Nakatingin ako sa kisame dito sa loob ng kwarto habang nakahiga pa rin, kakagising ko lang din.
Sabi ni Elise sa'kin, babalik na raw ako kay mommy.
Ibig sabihin, uuwi na ako?
Bumuntong-hininga ako.
Kaya ko na ba silang harapin?
Pero naalala ko, hindi pa nalilibing si Isagani.
Ayaw ko siyang iwan nang gan'on gan'on na lang.
Narinig kong may kumatok sa pinto.
Tuluyan na akong bumangon at binuksan ang pinto.
Si Donna pala.
"Good morning, my friend, my amo, my everything, Miss Raven!" masiglang bati ni Donna. Ano bang sinasabi niya? Natawa na lang ako.
"Bakit, Donna?" tanong ko.
"Kakain na ng almusal." saad niya. Tumango ako at nagpaalam na mag-aayos muna ako, at mauna na sila.
Pagkatapos kong mag-ayos, bumaba na ako at hinanap sila.
Ang laki naman kasi ng mansyon, talagang maliligaw pa ako rito lalo na't tatlo lang naman kami.
"Oh Raven. Kumain ka na rito." rinig kong saad ni Aling Estelita. Tumango ako at pumunta sa kusina.
"May pupuntahan ka ba? O uuwi ka na sa tinutuluyan mo?" tanong niya nang mapansin na nakapang-alis ako na suot.
"Hindi po." sagot ko habang kumakain.
"Uh, pwede po bang dito na muna ako hanggang sa umuwi na ako sa Manila?" tanong ko.
"Oo naman, teka kailan ba ang uwi mo ng Maynila?" tanong niya.
After ng libing ni Isagani.
Aalis na ako rito.
"Siguro mga after a week? Hindi pa po ako sigurado. B-basta pagkatapos po ng libing ng k-kaibigan ko." sinabi ko na lang anh totoo. Mukha namang nagulat ang matanda.
"Gan'on ba, oh sya sige. Condolence pala, hija." saad niya. Tumango lang ako at nagpatuloy na sa pag-kain.
Nang matapos ay nagpaalam ako kay Aling Estelita na kukunin ko na muna ang mga gamit ko r'on sa tinutuluyan ko para dito na ako magstay.
Pumayag naman si Aling Estelita at sinabihan akong sumakay na lang ng tricycle para mas mabilis ang paglalakbay ko.
Lumabas na ako ng gate, kasama ko si Donna na nag-aassist sa'kin. Siya ang kasama ko papunta sa sakayan ng tricycle.
Habang naglalakad ay nagtataka ako kung bakit may mga tao akong nakakasalubong na parang walang pakialam sa dinadaanan nila.
Pero mas nagulat ako nang mapansin ang iba na may nakapaligid na itim na usok dito.
Anong ibig sabihin niyan?
Tiningnan ko si Donna kung napapansin din ba niya ang mga iyon, pero parang wala naman siyang nakikita.
"Souls."
May narinig akong bulong, hindi sa mga tainga ko kun'di parang nasa utak ko lang.
Napasinghap ako.
Nakakakita naman din ako ngayon ng mga kaluluwa?
Simula kaya 'to n'ong nakita ko ang kaluluwa ni Isagani?
"Uy, Raven. Ayos lang ba you? Palagi kang nakatulaley ha." tapik ni Donna sa braso ko.
Napansin ko na nandito na pala kami sa sakayan ng tricycle.
"Manong, paki-hatid sundo ang mahal na prinsesa. Sa street po ng Reyes, please thank you very much!" saad ni Donna sa isang driver. Tumango naman ang driver.
Sumakay na ako habang nabobother pa rin sa mga nakikita ko.
Ilang minuto ang lumipas nang sinabihan ko si Manong na itigil dahil nandito na kami sa tapat ng bahay ni Aling Flor.
Binigay ko ang bayad kay Manong at umalis na ito.
Nakita agad ako ni Aling Flor at pinagbuksan ng gate.
"Raven, jusmeyo akala ko kung ano nang nangyari sa'yo hija! Buong araw akong naghintay dahil sabi ni Kristie na dito ka muna titira." pag-aalalang saad ni Aling Flor.
"Pwede po bang pakitawag si ate Kristie?" tanong ko.
"Bakit hindi ka na lang muna pumasok sa bahay nila. Baka naman okay na si Rachel." suggestion niya pero agad akong umiling.
"Uh, may bago na po muna akong tutuluyan. Bago po ako umuwi sa Manila. Sa bahay po ng mommy ko, dito lang din sa Las Espadas." paliwanag ko sakanya.
"Doon ka ba nagpalipas ng gabi?" tanong niya. Tumango ako. Bumuntong-hininga siya.
