Dumating ang araw na sinabi ni Isagani. Sabi niya ay susunduin daw niya ako mamayang gabi, may pupuntahan pa kasi siyang trabaho sa Green Centrum eh.
Ako naman ay naghanda para sa araw na 'yun, hindi ko alam pero naeexcite ako at the same time ay sobrang kinakabahan.
Kwinento ko ulit kay Violet ang pag-amin sa'kin ni Isagani at 'yung pag-aya ko na lumabas kaming dalawa, at sabi niya na it's a great opportunity para umamin din? Napaisip ako sa suggestion niya.
Aamin din ba ako?
Gusto ko na nga ba siya?
Or mahal ko na siya?
"Marahil ay mahal mo na siya." wika ni Elise.
"Paano mo naman nasabi?" tanong ko.
"Simple lang, dahil natatakot kang mawala siya sa'yo. Hindi pa ba 'yun isang malaking rason para malaman mong iniibig mo siya?" saad niya.
"At alam mo bang hindi naman kailangan ng maraming dahilan, maski hindi mo rin naman kailangan maghanap pa ng mga rason para patunayan mong mahal mo siya." payo niya sa'kin. Bumuntong-hininga ako.
Lumapit si Elise sa'kin at inilagay niya ang kamay niya sa dibdib ko, sa may puso.
"Ngayon, mararamdaman mo na ang kalinawan sa iyong puso." saad niya at pagkatapos n'on ay bigla ulit siyang naglaho.
Hindi ko gets pero n'ong hinawakan niya ang puso ko ay parang nakaramdam ako ng saya at excitement sa pagdating ni Isagani.
Ngayon, alam ko na sa sarili ko mismo.
Gusto ko rin siya.
Sana hindi pa huli ang lahat mamaya, para tuluyan ko na ring ipaalam sakanya ang totoo kong nararamdaman.
***
Dumating na ang gabi.
"Taray, ate Raven. May date kayo ni kuya Isagani?" bati ni Ningning. Ngumiti ako at ginulo ang buhok niya.
"Lakas mo pa rin mang-asar, ah." komento ko. Natawa siya.
"Ang ganda mo ngayon, ate. Parang blooming ka today, actually always naman eh. Pero ngayon, hmm ibang-iba talaga. Parang nasa peak ang pagka-bloom mo. Ayiiee." asar niya pa. Hindi ko mapigilang mapangiti sa mga sinasabi niya.
"Totoo ba?" tanong ko. Agad siyang tumango.
"Kayo na po ba?" mahinang tanong ni Ningning. Napasinghap naman ako sa tanong niya.
"Baliw, hindi pa." agad kong sagot.
"Pa? O.M.G. hehe." komento niya. Aba't itong batang 'to. Ang dami nang alam ah.
"Mag-ingat na lang po kayo mamaya, just enjoy the night and have fun!" saad niya, ngumiti ako at nagpasalamat.
Lumabas ako at tumambay muna sa balcony, mahangin kasi rito at para masalubong ko na rin siya kapag dumating na siya.
N'ong mga una, medyo kalmado lang ako dahil nagchachat namin kami habang naghihintay ako sakanya. Palagi niya akong ina-update kung nasaan na siya.
Isagani: Nakababa na ako ng train.
Isagani: Nasa sasakyan ko, na ako.
Raven: Mag-iingat ka, ah. 'Tsaka 'wag ka na munang magtetext, nagdadrive ka.
Isagani: Opo, mahal.
Isagani: Pangako, uuwi ako at susunduin kita.
Hala.
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko napigiling ngumiti. Para tuloy akong baliw dito na nakangiti nang wala man lang kausap o kasama.
Hindi na ako nagreply dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko at para na rin hindi siya maistorbo.
Paulit-ulit kong binasa ang mga huling mensahe niya at hindi pa rin ako matigil sa pag-ngiti. Gan'to ba ang feeling ng kinikilig? Haha.
Ilang sandali pa akong naghintay, hanggang sa unti-unti na akong kinakabahan.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Dahil ba malapit na siya?
Sa paglipas ng bawat minuto ay mas lalo akong nakakaramdam ng kaba at pangamba. Hindi na ako mapakali, kaya palakad-lakad na lang ako. Panay ako tingin sa phone ko, hinihintay ang update niya. Nagtext na rin ako kung nasaan na siya.
