ng suot ko.
"You can leave now..." biglang bulalas nito, at doon ay nakahinga ako nang malalim.
"Salamat po," wika ko at kaagad na humakbang at nilagpasan ito.
Pero kahit kasalukuyan na akong naglalakad pababa sa hagdan, pakiramdam ko ay nasa likuran ko pa din siya at pinapanood ako.
"Jusko... nakakatakot pala talaga siya," sa isipan ko at mas lalong binilisan ang paghakbang papalayo sa lugar na iyon.
Papalayo sa kanya.
AZRAEL’S POV
I watched her walk down the stairs, careful with every step, as if the floor itself might betray her.
Her movements…were too cautious.
She's afraid of me.
But it's not the kind of fear I should be worried about. And I couldn’t hide the smirk that tugged at my lips.
She looked cute, at hindi ko maitanggi na natutuwa ako habang pinagmamasdan ang kilos niya habang nakatayo sa harapan ko.
She thinks I’m some monster, but instead of scaring me off… it actually makes me feel… alive. Strange, isn’t it? How can someone’s fear amuse you, even bring a little satisfaction?
Her figure shrinks as she moves further away, but I can still see every slight trembling of her hands, the subtle hesitation in her gait.
Then my gaze flicked to that door she almost entered earlier—her little attempt at privacy.
Slowly, I step closer.
The door seems to call me.
I open it, letting the hinges whisper softly in protest.
Inside… silence. Perfect silence.
I close the door behind me, and for a moment, the room is mine.
I let my eyes roam. The furniture, the shadows, the way the light hits each corner.
“You can see this… but not yet,” I whisper under my breath, almost to the room itself.
Sa ngayon ay kailangan ko munang pigilan ang sarili ko. Dahil ayaw kong mapunta lang sa wala lahat ng pinaghirap ko.
"Not now, when she's finally here... beside me," I mumbled softly, as I stared at the painting and pictures... hanging on every corner and wall of this room.
Everything is going as planned, Habibti...
TO BE CONTINUED....