HALIYAH ISABELLE’S POV Naramdaman ko ang mainit na sinag ng araw ang tumama sa aking mukha. Bahagya akong napakunot ng noo habang dahan-dahan akong gumalaw sa kama. Mabigat pa ang talukap ng mga mata ko, parang ayaw pa nitong bumukas matapos ang mahimbing na tulog. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. At agad akong natigilan nang mapagtanto kong kisame ng kwarto ko ang unang bumungad sa akin. Napakurap ako. Sandali akong nanatiling nakahiga habang sinusubukang iproseso ang nakita ko. Nasa… kwarto ba ako ng quarters namin ni Mari? Bahagya akong bumangon, sumandal sa headboard ng kama habang pinagmamasdan ang paligid. At tuluyan kong nakumpirma ang aking hinala. Ang maliit na mesa sa gilid, ang aparador, at ang simpleng kurtina sa bintana...lahat iyon ay pamilyar sa akin. Ngun