Pero, ilang minuto ay wala man lang reply.
Hindi ko maiwasang ma-paranoid at mag-overthink.
Paano kapag may nangyari na sakanya?
Urgh, Raven. Hindi. Wala lang 'to, okay?
Walang nangyaring masama. B-baka hinahanda niya lang ang pupuntahan namin?
Oo, 'yun. 'Yun na lang ang papaniwalaan ko.
"Raven."
Narinig kong may tumawag sa'kin at kilala ko ang boses na 'yun, si Isagani!
Lumingon ako agad at nakita ko siya sa labas ng gate. Agad akong lumapit sakanya at lumabas na rin.
Pagharap ko sakanya ay wala siyang kahit na anong dala except sa sarili niya syempre.
"Isagani." masayang bati ko. Ngumiti siya.
"Tara?" aya niya at hinawakan ang kamay ko. Naramdaman kong malamig ang kamay niya kaya tumingin ako sakanya.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Secret." saad niya. Natawa na lang ako at hindi nagdalawang-isip na sumama.
Ilang minuto kaming naglalakad sa kalsada, napansin ko ang liwanag ng buwan at mga bituin. Sobrang tahimik ng paligid at parang kami na lang ang mga tao na nandito.
Magkahawak kamay kaming naglalakad.
Hanggang sa narinig ko ang alon ng dagat.
"Dito tayo sa may dagat?" saad ko.
Kahit gabi na ay naaninag ko pa rin ang dagat dahil sa liwanag ng buwan. Dinamdam ko rin ang simoy ng hangin, napakalamig at parang niyayakap ako nito.
Lumingon ako sakanya na tahimik na nakatingin sa dagat.
Ba't parang may kulang?
Tumingin siya pabalik sa'kin, at ngumiti.
"Sayaw tayo." aya niya. Kumalma ako nang ayain niya akong sumayaw. Katulad ng palagi niyang pag-aya sa'kin.
Hinawakan niya ako sa baywang at inilagay ko naman ang mga kamay ko sa mga balikat niya.
Nagsimula na kaming sumayaw. Kumunot ang noo ko.
"Pa'no tayo sasayaw kung walang music?" tanong ko.
"Kakantahan kita." ngiti niyang saad. Napangiti na lang din ako.
Hindi na ako umalma dahil kahit ano namang kakantahin niya, magiging maganda pa rin ito pakinggan para sa'kin.
Sumayaw na ulit kami at nagsimula na rin siyang kumanta. Narinig ko na naman ang napakaganda niyang boses.
Binibini,
Alam mo ba kung pa'no nahulog sa 'yo?
Naramdaman lang bigla ng puso
Aking sinta, ikaw lang nagparamdam nito
Kaya sabihin mo sa akin
Hindi ko mapigilang ngumiti dahil para lang siyang nakikipag-usap sa'kin, sa pamamagitan naman ng kanta.
Ang tumatakbo sa isip mo
Kung mahal mo na rin ba ako?
Natigilan ako sa linyang iyon. Tumingin ako sa mga mata niya habang nakangiti, sign ng pagsang-ayon sakanya.
Isayaw mo ako
Sa gitna ng ulan, mahal ko
Kapalit man nito'y buhay ko
Gagawin ang lahat para sa 'yo
Alam kong mahal mo na rin ako
Hindi ko alam pero habang kinakanta niya ang mga linyang iyon ay parang may ipinapahiwatig siya.
Nag-aalala ako, kaya imbis na tumingin sakanya ay yinakap ko na lang siya habang sumasayaw pa rin kami.
Binibini,
Sabi mo noon sa 'kin, ayaw mo pa
Pero ang yakap ngayo'y kakaiba
Hindi ka ba nalilito? Totoo na bang gusto ko?
'Wag nang lalabanan ang puso
Natawa ako dahil tamang-tama na yinakap ko siya.
"Oo nga, mahal din kita Isagani." saad ko habang yakap siya. Naramdaman ko namang humigpit ang yakap niya. Halata ko ang saya sa yakap niya.
