HALIYAH ISABELLE'S POV
Nanigas ang buong katawan ko habang mahigpit pa rin ang hawak niya sa aking pulsuhan. Ramdam ko ang lamig ng kanyang mga daliri, ngunit mas malamig ang takot na unti-unting gumagapang sa loob ko.
Pinilit kong hilahin nang marahan ang kamay ko. Ngunit lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.
“I know you…” ulit niya, mas mariin ngayon.
Pinilit kong ngumiti.
“I’m sorry, sir,” mahina kong tugon. “Baka nagkakamali po kayo.”
Sinadya kong gawing kalmado ang boses ko. Sinadya kong magmukhang hindi ako apektado.
Ngunit sa loob ko, nanginginig ako.
Hindi ko alam kung ano ang susunod sa sasabihin niya. Natatakot ako na nahihiya dahil hindi alam ng mga amo ko ang tungkol sa dati kong trabaho.
Bigla siyang napalingon sa lalaking katabi niya.
Isang may edad ding lalaki, may maputing buhok at matalim na mga mata.
“Right, Guillermo?” tawag niya, hindi inaalis ang hawak sa akin. “It was her. Do you remember it?”
Parang mas lalong bumigat ang hangin sa paligid ko.
Lahat sila ay nakatingin na ngayon.
Dahan-dahang itinaas ni Guillermo ang tingin niya sa akin.
Sinuri niya ang mukha ko.
Ang mga mata ko.
Parang hinahanap ang kumpirmasyon sa alaala niya.
At pagkatapos ng ilang segundo ay tumango ito.
“Yes…” mababa niyang sagot. “It’s her.”
Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa ulo ko.
Kahit ang mga babae sa tabi nila... na ang alam ko ay kanilang mga asawa, ngayon ay napatingin na rin sa akin, may halong pagtataka at tahimik na paghusga.
Hindi ko alam kung saan ako titingin.
Hindi ko alam kung paano ako gagalaw.
Hindi ko alam kung paano ako makakawala sa kahihiyan na kinaroroonan ko ngayon.
Pinilit kong hilahin muli ang kamay ko.
“S-Sir…” mahina kong sambit, halos pabulong. “Kailangan ko na pong bumalik sa kusina.”
Ngunit hindi pa rin siya bumitaw.
Sa halip, mas lalo pa siyang ngumiti.
Isang ngiting hindi umaabot sa kanyang mga mata.
Isang ngiting nagdulot ng matinding kaba sa dibdib ko.
“You were different then,” sabi niya, halos parang kinakausap ang sarili niya. “But I never forget a face like yours.”
Hindi ko na mapigilan ang panginginig ng mga daliri ko.
Hindi dahil sa sakit ng hawak niya.
Kundi dahil sa alaala na pilit kong ibinaon sa limot…
Na tila unti-unti nilang hinuhukay palabas.
At sa unang pagkakataon simula nang dumating ako sa mansyon na ito... ay naramdaman ko ulit ang pakiramdam na iyon.
Ang pakiramdam ng pagiging walang kalaban-laban.
Hindi ko na marinig ang ibang usapan sa paligid. Tanging ang malakas na t***k ng puso ko ang umaalingawngaw sa tenga ko, kasabay ng mahigpit niyang hawak na parang tanikala sa aking pulsuhan.
Hindi ko na kayang magpanggap.
Hindi ko na kayang itanggi sa sarili ko na kilala niya ako.
"Let go, Huang..." boses iyon ni Sir Eduardo.
Nakaupo siya sa hindi kalayuan, tuwid ang tindig, ang mga mata niya ay nakatutok sa kamay ng matandang nakakapit pa rin sa akin.
“Mr. Huang,” kalmado niyang sabi, ngunit may babala sa tono. “You know the rules in this house.”
Tahimik ang buong sala.
Ramdam ko ang pag-igting ng hangin.
Hindi agad sumagot ang matanda. Sa halip, lalo niya akong tinitigan, na parang sinusubukang kumpirmahin kung totoo ba ang nakikita niya.
“I was just surprised,” depensa niya. “I didn’t expect to see her here.”
