AZRAEL'S POV Ang hangin sa labas ng malaking mansyon ay malamig, ngunit sa loob ng silid na kinaroroonan namin ay tila mas mabigat ang atmospera. Nakatayo ako sa harap ng mahabang bintana, nakatanaw sa malawak na lupain na pagmamay-ari ng pamilya namin. Ang lupain na matagal nang pinamumunuan ng isang pangalan na kinatatakutan ng marami. Sa likod ko ay naroon ang lalaking iyon. Ang aking ama. Nakaupo siya sa malaking upuang yari sa kahoy, ang mga daliri niya ay magkakabit habang tahimik akong pinagmamasdan. Hindi ko na kailangang lumingon upang maramdaman ang bigat ng tingin niya sa akin. “Enough games, Azrael,” sa wakas ay sabi niya. Mababa ang boses niya, ngunit sapat iyon upang maramdaman ang awtoridad sa bawat salita. “You’ve been gone long enough.” Dahan-dahan akong bumunto