Alam kong mahal mo na 'ko
Kung gano'n, halika na't huwag lumayo
Kumawala siya sa yakap ko. At sinayaw niya ulit ako, pina-ikot pa ako. Nagtawanan na naman kami, as usual, kahit wala namang nakakatawa.
Hanggang sa mabagal niya ulit akong isinayaw.
Isayaw mo ako
Sa gitna ng ulan, mahal ko
Kapalit man nito'y buhay ko
Gagawin ang lahat para sa 'yo
Alam kong mahal mo na rin ako
Kumpara kanina, ngayon habang kinakanta niya ang mga huling linya ay mas soft na ang boses niya na parang binubulong na lang niya ang mga ito sa'kin.
Nakatitig siya sa'kin, at ngayon ay nakakuha na ako ng lakas ng loob para titigan siya sa mga mata niya.
Nagzoom in ang mga mata ko sa kailaliman, pero wala.
Wala akong nakita.
A-anong ibig sabihin n'on?
"Raven."
Natigil ako sa pagtitig sakanya nang tawagin niya ang pangalan ko. Bigla akong nakaramdam ng kung ano.
"Isagani." mahinang saad ko.
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko habang nakatingin pa rin siya sa'kin.
"Tinupad ko ang pangako ko sa'yo, na uuwi ako at sasamahan kita rito." saad niya. Tahimik lang akong nakikinig sakanya.
Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Hinaplos niya ang pisngi ko at hinawakan ko naman ang kamay niyang nasa pisngi ko.
"Ngayon, paalam na muna, mahal ko."
Natigilan ako.
"Huh? A-ano bang pinagsasabi mo!?" tanong ko sakanya.
Unti-unting tumulo ang mga luha ko habang naguguluhan pa rin sa mga sinasabi niya.
Kasabay n'on ay napansin kong unti-unting nagiging mga paru-paro ang katawan niya. Napasinghap ako.
Nakahawak pa rin siya sa pisngi ko habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa'king baywang.
Agad kong hinawakan ang kamay niyang nasa pisngi ko. Agad ko rin siyang hinagkan at yinakap habang nakapikit ang mga mata ko bago tuluyan na siyang nawala sa piling ko.
Hanggang sa malamig na hangin na lang ang nararamdaman kong nakayakap sa'kin.
Bigla akong bumagsak sa buhangin at humagulgol.
"Isagani!" tawag ko sakanya.
Ngunit wala.
Wala na siya.
Pinahid ko na ang mga luha ko at tumayo nang matauhan.
"B-baka isang pangitain 'yun, panaginip." saad ko sa sarili ko.
Umalis ako sa lugar na 'yun at tumakbo papunta sa bahay.
Tumakbo lang ako nang tumakbo, walang pakialam sa kahit na ano.
Hanggang sa wala pa atang limang minuto ay narating ko na ang bahay.
May nakita akong sasakyan sa labas ng bahay.
Baka si Isagani na 'to.
Agad akong lumapit.
"Oh, Raven. Kanina ka pa namin hinahanap ah. Tara na pumasok ka na sa sasakyan." saad ni kuya Rob nang makita ako. Kumunot ang noo ko.
Hindi pala sasakyan ni Isagani.
Bigla akong nanghina at unti-unti nang nawalan ng pag-asa.
Hindi na muna ako nagtanong at dali-daling sumakay.
"Ano bang nangyayari? Saan tayo pupunta?" mahina kong tanong kay Rachel na nakatulala lang sa gilid.
Napalingon naman ako nang hawakan ni ate Kristie ang mga kamay ko.
"Hindi mo pa ba alam, Raven?" tanong niya. Kumunot ang noo ko.
Please, sagutin mo na ang tanong ko. Na walang kinalaman kay Isagani.
"Si Isagani..." saad niya. Bumagsak ang mga balikat ko at tuluyan nang nanlumo.
Kumirot ang puso ko, at hindi ko na napigilan ang mga luha ko.
Hinaplos ni ate Kristie ang kamay ko at inakbayan na ako.
So, ano 'yung kanina?
Nagkita kami.
Hindi na natapos ang pag-iisip ko nang tumigil ang sasakyan, at nakita ko na nasa Medical Center kami ng Las Espadas.
Nagmamadaling lumabas ng sasakyan ang lahat. At kulang na lang ay magpaunahan sa takbo ang lahat para lang makapasok at makita si Isagani sa loob. Habang ako ay mabagal lang na naglalakad.
Hindi.
Hindi ako naniniwala.
Huminga ako nang malalim. At naabutan sila kuya Rob na kausap ang isang doktor.
Nakita kong umiling ang doktor.
Biglang humagulgol si Ningning at nagsi-iyakan ang iba.
Tuluyan na akong nakalapit sakanila.
"Oo nga pala, nakita namin ito sakanyang kamay. Hawak niya lang ito." saad ng doktor habang hawak ang isang panyo na may burda ng pangalan ni Isagani.
Natigilan ako.
Kinuha ko ang panyong iyon. Tuluyan na akong humagulgol habang pinagmamasdan ko ang panyo.
Ito ang pinakaunang beses kong sumubok ulit sa pagbuburda. Tuwing gabi sa cottage, nagbuburda ako. Ito rin ang unang regalo ko sakanya.
Binigay ko 'to sakanya n'ong gabi bago umuwi sa Heronimo.
Ngayon, mukhang ito rin pala ang huling regalo.
Mahigpit kong hinaplos at hinawakan ang panyo. Sabi ng doktor, ito raw ang huli niyang hawak. Mas lalo akong humagulgol habang naiisip ko 'yun.
Sigurado akong iniisip niya pa muna ako bago siya nawalan ng buhay.
At tinupad pa rin ang pangako niya,
K-kahit, wala na siya.
Nagpalinga-linga ako sa paligid ng center, umaasa na makikita ko siya ulit.
Pero wala.
Hindi ko siya makita.
Nawalan na ako ng pag-asa.
Naramdaman ko ang pag-akbay ni ate Kristie sa'kin at lumingon ako sakanya.
"Alam mo ba, nakita ko siya kanina." saad ko. Kumunot ang noo niya.
"Oo, nakasama ko pa siya sa may dagat. Kaya wala ako kanina." kwento ko, napalitan ng pag-aalala ang reaksyon ni ate Kristie.
"T-tinupad niya 'yung pangako niya sa'kin. Nakita ko siya kanina, totoo. Kasama ko siya!" paulit-ulit kong saad at tuluyang humagulgol. Naiyak na rin si ate Kristie at yinakap na lang ako.
Bakit ganito?
Bakit hindi ko man lang napaghandaan?
Ito ang pinakamasakit.
Sana pala, tiningnan ko na lang ang mga mata niya. Para sana napaghandaan ko, at kahit ano pang consequence o parusa ay handa akong akuin, mailigtas ko lang siya.
Handa akong kalabanin ang kamatayan para sakanya.
Kung sana, sana lang.
***
"Dito ba muna kayo? I-uuwi ko na muna sila Ningning sa bahay para makapagpahinga na." saad ni kuya Rob. Nakaupo ako sa bench kasama si ate Kristie na naka-akbay pa rin sa'kin.
"Oo, sige. Mag-iingat kayo, ha?" paalam ni ate Kristie. Tumango si kuya Rob at pinilit na pauwiin ang mga nakababatang kapatid. Hanggang sa tuluyan na silang naka-alis.
Tulala lang akong nakatingin sa sahig.
Ramdam ko ang matinding pagod at antok, pero mas nananaig ang kalungkutan.
Hindi ko rin magagawang makatulog.
Si ate Kristie ang nag-asikaso rito sa center habang ako ay nakaupo lang dito.
Dumating na umaga nang hindi man lang ako gumagalaw sa pwesto ko.
"Raven, umuwi na muna tayo." aya ni ate Kristie. Nakatingin lang ako sakanya.
"Sige na. Kailangan mo ring magpahinga lalo na't wala kang tulog." pagpipilit ni ate Kristie. Hinila niya ako patayo kaya wala na akong nagawa pa kun'di sumama sakanya pa-uwi.
Nang makarating kami sa bahay ay naabutan namin na nandoon ang mga magkakapatid.
Nagsimulang magmura si Rachel.
"Ba't ka pa nandito!?" sigaw niya sa'kin. Nagulat naman ang lahat. Mabilis na sinuway ni kuya Rob si Rachel.
Hindi naman ako nagpatinag dahil alam kong galit lang siya dahil sa pangungulila.
"Alam niyo ba, simula nang dumating si Raven dito sa bahay, nagkanda-leche leche na lahat." saad niya. Tumahimik naman ang lahat.
Nasaktan ako sa sinabi niya.
"Nagsimula nang mawala 'yung mga importanteng tao sa buhay ko, sa buhay natin." saad niya.
Dahil totoo naman.
Ako rin ang unang nakakaalam n'on. At wala akong nagawa.
Unti-unting namamasa ang mga mata ko.
"Rachel, tama na! 'Wag mong sisihin si Raven sa mga nangyari, ano ba!?" suway ni kuya Rob.
"Hindi! Lumayas ka rito! Ayaw na kitang makita pa! Umalis ka na!" sigaw niya at sinugod ako para itaboy paalis. Umawat naman sina Leo at kuya Rob kay Rachel habang si Ningning ay tahimik na humahagulgol sa gilid.
Hindi na 'ko lumaban at tuluyan nang natangay palabas ng bahay nila.
Minura niya ulit ako.
Ramdam ko ang galit niya sa'kin, sa mga nangyayari sakanila.
"Lumayas ka na kung ayaw mong saktan pa kita! Parang awa mo na!" pakiusap niya habang umiiyak.
Sinunod ko na ang utos niya at tuluyang umalis.
Tinawag naman ako nila Leo at kuya Rob at pinapatigil pero hindi na ako lumingon at lumabas na ng gate.
Narinig ko naman ang pagtakbo ng isa mula sa likod ko.
Si ate Kristie pala.
"Raven, pagpasensyahan mo na si Rachel. Wala lang sa huwisyo kaya siya nagkakagan'yan." saad niya sa'kin habang hinihingal. Nasa labas na kami ng gate.
"Ayos lang, deserve ko naman." saad ko. Umiling naman siya.
"Ganito na lang, uh. Sa bahay ka na lang muna ni tita Flor. Diyan sa kabila lang, oh. Sasamahan na kita para ipaalam kay tita. Nabalitaan na rin niya kasi ang nangyari kay Isagani. At maiintindihan din niya ang pinagmulan ng galit ni Rachel. At sigurado naman akong papatuluyin ka nila." saad ni ate Kristie.
"Salamat, ate. Pero gusto ko munang mapag-isa. Gusto ko munang magmuni-muni sandali." matamlay kong saad. Bumuntong-hininga siya't tumango na lang.
"Oh sya, sige. Pupunta na lang muna ako kay tita para ipaalam sakanya na dito ka muna. Dumiretso ka na rin muna roon ha? Babalitaan kita kapag huminahon na 'yun, si Rachel." paalam niya sa'kin. Tumango lang ako. Nagsimula na akong maglakad.
"Raven, huwag kang bumitaw. Lahat ng nangyayari ay may dahilan." makahulugan niyang sabi sa'kin nang pigilan niya ako. Pagkatapos ay tinapik niya ang balikat ko at naglakad na papunta sa bahay nila Aling Flor.
Naglakad na ako.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Una akong pumunta sa may dagat.
Hinanap ko r'on si Isagani. Pero wala pa rin siya.
Naalala ko 'yung nangyaring pamamaalam niya sa'kin kagabi. Umalis na ako dahil ayaw ko muna 'yung maalala. Hindi ko kaya, dahil sobrang kumikirot ang puso ko.
Naglakad-lakad lang ako.
Kung saan-saan na ako nakakapunta, walang sawang paglalakad. Hindi ako napapagod, ewan ko ba.
Hanggang sa napansin kong medyo kakaiba ang style ng kalye sa kung nasaan ako ngayon. Hindi tulad sa neighborhood nila Isagani ay parang normal na subdivision lang, dito ay malalaking bahay like mansion na. At medyo makaluma.
Parang hacienda ang isang 'to.
Napahinto ako sa malaki at makalumang gate. Nakita kong may nagwawalis sa labas ng mansion.
Hindi ko alam kung bakit ako nakahinti roon.
Hanggang sa nakita ko si Elise na nasa loob ng malaking gate. Napasinghap ako.
Bakit siya nandoon?
Naramdaman ko ang init ng araw, para ata akong mawawalan ng hininga't malay.
Maya-maya pa'y tuluyan na ngang dumilim ang paligid.