Chapter 24

2023 Words
"Bakit mo naman nasabing 'wag kitang iiwan? Hindi naman mangyayari 'yun." saad niya sa'kin, bumitaw siya sa yakap ko at hinarap ako. Hindi ko magawang tumitig sakanya kaya paiwas-iwas ako ng tingin. "Wala." mahina kong sagot. Bumuntong-hininga siya at hinawakan ang mukha ko. "Ba't ka umiiyak?" tanong niya, napansin niya ata ang mga luha ko nang hawakan niya ang mukha ko. "Uh, inaantok na kasi ako. Gusto ko nang magpahinga." saad ko na lang. Hindi pa rin ako mapakali, malapit lang siya sa'kin at nakatingin sa mga mata ko habang ako ay pilit na iniiwasan ang mga tingin niya dahil ayaw kong makita ang mga susunod na mangyayari. Bumuntong-hininga ulit siya at tinapik ako sa balikat. "Sige." saad niya. Naglakad na ako pabalik sa loob ng bahay. "Raven, kung may nagawa o nasabi man akong hindi mo nagustuhan, sorry." saad niya sa'kin kaya napatigil ako sa paglalakad. Umiling lang ako habang nakatalikod sakanya. "Wala kang ginawang masama, Isagani." tangi kong sagot at tuluyan nang umalis papunta sa kwarto ko. Buong gabi kong iniisip ang nangyari kanina. Ayaw ko ring paniwalaan ang naramdaman ko dahil hindi ko naman tuluyang nakita ang vision ng kamatayan niya. Pero, dahil lang 'yun sa pag-iwas ko sa mga mata niya. Hindi tuloy ako mapakali. Kinabukasan ay kwinento ko kay Violet ang mga nalaman ko, pati 'yung nararamdaman kong takot at lungkot. Napasinghap si Violet. Naniniwala na siya sa'kin dahil sa mga nakwento ko sakanya, simula n'ong nangyari kay Lila hanggang ngayon kay Mang Roel. At kahit naman ay n'ong una ko pa lang na sabi sakanya, alam kong naniniwala na siya. "Pero, Raven heto ah. May nararamdaman ka na ba para kay Isagani?" diretso niyang tanong sa'kin, nag-uusap kami through phone call. Lumakas ang kabog ng dibdib ko bigla. Hala, nagpapalpitate ba ako? "Uh, syempre natatakot ako at saka nalulungkot." utal kong sagot. "Tsk. Wala ka naman sa ayos kausap." saad niya. Wow ha, akala ba niya madala para sa'kin 'to? "Ang ibig ko kasing sabihin, may gusto ka na ba kay Isagani?" tanong niya. Napasinghap naman ako. "Uh, hindi ko alam? Alam mo namang hindi ako maalam sa mga gan'yang bagay, Violet." saad ko. "Hay, nako Raven." pagreact niya sa sinabi ko. "Halata namang gusto mo siya." saad niya sa'kin. G-gusto ko siya? Kailan pa? At paano? "Huh, pa'no mo naman nasabi?" tanong ko, I admit medyo kinakabahan ako. Para kasing ewan ang mga sinasabi nitong si Violet. "Duh. The way you look at him, the way you smile whenever you see him, and the way you tell me everything about him, oh ano? Deny deny ka pa d'yan." saad niya na parang sobrang halata 'yung kwinekwento niya. Bumuntong-hininga ako. Gan'on ba 'yung ibig sabihin n'on? "Yun 'yon? Gan'on 'yung feels ng magkagusto?" tanong ko pa. Tumawa siya. "Ano ba 'yan, Raven. Para ka namang pinanganak lang kahapon. Sobra ka bang bitter dati kaya hindi mo alam pa'no ma-in love?" saad niya sa'kin na mas ikinagulo ng utak ko. Anong in love ang sinasabi niya? Kanina lang ang pinag-uusapan namin ay about gusto, ta's ngayon in love na? Hindi naman 'yun same ah. "Oh ba't naman napunta sa in love!?" saad ko. Narinig ko naman ang pagreact ni Violet, mukhang nahihirapan na siyang magpaliwanag sa'kin. Dahil nakikinita kong ginugulo na niya ang buhok niya, haha! "In love ka na, Raven. Naguguluhan ka lang kasi hindi mo pa alam kung anong pakiramdam at hindi mo pa inaamin sa sarili mo. The end." pagconclude niya. Kumunot ang noo ko. "In love!? Totoo ba?" mahina kong saad. Never sumagi sa isip ko ang gan'yang bagay sa totoo lang. Hindi ko naman kasi ineexpect 'yun. I mean, yeah siguro naniniwala ako sa love. Pero hindi ako 'yung tipo ng tao na umaasa r'on. I've never dated anyone since birth. Wala pang nagcoconfess sa'kin in person, pero palaging sinasabi nila Violet na may mga nagkakainteres na kausapin o ligawan ako kaso natatakot daw sila na ma-reject, or sa'kin mismo. I always think na pinagtitripan lang ako ng mga kaibigan ko. Masyado rin akong tutok sa studies kaya siguro hindi ko 'yun napagtuunan ng pansin o sumagi man lang sa isip ko. And I always thought na it's either na destruction 'yun or mawawala lang din 'yun kapag tumagal. So, hindi ko talaga alam 'yung mga pinagsasabi sa'kin ni Violet. At hindi ko rin alam kung maniniwala ako o hindi. 'Yung mga sinabi niya, mas lalo lang nagpagulo sa isip ko. Bumuntong-hininga ako. "Ikaw ba, Violet. Naranasan mo nang ma-in love?" tanong ko. Alam kong nagkukwento siya pa-minsan minsan ng mga nakakadate niya noon pero wala namang tumatagal. Sa pagkakaalam ko rin, wala pa siyang nasasabi sa'kin na na-in love siya. Tumahimik siya. "Huy." tawag ko sakanya. Dahil parang nawalan ako bigla ng kausap. "Oo." sagot niya, napasinghap ako. "Sino? Aba, ba't 'di mo nakwento 'to!?" saad ko. "Sa panaginip ko, hehe." saad niya. Bumagsak ang balikat ko, akala ko totoo na. "Yung seryoso kasi?" saad ko. "Oo nga, ang kulit." saad niya. Siguro hindi pa siya ready na sabihin kung sino kaya hindi ko na lang muna tatanungin. "Okay, anong feeling?" tanong ko. "Masaya?" una niyang saad. Napairap naman ako. "Anong nararamdaman mo sa tuwing kasama mo siya?" tanong ko. "Uh, bumibilis 'yung t***k ng puso ko." saad niya. Hindi ako nakailag sa sinabi niya. "Ano pa?" tanong ko pa ulit. "Parang bumibilis ang takbo ng oras kapag kasama ko siya. Gusto ko, palagi ko siyang nakikita o nakakasama. Hindi ko rin mapigilang ngumiti kapag malapit siya sa'kin. M-mga gan'on." paliwanag niya at halata sa pagkukwento niya na in love nga siya. Ba't gan'on, parang natamaan ako. Ilang sandali kaming nanahimik. "Mas lalo tuloy akong nacucurious kung sino 'yung taong nagugustuhan mo." komento ko na lang, para ma-change ang topic sakanya. "Sus, style mo bulok. Ikaw ang pinag-uusapan dito, Raven." saad naman niya, napakamot na lang ako. "Pero seryoso, sino ba? Nacucurious ako, malala." saad ko. "Hmm, secret. Alam kong mapanghusga ka kaya hindi ko na muna ipapaalam sa'yo, hmp. Saka, hindi mo rin naman ako maiintindihan." seryoso niyang saad sa huli. Medyo nasaktan ako, ngayon pa bang kami lang ang nagsasabihan ng weird na mga nangyayari sa'mi ah? Pero sige, sa tingin ko nga ay wala talaga siyang balak na sabihin sa'kin. Bahala siya, mamaya ay baka iiyak iyak na naman siya sa'kin. "So, tama ako 'di ba. Naranasan mo na lahat ng 'yun kay Isagani. Haha, ano naman pinakafavorite mong moment kasama siya?" asar niya sa'kin at mabilis na nabalik ang topic, aba. Bumuntong-hininga ako. Sa tuwing nag-uusap kami at sa tuwing inaaya niya akong sumayaw with earphones pa, haha. Napangiti ako. Pero syempre, hindi ko sinabi 'yan sakanya. "Ewan ko sa'yo, Violet." saad ko sakanya at agad na binababaan ang tawag. Tiyak kong maiinis siya sa ginawa ko, haha. At least, nakatakas na ako sa mga pang-aasar niya. Hindi ko na lang muna siguro iisipin 'yun, bahala na. Tumawag ulit si Violet, sinagot ko naman. "Bastos, Raven. Binabaan mo pa ako ha." saad niya, tumawa ako. "Oh ano pa ba pag-uusapan natin? Halata namang ayaw ko nang pag-usapan muna 'yun eh." diretso kong saad. Bumuntong-hininga siya. "Yung nakwento mo, sabi mo may nakita ka rin sa mga mata ni Isagani na something sa start ng visions mo." saad niya. Tahimik lang akong nakikinig. "Ibig sabihin..." tuloy niya. Nanahimik kami. "Violet, hindi ko kaya." bigla kong saad. "Hindi ko kayang tingnan ang mga mata niya 'di kagaya noon." tuloy ko. "Hindi ko kayang mawala siya." Nang mga sumunod na araw ay hindi ko pinahalata ang pagkailang ko kay Isagani. Pero hindi na tulad noon na sobrang lapit namin sa isa't-isa. Madalas pa rin naman kaming nagkukwentuhan at nag-aasaran, pero hindi na ako tumitingin sa mga mata niya. "Alam mo bang hindi mo matatakasan ang tadhanang iyon?" biglang saad ni Elise sa'kin. "Tandaan mo, Raven. 'Yung misyon mo." diin niyang saad. "Hindi ko naman nakakalimutan. Hindi ko lang kayang tingnan, hindi pa ba sapat na alam ko na?" saad ko saka bumuntong-hininga. "Bakit nga ba hindi mo kayang tingnan?" tanong niya sa'kin. Nang-aasar ba 'to, kairita. "Dahil kung tiningnan ko, baka hindi ko kayanin. Ngayon pa nga lang na hindi ko pa nakikita, nasasaktan na ako. Paano pa kaya kung nangyari na?" saad ko. "Marahil ay mahal mo na siya." diretso niyang saad na ikinasinghap ko. "Ano ba, Elise. Napaka-straight forward mo naman!" komento ko. "Wala kang malilihim sa'kin, Raven." saad niya. "Oh, sige. Bagay na sabi mo nga eh mas kilala mo pa ako kaysa sa sarili ko mismo. Ano ba talaga 'tong nararamdaman ko?" tanong ko kahit pa natatakot akong malaman mula sakanya ang sagot. "Gusto mo talagang malaman ang sagot?" panghahamon niya. Napalunok ako. "Sabihin na lang natin na espesyal siya at isa sa pinaka-importanteng tao sa buhay mo." saad niya. Eh? Labo naman niya. "Sinagot ko lang kung anong itinuturing mo. Kaya ikaw ang malabo." saad niya sa'kin. Umirap ako. "Pero ano nga ba talaga? A-ano ring mangyayari sa'min? Like ending?" tanong ko ulit. Kahit na alam ko na kung anong kahihinatnan n'on. Umiwas siya ng tingin na ikinagulat ko. Ngayon ko lang siyang nakitang gan'on. Parang may iniiwasan siyang topic or question tungkol kay Isagani. "Raven, ikaw ang dapat umamin mismo sa sarili mo." saad niya saka biglang naglaho. Nagulat ako dahil hindi siya nagpaalam na aalis na pala. Labo naman n'on, 'di na lang sabihin kung ano eh. Ang hirap kaya, baka kasi paghanga lang pala ang tawag d'on. Ang gulo ko rin naman kasi, eh! *** Isang paborito ko ay sa tuwing nakikinig kami ng musika. Tulad ngayon, pinapakinggan ulit namin ang Lifetime ng Ben&Ben. As usual, nasa balcony kami ng bahay at malalim na ang gabi. "Bakit ba 'yan na naman ang pinapakinggan natin? Paulit-ulit na lang." komento ko. Napatingin siya sa'kin at nakakunot ang noo niya na parang na-offend sa sinabi ko. "Ay, hindi mo ba gusto ang kanta?" tanong niya. "Hindi naman sa gan'on. Sa katunayan, maganda nga 'yung kanta eh. Kaso nakakainis kasi sobrang sakit ng lyrics." komento ko. Natawa siya. "Oo nga." tipid niyang pagsang-ayon habang nakatingin sa'kin. Naramdaman ko ang biglaang lungkot sakanya. Bigla kong naalala 'yung nangyari n'ong nakaraan. Ilang sandali kaming nanahimik. "Hindi mo ba napapansin?" bigla niyang tanong habang nakayuko. Hindi ko alam pero biglang tumibok nang mabilis ang puso ko. "Gusto kita." Napamura ako sa isipan ko. Napasinghap din ako dahil hindi ko naman inaasahan na sasabihin niya sa'kin 'yan ngayon nang straight forward. "Isagani?" mahina kong tawag. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Gusto ko sana malaman mo. Kahit siguro wala nang panahon ngayon, papangarapin ko na sa susunod na buhay, makikita kita ulit." saad niya. Umiling ako. "All this time, I have been yours..." "Kaya sa lifetime na 'to, sigurado akong sa'yo na ako." saad niya pa. Hindi ako makahinga nang maayos. Inaamin ko, may halong kilig na lungkot. "Huwag mong sabihin 'yan na parang nagpapaalam ka." pangbabara ko. Ngumiti lang siya, pero nakita ko sa mga mata niya ang lungkot. Tumitingin ako sakanya pero hindi ko talaga siya magawang titigan. Ilang sandali kaming nanahimik. "Uh, kailan ka free?" tanong ko bigla. Medyo nakokosensya ako dahil hindi ako sumagot sa confession niya eh. "Anytime naman basta para sa'yo." sagot niya, agad ko siyang hinampas. "Aray! Sakit n'on ah." komento niya habang nakahawak sa kanyang braso. "Oh sige, gusto mong magdate tayo? Hmm, sa sabado na lang para sure na." saad niya. Kahit pa hindi naman talaga date ang turing ko, hindi na lang ako umangal. "At para malapit na rin." ngiti niyang tuloy. Natawa ako. Wednesday na kasi ngayon. "Sige, sa sabado ah." saad ko. "Oo, ako na bahala. Sasabihan kita kung anong oras at susunduin kita." saad niya. "Kahit na anong mangyari, ipapangako mong mabubuhay ka." mahina kong pakiusap. Hindi siya sumagot. Baka hindi niya narinig? "Pangako, susunduin kita. Kahit anong mangyari." saad niya sa'kin habang nakatingin sa mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD