Chapter 11

1830 Words
HALIYAH ISABELLE'S POV "H'wag mo nang isipin ang nangyari kagabi, Haliyah..." pag-aalo sa akin ni Mari. Kasalukuyan akong nasa kusina nang pinuntahan niya ako. Abala ako sa pagluluto ng pagkain ni sir Azra, at sa likuran niya ay tahimik na nakasunod si Tessa. "Kasalanan ko din naman kasi 'yun..." bilang sambit nito, "Kung sana ay ako ang nag-serve ng pagkain ni sir Azra ay hindi iyon mangyayari.." usal nito, at bakas ang pagsisisi sa kanyang tono. Dahan-dahan kong ibinaba ang kutsilyong hawak ko. Mula sa stove at naglakad ako papalapit sa kanya. "Ano ba ang sinasabi mo Tessa, wala kang kasalanan. Mali ko lang talaga ay nagpumilit pa akong magtungo roon kahit sinabi na sa akin na hindi pwede..." paliwanag ko, sinabi ko iyon upang gumaan ang loob niya. Dahil ramdam ko talaga na nagsisisi siya. Napayuko si Tessa, mariing kinagat ang ibabang labi niya. Halata ang bigat ng dinadala niya, ang guilt na pilit niyang inaako kahit hindi naman dapat. “Pero kung ako—” Mahina akong napailing at marahang hinawakan ang braso niya. “Tessa,” mahinahon kong putol, “Hindi mo kontrolado ang mga desisyon ko. Pinili kong pumunta roon. Pinili kong magpumilit. Kaya h'wag mo ng sisisihin ang sarili mo kasi wala ka naman talagang kasalanan..." Unti-unti siyang napatingin sa akin. Namumula ang gilid ng kanyang mga mata, ngunit hindi na iyon dahil sa matinding lungkot... kundi dahil sa emosyon na unti-unting gumagaan. “Sigurado ka… hindi ka galit sa akin?” mahina niyang tanong. Ngumiti ako. Isang tumayo at sinserong ngiti. “Bakit ako magagalit? Ikaw nga itong nag-aalala sa akin," balik ko sa kanya. Saglit siyang natahimik, bago tuluyang napangiti. Maliit lamang iyon, ngunit sapat para mawala ang tensyon sa pagitan namin. “Ang drama n’yo,” biglang singit ni Mari sa tabi namin, nakapamewang pa. “Akala mo naman may teleserye dito sa kusina.” Napalingon kami sa kanya, at sabay kaming napatawa ni Tessa. “Kasalanan mo din kasi, Mari,” sagot ko, kunwaring seryoso. “Kung hindi mo kami tinuruan maging dramatic--" “Hoy!” napatawa niyang protesta. At sa sandaling iyon, nakalimutan ko. Kahit sandali lang. Nakalimutan ko ang kahapon. Ngunit hindi iyon nagtagal. Unti-unting naputol ang tawanan namin nang marinig namin ang mabibigat na yabag na papalapit sa kusina. Agad na nagkatinginan sina Mari at Tessa. Hindi na kailangan ng salita para maintindihan nila. “Nandito na siya,” mahina ni Mari. Tinapik niya ang balikat ko, "Alis na kami Haliyah, ikaw na bahala rito." Ngumiti si Tessa sa akin, mas magaan na ang ekspresyon kaysa kanina. “Thank you, Haliyah.” Tumango lang ako. At pagkatapos noon, tahimik silang lumabas ng kusina. Naiwan akong mag-isa. Ang kaninang mainit at magaan na pakiramdam ay unti-unting napalitan ng pamilyar na lamig. Ilang minuto ang lumipas bago siya tuluyang pumasok. Si Sir Azra, at gaya ng nakakasanayan ay tahimik ito at halatang walang pakialam. Hindi man lang siya tumingin sa direksyon ko. Diretso siyang naglakad patungo sa maliit na dining area, ang bawat hakbang niya ay kontrolado, mabigat, at puno ng presensya. Para bang ang buong mundo ay kusang tumatahimik para bigyan siya ng daan. Agad akong kumilos. Kinuha ko ang mga nakahandang pagkain at isa-isang inilapag sa mesa sa harapan niya. Hindi ako nagsalita. Tanging ang mahihinang tunog ng pinggan at kubyertos ang pumuno sa pagitan namin. At kahit hindi siya tumitingin sa akin... Hindi ko maiwasang maramdaman na napapansin niya ang lahat. Tahimik lang akong bumalik sa kusina matapos kong maihain ang lahat ng kailangan niya. Kinuha ko ang mga ginamit kong kagamitan at dinala iyon sa lababo. Isa-isa ko iyong binasa, pinahiran ng sabon, at hinayaang tangayin ng tubig ang mga bakas ng grasa. Pinilit kong ituon ang buong atensyon ko sa paghuhugas.. Dahil mas madali iyong gawin kesa harapin siya habang mabigat at dibdib ko. Tahimik ang buong kusina. Tanging ang tunog ng umaagos na tubig at ang mahinang kalansing ng plato ang naririnig ko. Ngunit naglaho din ang katahimikang iyon nang bigla iyong nagsalita. “You should just follow the instructions given to you next time," wika niya sa mababa at walang ganang tono. Nanigas ang mga kamay ko. Hindi ko agad naintindihan kung nagsalita ba talaga siya, o guni-guni ko lang. Ngunit narinig ko ulit ang mahinang tunog ng kubyertos mula sa dining area. “To avoid making such a drama..." dugtong niya sa kanyang naunang sinabi. Hindi malakas ang kanyang pagkakasabi. Ngunit, sapat na ang lamig sa tono niya para maramdaman ko ang bawat salita na parang k*tsilyong dahan-dahang bumabaon sa dibdib ko. Pinaparamdam niya sa akin na kasalanan ko talaga ang nangyari kagabi. Pinapamukha niya na ako ang gumawa ng dahilan para sa sarili kong kahihiyan. Sunod-sunod akong napalunok, at ramdam ko ang paghigpit ng hawak ko sa plato na aking hinuhugasan. Pakiramdam ko ay mawawala ang lakas ng mga daliri ko anumang sandali. Gusto kong magsalita. Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko. Gusto kong sabihin na hindi ko ginusto iyon. Na hindi ko sinadya. Na natakot ako. Ngunit kahit isang salita ay walang lumabas sa bibig ko. Dahil siguro iniisip ko na Wala din naman siyang pakialam, kaya bakit pa ako magsasalita? bakit pa ako magpapaliwanag? Dahan-dahan kong ibinaba ang plato at pinunasan ang basa kong mga kamay sa apron ko bago ako bahagyang lumingon sa direksyon niya. "I-I'm s-sorry, Sir..." nakapikit ang mga matang sambit ko, animo'y nilunok ko ang pride ko para masabi ko lang iyon. Ngunit ng iminulat ko ang mga mata ko ay hindi ito nakatingin sa akin. Patuloy lang siyang kumakain, parang wala siyang sinabi. Parang wala siyang sinaktan. “Your sorry won’t fix what’s happened already,” marahang sambit ni Sir Azra matapos niyang tapusin ang pagkain. “The dinner was ruined, and Uncle Eduardo was furious… embarrassed at the same time.” Dahan-dahan niyang itinataas ang tingin niya, at napatingin ako sa kanya. Nagkatitigan kami. At sa unang pagkakataon, ramdam ko ang halo ng kahihiyan at init ng inis na bumabalot sa akin, dala ng lahat ng nangyari kagabi at ng matinding presensya niya ngayon. Ngunit hindi lang iyon, may kakaibang tensyon na bumabalot sa paligid namin, parang bawat galaw niya ay sinusukat ko at bawat galaw ko ay sinusubaybayan niya. Dahan-dahang tumayo si Sir Azra, parehong kamay nakapalood sa bulsa ng pantalon niya, at lumapit sa akin. Ako’y nanatili sa kinaroroonan ko, nakatingala sa kanya, mas matangkad siya ng ilang dangkal. Nakayuko rin siya sa akin, at mas matalim na ngayon ang mga matang nakatutok sa akin, animo'y maging ang aking kalukuwa ay kanya na ring nakikita. “Not because your employer is kind,” dagdag niya, ang boses niya mababa, ngunit malinaw at may halong amused smirk sa labi, “does it mean you’re going to do what you want to do. We have rules to follow… and it wasn’t our fault that you got humiliated.” Para akong nilamon ng init, at hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Biglang nabuhay ang matinding galit sa loob ko, namalayan ko na lamang ang unti-unting pag-angat ng kamay ko. At walang sabi-sabing malakas iyong isinampal sa kanya. Natigilan siya, bahagyang napaling ang ulo sa ibang direksyon... at makalipas ang ilang segundo ay dahan-dahan iyong gumalaw... at muling nakaharap sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. Wala akong sinabing kahit ano at basta na lamang humakbang at nilampasan siya. Pabilis ang mga hakbang ko, humihinga nang mabigat, at pinipigilan ang sarili na umiyak. Ang puso ko ay tumitibok nang mabilis, bawat t***k ay paalala ng kahihiyan, ng lakas ng damdaming nag-aalab sa loob ko. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ulit, ngunit isang bagay ang malinaw, hindi ko papayagang ulitin ang eksenang iyon. At hindi ko siya hahayaan na muli akong pagsalitaan ng gano'n. ~~~~~~ AZRAEL’S POV I watched her go. Every hurried step, every tense movement, every shallow breath she tried to disguise... it was all mine to observe. The moment the door clicked shut behind her, I let my tongue slip inside my mouth and poke my left cheek, right where her palm had landed. A slow, deliberate push from the inside, and I felt the memory of her slap linger on my skin. Unti-unting gumuhit ang ngisi sa sulok ng aking labi. Hindi na maitago ang tuwa habang sinusundan siya ng tingin. "I'm enjoying this..." bulong ko sa sarili habang hawak-hawak ang aking panga. I chuckled, letting the sound fill the empty kitchen. A laugh that would have sounded insane to anyone else. Crazy. Dangerous. But to me, it was exhilarating. Her audacity. Her fire. The way she dared to hit me... even if it was just a light slap, it thrilled me. Most would cower, most would beg forgiveness. But not her. Walang pag-aalinlangan niya akong sinampal, bagay na hindi kailanman basta-bastang ginawa ng ibang tao sa akin. And it made me even more interested in her. She's different, she's the type of girl who could dance with my cr*zyness, a woman who could make me down on my knees. "F*ck, Haliyah...." I murmured. I let the chuckle linger, tilting my head slightly, letting the corners of my lips curl into that smirk again. Now, my hands are back in my pockets, my posture is relaxed… She had no idea. No idea how much that little act of her made my bl*od run hotter. I would savor it. Every memory of that slap. Every flicker of fire in her eyes. A low murmur escaped my lips, almost a whisper, almost for no one but me. “You have no idea… Haliyah.” I smirked. “You have no idea what I… could do for you.” The words were dangerous. Heavy. And dlfilled with promises that weren’t gentle. “I could k*ll for you…” I murmured again, letting it linger in the cold air. “…and I would celebrate every harsh word you throw at me. Every ins*lts, every slap… I’d worship it. I’d worship you more for it.” I let out a low, amused chuckle, one that sounded almost insane to anyone who might have overheard it. And in that moment, with her face burned into my memory and the lingering warmth of her touch still on my cheek, I knew she had no idea how dangerous, how consuming, how… mine she really was. I pressed a finger to the spot she’d struck, almost reverently, and whispered one final thought to the empty kitchen. "I might have asked you for more slapping, Haliyah...." muling bulong ko sa kawalan. I ran my fingers through my hair and couldn't stop myself from laughing. Everything was driving me insane... I want more of it. I want her hatred towards me, the annoyance and that glare she gave me earlier. Basta... wala kang pakialam kahit na bugbugin niya pa ako at sampalin ng ilang beses. I'm willing to taste some bl*ods on my mouth, if she's going to hit me again. "Nabab*liw na yata talaga ako...." TO BE CONTINUED.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD