HALIYAH ISABELLE’S POV
Nang sumapit ang hapon ay magising ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas. Kinusot ko ang aking mga mata at dahan-dahan akong bumangon mula sa kama at lumapit sa pintuan. Bahagya ko iyong binuksan at sumilip sa labas.
Agad kong nakita ang ilang kasambahay na nagmamadaling naglalakad sa pasilyo, may mga dalang tray, tela, at kung anu-ano pa.
Parang may malaking okasyon.
Lumabas ako ng kwarto at sinalubong agad ako ni Mari na mukhang abalang-abala.
“Ay, gising ka na pala,” sabi niya habang hawak ang isang stack ng malilinis na table napkin.
“Ano’ng nangyayari?” tanong ko.
“May small gathering mamaya. Family friends, business partners… mga gano’n,” mabilis niyang sagot. “Kaya busy lahat.”
Tumango ako.
“May maitutulong ba ako?” alok ko.
Ngunit agad siyang umiling.
“Hindi. Ikaw ang personal maid ni Sir Azrael. May sarili kang duties. Hindi ka kasama sa general staff assignments.”
Natigilan ako.
“Pero—”
“Orders ‘yon ng mayordoma,” putol niya. “At malinaw din ang instruction ni Sir Azrael.”
Napatahimik ako roon.
“Magpahinga ka na lang muna,” dagdag ni Mari bago siya tuluyang nagmadaling umalis.
At naiwan akong mag-isa sa gitna ng pasilyo.
Hindi ako sanay sa ganito.
Hindi ako sanay na walang ginagawa habang ang lahat ay abala.
Hindi ako sanay na maging pabigat.
Bumalik ako sa kwarto ko, ngunit hindi ako umupo.
Sa halip, tumayo lang ako sa gitna ng silid, nakatitig sa suot kong uniform na maayos na nakasabit sa likod ng upuan.
Hindi ko matiis.
Hindi ko kayang manatili rito habang ang lahat ay pagod at abala.
Huminga ako nang malalim.
At bago pa ako makapagbago ng isip, kinuha ko ang uniform at isinuot iyon.
Maingat kong inayos ang buhok ko at tinuwid ang laylayan ng damit.
Pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto.
Habang pababa ako ng hagdan, mas lalo kong naramdaman ang pagbabago sa paligid.
Ang dating tahimik na sala ay ngayon ay puno ng galaw.
May mga taong nag-aayos ng mga bulaklak. May naglalagay ng mga dekorasyon. May mga nagdadala ng pagkain papunta sa dining hall.
At sa gitna ng lahat ng iyon ay nakita ko si Mrs. Sunny Lorenzo.
Nakasuot siya ng eleganteng damit, ngunit hindi pa rin nawawala ang malambing niyang aura habang kinakausap ang isa sa mga staff.
Lumapit ako nang may pag-iingat.
“Ma’am…” mahina kong tawag.
Napalingon siya sa akin, at agad siyang ngumiti.
“Haliyah, iha,” malumanay niyang bati. “May kailangan ka ba?”
Bahagya akong napakagat sa labi.
“Gusto ko po sanang tumulong,” sabi ko.
Bahagya siyang natigilan.
“Hindi mo kailangan—”
“Please po,” mabilis kong dugtong. “Hindi ko po kayang manatili lang sa kwarto habang lahat ay abala. Sanay po akong tumutulong. Mas komportable po ako kapag may ginagawa.”
Tahimik niya akong tinitigan.
Walang bahid ng paghusga sa kanyang mga mata.
Sa halip… parang may pag-unawa.
“You’re not obligated, Haliyah,” sabi niya nang malumanay.
“Opo, alam ko po,” sagot ko. “Pero gusto ko po.”
Sandaling katahimikan ang namagitan sa amin.
Hanggang sa tuluyan siyang ngumiti.
“Alright,” sabi niya. “You can help with the dining preparations.”
Bahagyang gumaan ang dibdib ko.
“Salamat po.”
Tumango siya.
“Pero huwag mong pababayaan ang sarili mo. And remember… your priority is still Azrael.”
Bahagya akong natigilan sa pagbanggit ng pangalan niya.
Hindi ko alam kung bakit, pero parang may malamig na hangin na dumaan sa likod ko.
Tumango na lamang ako.
“Opo.”
At nagsimula akong tumulong.
Nag-ayos ako ng mga kubyertos. Maingat kong inayos ang bawat plato at baso, sinisigurong pantay ang pagkakalagay.
Pagkatapos niyon ay bumalik na ako sa kusina para maghanap ng kung ano pa ang puwedeng gawin. At nagtagal iyon ng ilang oras, hanggang sa natapos na kami sa pag-aaayos mula sa labas ng mansyon hanggang dito sa loob.