“Still,” mariing sagot ni Sir Eduardo. “You shouldn't just touch anyone just because you're curious.."
Hindi ko alam kung bakit, pero sa mga salitang iyon, may kung anong kumirot sa dibdib ko.
Bahagyang lumuwag ang hawak ng matanda, ngunit hindi pa rin siya tuluyang bumibitaw.
Hanggang sa may isa pang boses ang sumingit.
“Let go of her."
Mabilis akong bumaling sa pinanggalingan ng boses at sumalubong sa akin ang nag-aalalang tingin mi Havoc.
Ang lalaking anak ng mag-asawang Lorenzo.
Nakatayo ito sa tabi ng kanyang ama, ang panga niya ay biglang umigting ng inilipat niya ang kanyang tingin sa matanda.
“Please respect the people in this household,” dagdag niya. Magalang ang mga salita, ngunit hindi maitago ang babala sa likod nito.
Ilang segundo ang lumipas.
Mahahabang segundo na parang hindi matatapos.
Hanggang sa tuluyan nang bumitaw ang matanda.
Bigla akong nakahinga.
Parang ngayon lang bumalik ang hangin sa baga ko.
“I didn’t mean any harm,” sabi niya, bahagyang itinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko. “I was only… remembering.”
Ngunit hindi na ako nakinig.
Hindi ko na kaya.
Dali-dali akong umatras, ang kamay ko ay agad kong dinala sa dibdib ko, parang pinipigilan ang puso kong tumakas palabas.
“I’m sorry… excuse me,” mahina kong sabi, kahit hindi ko alam kung kanino ako humihingi ng paumanhin.
At pagkatapos noon... ay umatras ako nang dalawang beses at nang makalayo-layo na ako sa kanila ay tumakbo ako.
Narinig ko ang mahihinang yabag ng sapatos ko sa marmol na sahig, ang tunog nito ay parang sigaw ng kahihiyan sa sarili kong tenga.
Pero nakakadismaya lang dahil parang totoo nga ang sinasabi nina Mari, wala siyang pakialam sa kahit na sino.
Si Havoc at Sir Eduardo..
Sila ang nagtanggol sa akin.
Sila ang nagsalita para sa akin.
Mas masakit pa iyon kaysa sa mga matang mapanghusga na nakatitig sa akin.
Bakit ako umaasa?
Bakit ko inaasahan na may gagawin siya para sa akin?
Ano ba ako sa kanya?
Wala....
Isa lang akong empleyado.
Isa lang akong taong may maduming nakaraan.
Isang taong hindi dapat napapabilang sa mundo nila.
Huminto lang ako nang marating ko ang dulo ng pasilyo. Nanginginig ang mga kamay ko habang pinipilit kong kontrolin ang paghinga ko.
Nakakahiya.
Nakakahiya.
Nakakahiya.
Iyon lang ang paulit-ulit na sumisigaw sa isip ko.
At sa dami ng taong pwede kong maisip, ay naiinis ako dahil umaasa ako na siya ang taong magtatanggol sa akin, pero hindi.
Tumigil ako sa pagtakbo, at hindi ko alam kung bakit... basta napagtanto ko na lamang na dahan-dahan akong lumingon sa likuran.
At nakita ko siya. Nakatayo na ito... animo'y tahimik at walang pakialam, ngunit pansin ko na ang kanyang mga mata ay nakatutok sa direksyon na kinaroroonan ko ngayon.
Hindi ko alam kung nakikita niya ba ako. Wala akong ideya.At maya-maya pa ay nakita ko ang malmtalim na pag-igting ng kanyang panga.
~~~~
AZRAEL'S POV
Huminto ako sa gilid ng malawak na veranda, ang mga mata ko ay nakatutok sa dilim ng hardin. Naririnig ko pa rin sa isip ko ang boses ng matandang iyon. Ang takot sa mga mata niya. Ang panginginig ng katawan niya.
Haliyah.
Mariin kong pinisil ang panga ko.
I shouldn’t have reacted like that... I should've have shown any signs of weaknesses.