"Sige. Pupuntahan ko na si Kristie." saad ni Aling Flir at dumiretso sa bahay nila Isagani.
Nakita ko na bukas na bukas ang gate nila, sigurado ako dahil sa lamay ni Isagani. Medyo marami ding mga tao ang nasa bakuran nila at mukhang nakikiramay.
Ilang segundo akong naghintay at nakita ko si ate Kristie na nagmamadaling lumabas.
Pagkatapos ay agad niya akong yinakap nang makita ako.
"Tara, Raven. Pasok ka na." pag-aya niya at hinila ako, pero tinigilan ko ito kaya napalingon siya sa'kin.
"Pwedeng samahan mo ako, kukunin ko lang ang mga gamit ko." saad ko. Natigilan naman siya, kumunot ang noo niya.
"Bakit? Aalis ka na?" tanong niya.
"Magstay muna ako sa bahay ng mommy ko, dito lang din sa Las Espadas. Kahapon ko lang din kasi nalaman na taga-rito lang din pala ang pamilya sa mother's side ko." kwento ko. Bumagsak ang mga balikat niya saka bumuntong-hininga.
Hinawakan niya ang kamay ko at sabay na kaming naglakad.
"Mabuti na lang at wala sa ngayon si Rachel dahil nandoon siya sa pamilya ng tatay niya. Pero mamaya babalik siya." kwento niya sa'kin habang papasok kami sa bahay nila.
Nakita ako nila Leo na nag-aasikaso sa mga bisita. Natigilan sila nang makita ako.
Agad na lumapit sa'kin si Ningning at yinakap ako. Lumapit na rin sina Leo, at kuya Rob.
"Buti naman at bumalik ka na, Raven." bati ni kuya Rob.
"Oo, kuya. Pero kukunin ko lang muna ang mga gamit ko." saad ko.
"Ba't naman, Raven?" tanong ni Leo.
"Uuwi na ako sa Manila after ng libing ni Isagani. May aasikasuhin na kasi ako r'on." paliwanag ko sakanila.
Nahalata ko naman ang lungkot sa mga mukha nila nang marinig ang sinabi ko.
"Pati rin ikaw, ate, iiwan mo na rin kami." saad bigla ni Ningning. Nilapitan ko siya at inakbayan.
"Hindi, hindi ko naman kayo iiwan eh. Bibisita pa rin ako rito." saad ko. Bumuntong-hininga si kuya Rob.
"Ningning, hindi sa lahat ng oras ay dapat nandito ang ate Raven mo. Sabi nga niya ay may gagawin siya sa pag-uwi niya at baka importante 'yun. Sana maintindihan mo." paliwanag ni kuya Rob kay Ningning. Tahimik nang umiyak si Ningning.
"Sige na, Raven. Umakyat ka na para maayos mo na ang mga gamit mo." saad ni ate Kristie sa'kin at sinamahan ako paakyat.
Niligpit ko na ang mga gamit ko, hindi naman ako nagtagal dahil nakaligpit naman ang mga ito at hindi naka-kalat. Tinulungan din ako ni ate Kristie sa pagliligpit kaya mas napabilis ito.
Nang matapos ay ibinaba na nila Leo ang mga gamit ko. Medyo nahihiya pa ako dahil nakikita ng ibang mga bisita ang pag-alis ko, siguro nagtataka ang iba dahil may lamay tapos iba naman ang inaasikaso ng pamilya ni Isagani, hay.
Bumaba na kami.
"Oh, nandito ka pala Raven." bati ni Rachel sa'kin, nakauwi na pala siya.
Tumingin siya sa mga gamit ko.
"Tapos na 'yung misyon mong maging malas sa buhay namin, kaya ngayon ay tatakas ka na?" pranka niyang tanong. Huminga ako nang malalim.
"Ano ba, Rachel? Nakakahiya sa mga tao rito." mahinang suway ni kuya Rob kay Rachel. Hindi naman siya nagpatinag.
"Aalis ka? Iiwan mo kami pagkatapos din kami iwan ng mga taong mahal namin sa buhay? Haha, galing mo naman." saad niya pa sa'kin. Nalungkot ako dahil ang sinabi naman niya ngayon ay hindi pangungutya, kun'di parang nangongonsensya.
"Hindi naman sa gan'on, Rachel. Hindi ko kayo iiwan, bibisita pa rin naman ako eh." paliwanag ko. Umirap siya.
"Aalis ka pa ngayong lamay ng kuya ko na mahal mo?" saad niya. Napalunok ako.
"Hindi pa ako aalis. Hihintayin ko ang libing ni Isagani bago ako umalis nang tuluyan, katulad ng gusto mo. At isa pa, ayaw mo rin naman akong magstay dito 'di ba? Kaya bakit mo pa ako tatanungin kung aalis ako, kung ikaw din naman mismo ang nagpapaalis sa'kin?" saad ko, dahilan para matahimik siya.
"Makikilamay lang ako, sana papasukin mo pa rin ako sa loob ng bahay niyo. Kahit hanggang sa libing lang ni Isagani. Pagkatapos n'on, hindi mo na ako makikita." saad ko sakanya. Tumalikod na siya at umalis.
Hinaplos ni ate Kristie ang likod ko habang ang iba ay nanatiling tahimik.
"Mauuna na muna ako sainyo." paalam ko sa magkakapatid. Tumango si kuya Rob, niyakap ko si Ningning at Leo. Sinamahan ako ni ate Kristie palabas ng bahay at nag-abang ng tricyle para makapunta sa Hacienda Concepcion.
Ilang minuto ang lumipas, ay nakauwi na ako roon. Sinalubong ako nila Donna at siya na ang nag-akyat ng mga gamit ko sa kwartong tinutuluyan ko.
"Kaya pala natagalan ka." saad ni Aling Estelita sa'kin. Napansin naman niyang namumugto ang mga mata ko.
"Sinabi mo na pumanaw ang kaibigan mo, galing ka rin ba r'on? Tumahan ka na, Raven." saad niya. Umupo ako sa sofa.
"May nangyari lang pong pamamaalam. Napamahal na rin po kasi ako sa pamilya ng kaibigan ko." kwento ko sakanya. Tumabi naman siya sa'kin.
"Bakit hindi ka nanatili r'on at nakiramay?" tanong niya.
"Bukas na lang po." sagot ko at nagpaalam sakanya na pupunta na ako sa taas.
Dumiretso ako sa terrace. Binuksan ko ang phone ko na naiwan kahapon sa bahay nila. Tumawag ako kila Violet para ibalitang wala na si Isagani.
Nagulat sila nang malaman iyon kaya agad nilang napagpasyahan na pumunta rito sa San Imperial. Kaya sure ako na bukas ay nandito na rin sila.
Sinabi ko naman kila Donna na may mga kaibigan akong mananatili rin dito. Pumayag naman si Manang Estelita at naghanda sila ng dalawang kwarto. Marami namang kwarto ang nandito kaya okay lang.
Sinabi ko rin kina Manang na baka pagdating bukas ay pwede na nila kaming iwan sa mansyon. Baka kasi nakakaistorbo pa ako sakanila.
Pero sabi ni Manang na ayos lang daw, basta ako na lang ang magpoprovide ng mga pangangailangan dahil wala na sila n'on. Nakonsensya ako, kaya sinabi ko na suswelduhan ko na lang sila sa ginawa nilang tulong sa'kin.
Dumating ang kinabukasan, nakarating nga sila Violet at Aleis ng San Imperial, nakarating sila sa Las Espadas nang mga hapon na. Sinundo ko sila sa train station. At dumiretso kami ng uwi sa Hacienda Concepcion.
"Bes, saan tayo? Ba't hindi tayo pumunta sa bahay nila Isagani?" tanong ni Violet.
"Mamaya ko na ipapaliwanag." tipid kong sagot. Nagkatinginan naman sina Violet at Aleis.
"Donna! Patulong naman!" sigaw ko kay Donna nasa labas ng mansyon. Agad naman siyang tumakbo para pagbuksan kami. Habang ang mga kaibigan ko ay naguguluhan pa rin sa mga nangyayari.
"Ay, kayo pala ang visitors ni Miss Raven. Hi po! I'm Donna, hehe." pakilala ni Donna habang buhat ang mga gamit nila.
Sinalubong naman kami ni Aling Estelita sa may main door ng mansyon. Napansin ko ang paglibot ng mga tingin ng mga kaibigan ko sa napakalaking bahay.
"Ilalagay na namin 'to sa mga kanya-kanya niyong kwarto, ha. Raven, maaari bang ikaw na lang ang magturo sakanila kung saan ang mga kwarto nila?" saad ni Aling Estelita. Tumango ako at nagpasalamat sakanila.
Umupo kami sa sofa.
"Raven? What is this? Hello?" tanong ni Violet.
"Ilang linggo lang kaming nawala, ang dami agad nagbago at nangyari sa'yo ah." komento naman ni Aleis habang nakalibot pa rin ang tingin sa paligid.
"N'ong namatay si Isagani, buong gabi kaming nasa center. Pagkabalik ko sa bahay, uminit ang ulo ni Rachel at sinisi ako sa mga nangyayari sakanya. Hindi ko naman siya masisi dahil kamamatay lang din ng tatay niya." panimula kong kwento. Tahimik lang na nakikinig ang dalawa. Sumulpot naman si Donna at inilapag ang pagkain at inumin sa table na nasa harap namin at dali-daling umalis.