~~~~~~
Sumabit ang gabi at nagsidatingan na ang iba't-ibang bisita. At Mula sa kusina, rinig ko ang mahihinang tunog ng kanilang pag-uusap. May mga basong nagkakatamaan. May mga mahinang halakhak. May mga boses na mabababa at puno ng awtoridad.
Mga taong sanay sa kapangyarihan.
At kahit hindi ko sila nakikita, ramdam ko ang bigat ng presensya nila.
Tahimik akong gumalaw sa loob ng kusina, nakatuon ang atensyon sa pagkaing inihahanda ko.
Hindi ito para sa mga bisita.. kundi para kay Sir Azrael.
Maingat kong inayos ang bawat detalye. Ang bawat ulam ay inilagay ko sa tamang plato. Walang sablay. Walang labis.
Nang matapos ako, napatingin ako sa tray na nasa harapan ko. Huminga ako nang malalim at lumabas ng kusina, upang hanapin si Tessa, dahil siya ang magdadala ng pagkain ni Sir Azrael sa dining area.
Maya-maya pa ay kita ko siya malapit sa hallway, at mukhang nagmamadali.
“Tessa,” tawag ko.
Napalingon siya agad sa akin.
“Oh, Haliyah..." agarang tugon nito sa akin m
Ngumiti ako at inginuso ang serving tray sa likuran kung saan nakalagay ang nga pagkain.
“Pwede mo bang ihain ito kay Sir Azrael? Nasa dining area siya, di ba?”
Bahagya siyang natigilan, at doon ko napansin ang kakaibang ekspresyon sa mukha niya.
“I’m sorry,” sabi niya habang bahagyang napapangiwi. “Kailangan ko talagang pumunta sa bathroom. Medyo masama ang pakiramdam ng tiyan ko.”
Agad akong tumango.
“Okay lang. Naiintindihan ko.”
At bago pa ako makapagsalita muli, nagmadali na siyang umalis.
At naiwan akong nakatayo roon.
Kasama ang tray.
Huminga ako nang mabagal.
Wala na akong ibang pagpipilian.... Kundi ang ihatid ito dahil masyadong abala ang lahat ay ayaw ko nang dumagdag.
Maingat kong inangat ang tray, at nagsimula akong maglakad papunta sa dining area.
Sa bawat hakbang ko palapit, mas lalo kong naririnig ang mga boses.
Mas lalo kong nararamdaman ang presensya nila.
Hanggang sa tuluyan kong marating ang b****a ng dining hall.
Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko na ang mga lalaking nakasuot ng mamahaling suit, at ang mga babaeng elegante ang postura at pananamit. Halos may edad na ang iba sa kanila.
At sa dulong bahagi ng lamesa ay natanaw ko si sir Azra. Tahimik na nakaupo, ngunit ang presensya niya ay sapat na upang mangibabaw sa lahat ng nasa paligid niya.
Hindi siya nagsasalita.
Ngunit lahat ay tila nakatingin sa kanya.
Parang hinihintay ang bawat galaw niya.
I lowered my gaze and walked inside quietly.
Sinubukan kong maging hindi kapansin-pansin.
Isa lamang akong kasambahay.
Isa lamang akong anino sa lugar na ito.
Maingat kong inilapit ang tray sa pwesto niya.
Ngunit bago ko pa tuluyang mailapag iyon... ay may naramdaman akong kakaiba. Parang may matang nakatutok sa akin.
Hindi ang karaniwang tingin ng mga bisita sa isang kasambahay.
Hindi iyon kaswal. Ito ay… mapanuri.
Tahimik akong tumikhim, at maingat na inilapag ang pagkain sa tapat ni Sir Azra. At nang matapos na ako ay umatras ako ng isang beses, at bago tuloyang umalis ay dahan-dahan akong napalingon sa kaliwang banda ko. At nagsalubong ang tingin naming ng may edad na lalaki, at napansin iyon ng ibang nakapaligid sa kanya.
Diretsyo ang tingin sa akin at mukhang sinusubukan akong kilalanin. Sunod-sunod akong napalunok, akmang hahakbang na papalayo nang bigla niyong maabutan ang papulsuhan ko.
Mahigpit niya akong hinawakan doon dahilan upang mapabalik ako sa dati kong pwesto.
"I know you..." biglang bulalas nito na siyang ikinakunot ng aking noo.
Paanong kilala niya ako?
Nakuha ng aksyon niyang iyon ang atensyon ng iba. At ngayon halos silang lahat ay nakatutok na sa akin, at mas lalo akong kinabahan.
"Kilala kita. Isa ka sa nai-table namin noon sa isang bar..." dugtong niya, at tuluyan akong natigilan. "Hindi ko makakalimutan ang mukha mo..."
TO BE CONTINUED....