Hindi sa harap nila.
Hindi sa harap ng mga taong matagal nang naghihintay ng kahit anong kahinaan mula sa akin. Pero hindi ko napigilan ang sarili ko.
Tinanaw ko ang madilim na kalangitan, sobrang tahimik ng paligid ko hanggang sa narinig ko ang sunod-sunod na yabag ng sapatos at papalapit iyon sa kinaroroonan ko.
It's Havoc, of course.
Tumigil siya sa likod ko, ilang hakbang lang ang layo.
“You didn’t do anything," aniya.
Hindi ako sumagot.
Hinayaan kong lamunin ng katahimikan ang pagitan namin.
“You told us,” dugtong niya, mas malamig na ngayon ang boses, “That she works for you. That she’s your personal maid. That she’s your responsibility.”
Responsibility.
The word tasted foreign.
“And yet,” patuloy niya, “you just sat there and watched it!"
Slowly, I turned my head.
Sinalubong ko ang tingin niya.
At ibinigay ko sa kanya ang titig na matagal nang kinatatakutan ng marami.
Tumigil siya sa pagsasalita.
Good... I let out a deep breath and slowly, I turned my back on him again.
This conversation was over. I stared walking... ngunit hindi pa man ako tuluyang nakalayo ay bigla itong nagsalita.
“Then I’ll take her.”
Natigilan ako.
“If you’re not going to do what you said,” dagdag ni Havoc, mas mariin, mas personal, “then I’ll make her my responsibility from now on.”
Something inside me snapped.
Dahan-dahan akong lumingon, paharap sa kanya. Bawat galaw ko ay kalkulada hanggang sa tuluyang nagtama ang aming mga mata.
Hilaw akong ngumisi, at nagsimulang humakbang papalapit sa kanya.
Every step was deliberate.
Ramdam ko ang pag-igting ng hangin sa pagitan naming dalawa.
Hanggang sa tuluyan akong huminto sa harap niya.
He didn’t move.
He didn’t look away.
Umangat ang kamay ko at mabilis niyong maabutan ang kwelyo ng suot niyang damit. I held it tightly, and I could feel my fist trembling, and I could no longer hold that sinister grin on my lips.
Inilapit ko ang mukha ko sa kanya, sapat para marinig niya ang bawat salita ko.
“She’s mine...." mahina ngunit mariin kong pagkakasabi.
“F*ck off...." I added.
Nanigas ang panga niya. Tumiim ang bagang ko at saka malakas na binitawan ang pagkakahawak sa kanyang kwelyo at napa-atras ito.
Hindi na ako nagsalita pa.
Tumalikod ako.
At naglakad palayo.
I walked down the steps, the night air brushing against my face, indifferent to the storm inside me. Every step was deliberate, but it did nothing to quiet the rage simmering beneath the surface.
They thought I did nothing. They thought I let it happen.
F*ols.
My mind replayed it, her trembling hand, the forced composure on her face, the way that old man dared to touch her like she was nothing more than a display. I stood there, silent, and calm. But calm was a mask. Restraint was a weapon I had wielded better than most.
The truth? I had wanted to tear that man apart. I wanted to sh0ot him right there. To make him pay.
I exhaled slowly, keeping my composure.
Kung hindi lang dahil sa respeto na meron ako kay Uncle Lorenzo at Auntie Sunny, ay baka pinaglalamayan na ang lalaking iyon.
I could have just ended it in a heartbeat. And I'm sure that Uncle would understand me. Just one pull of the trigg*r, one snap of my fingers, and the humiliation would have been gone.
But I didn’t.
She wasn’t theirs... to protect.
I clenched my fists. The thought of Havoc stepping in, after Uncle Eduardo speaks for her … it didn’t anger me. Not in the way it should. It made me coldly aware of boundaries I didn’t care to respect.
And next time... I wouldn’t stand idly by.
I tilted my head toward the dark horizon, letting the night swallow me, my expression unreadable, my intentions lethal.
Because she didn’t deserve the world’s pity.
She deserved my protection. My ownership.
TO BE CONTINUED....