"Pinaalis niya ako sa bahay. Ako naman, wala sa huwisyo ng mga panahon na 'yun dahil nagluluksa ako. Sinabihan ako ni ate Kristie na magstay na muna sa bahay nila Aling Flor. Pero sinabi ko na maglalakad-lakad muna ako. Hindi ko rin alam kung paano ako napadpad dito sa street na 'to. Diyan sa labas ng gate, nawalan ako ng malay. Siguro dahil sa init at pagod. Tapos, nagising ako na nandito na ako. Kakatwa nga kasi mansyon pala 'to ng pamilya ni mommy." mahabang kwento ko. Napasinghap naman si Violet at si Aleis naman ay halatang namangha.
"Property nila tita ito? So, dito pala ang probinsya niya?" saad ni Aleis. Tumango ako.
"Amazing. Grabe ang universe at ang kapangyarihan mo, bes!" saad ni Violet na ikinabigla ko. Pinandilatan ko siya kaya napatakip siya sa mukha. Buti na lang at hindi naniniwala si Aleis sa mga sinasabi ni Violet.
Pagkatapos ng kwentuhan namin ay napagpasyahan muna nilang magpahinga. Mamayang gabi naman ay pupunta kami sa lamay.
Nang dumating ang gabi, nagpaalam kami kina Manang Estelita na baka abutin kami ng madaling araw. Pumayag si Manang at ibinigay sa'kin ang susi ng gate pati ng main door. Naghabilin din siya na iiwan ang mga susi ng kwarto sa isang flower pot sa may sala.
Sumakay ng tricycle papunta r'on. Gan'on pa rin, medyo maraming tao ang nandoon at nakikiramay.
Pumasok kami at nakita kami nila Leo kaya agad niyang binalita iyon sa ibang kapatid. Malugod naman nilang tinanggap ang pakikiramay namin, umupo ako sa gilid at tiningnan ang kabaong niya mula rito.
Ang ikli ng panahon na binigay sa amin
Pag-ibig na para lang isang halik sa hangin...
Inakbayan naman ako ni Violet at inalo. Ngumiti lang ako para sabihing nasa maayos akong kalagayan.
Umabot ng ilang araw, hanggang sa dumating ang araw ng libing ni Isagani.
Pumunta rin kami nila Violet doon.
Tahimik lang akong nakikisunod sa mga ginagawa nila. Hanggang sa natapos ang seremonya nang magpaiwan ako saglit.
Ang ikli ng panahon na binigay sa amin
Pag-ibig na para lang isang halik sa hangin
Sandali lang nabuhay ang pusong ito
At ngayon nagdurugo...
Nasa harap ako ng puntod ni Isagani. Tinitigan ko ito at umupo ako.
Isagani,
Kumusta ang kalagayan mo? Magkasama na ba kayo ni Manang Fe? Pakikumusta na lang din ako sakanya, ha.
N'ong gabi na tinupad mo ang pangako mo sa'kin, akala ko isang pangako lang 'yun, na isang salita na balang araw ay hindi mo na rin gagawin. Pero n'ong nalaman ko na kahit wala ka na at nagpakita ka pa rin sa'kin, sobrang naramdaman ko ang pagmamahal mo. Hindi mo ako binigo, hindi mo ako iniwan nang walang paalam.
Maraming salamat sa pagtupad ng pangako mong palagi mo akong sasamahan at hindi iiwan, kahit na wala ka na rito ngayon sa tabi ko. Alam ko naman, sasamahan mo pa rin ako. 'Yun nga lang, hindi na tayo sa piling ng isa't isa.
Also, I want to thank you because you make me feel loved. Ngayon ko lang naranasan ang gan'ong klase ng pag-ibig. Ngayon ko lang din naranasan ang umibig, kahit sa napakaikling panahon lang. And those days were the best, kasi 'yun din ang mga araw na masasabi kong masaya ako. Sa kabila ng mga pagluluksa at pagdaan ko sa mga problema, hindi naging hadlang 'yun para maramdam ko ang kapayapaan sa tuwing dinadamayan mo ako.
Dahil nga ngayon wala na ako doon
Sa piling niya mayroon
Pag-asa pa ba
Sana lang ay magkaroon
Isa pang pagkakataon
Na ibalik pa ang kahapon
Nung kasama ko siya
Nung ako ay masaya...
We may not have a lifetime waiting for the two of us, I hope that someday we will meet again.
Where nothing can stop us, even death.
Sa muli nating pagtatagpo, Isagani.
Mahal kita.