chapter 7

2662 Words
Kay P. Sayo naman ay ganito: "ang aking hininga'y kamataya't sákit". Ito at ang sa "Kun sino ..." ay di wasto. Sapagka't ang isinisisi ay kung bakit di pa pinaubayaang nagkapatidpatid ang kanyang hininga, na isang hiningang tunay na kamatayan at sakit.   Sa balangkas na "at di binayaang nagkapatidpatid ang aking hininga'y kamataya't sakit", dahil sa pagkakapalit ng mga _ligazon_ at sa pagiging "y" ng "ng", ang kiyas ay nawala, tumamlay at naging mawigwig ang pangungusap; samantalang puspos ng ganda ang "at di binayaang nagkapatidpatid ang aking hiningang kamataya't sákit"!   [40] HUARAN. Hindi "houaran". Nararapat daliriin ang katagang ito, upang samantalahin na ang pagdaliri sa madlang salitang sa aklat na ito ay paibaiba ang pagkakasulat. Ang "buan", "catuiran", "lualhati", "sasaquián", "nanaquiát", "balaquiót", "hain", "suliáp", "catauán", "quiás", "masiasat", "díatà", "mapataniag", "mag-adia", atbp., ay pawang may mga "bagong damit na ibang-iba ang tabas sa piling ng karamihang pawang tabas noong 1834"--na bagong kasisilang ang "Florante". Ibig naming sabihi'y ang ganyang pagkakasulat--na ibang ibang-iba sa karamihan--ay pawang gawa na lamang ng limbagan o ng kahista, noong 1861. Hindi ganyan ang sa noong 1834. Ang "bouan", "catouiran", "catao-an" atbp., ay siyang sa matandang paraan, na ginamit ni Balagtas sa kabuuan ng aklat, at ang nangadaliri sa una ay pawang kabaguhan na lamang sariling gawa ng kahista. Dito napaghahalatang nang mga araw na yaong lumabas ang siping ito--1861--ay nakikipangagaw na sa datihang paraan ang kaparaanang inabutan at binago naman ng ating Rizal at nina Dr. Pardo de Tavera: bagong kaparaanang siyang tinanggap at pinairal ng "Katipunan" at ng Panghihimagsik, at sumapit hanggang sa mga araw na ito. Hanggang sa mga araw na ito, ang aming sabi, at ito ay di tunay na wasto. Napakarami ang mga kabaguhang nairagdag kina Rizal, nitong mga huling panahon, at sa mga kabaguhang ito ay may napatay pa ang bagong pasok ng mabunying Mariano Ponce, atbp. Ang pagbabagobagong dinanasan ng ating Ortograpia ay isang bagay na napakalawig isaysay. Kaipala'y walang ibang kahambing sa kasaysayan ng iba't ibang wika sa Daigdig. At iyan ang tatangkain namin sulatin sa mga darating na araw. Lubhang kailangan, na matalos ng lahat.   [41] "sa gauâ at uica,i, dí mahuhulihan". Ganito rin, sa malas, ang na kay De los Santos; nguni't sa "Kun sino ..." at kay P. Sayo ay "nahuhulihan" ang nasa mahuhulihan".   [42] "n~g magandang asal ng amá co,t, iá." Maliwanag na kamalian ng kahista ang "iá", na dapat basahing "iná".   [43] "Ang pagcatutu co,i, anaqui himalâ". Kay P. Sayo ay may pang-ugnay na "y" ang "anaqui"; at ito'y mapaghahalatang mali. Ang mga "anaqui" ni Balagtas ay di ginagamitan ng _ligazon_.   [44] "Minulan ang galí sa pagsasayauan". Sa "Kun sino ..." at kay P. Sayo ay nakalagay ang "galit" sa lugal ng "galí", na tunay na malingmali. Bakit magiging "galit" ang pagkakatuwa, na sinimulan sa sayawan? Ang "galí" ay isang salitang matanda, na ang kahulugan ay "burco" (gaya ng pagkakastila ni De los Santos) o di kaya'y "alborozo", "alivio" o "consuelo" sa wika ni Cervantes. Ang "galí" ay ang ingay na bunga ng kagalakan, ang pulot at gata ng pagkakatuwa at paglilibang ng marami. Sa ibang kataga ay "galí" rin ang aliw at kaligayahan. Maaari na nating ituring, na patay na ngayon ang katagang iyan. Kahinahinayang!...   [45] NIYAONG. Hindi "niyang", gaya sa iba. Isa rin iyang "malabalagtas" na sukat, na labis man sa pagkakasulat ay di naman sa pamimigkas.   [46] NIYARING. Sa "Kun sino ..." ay "yaring". Sadyang pinutlan marahil, dahil sa labis na sukat--dahil sa ortograpia!   Isa pa ring "malabalagtas" na sukat iyan--na di nagpipitagan sa "kumpas ng ortograpia" kundi sa "kumpas ng prosodia".   [47] "pailag-ilagang parang baselisco". Sa "Kun sino ..." ay "t" ang nakaugnay sa "pailag-ilagan", na isang tunay na kamalian.   [48] "súcat na ang titig na matáy sa iyó". Ang "matáy" ay naging "matá" kay P. Sayo, na may _ligazon_ "y"; at ang "namatáy sa iyó" ay naging "ang matay sa iyo" sa "Kun sino ...".   [49] "sa Crotonang baya,i, ..." Kay De los Santos at sa "Kun sino ..." ay "reino" ang nakalagay sa "bayan"; nguni'y kay P. Sayo ay bayan din.   [50] "ay magcacalisiyâ". Sa "Kun sino ..." ay ginawang "magkakalisya". Inalis ang "i". Dahil sa labis sa bilang ng pagkakasulat. At kay P. Sayo, bukod sa iniklian na ay ginawa pang "n" ang "m".   [51] BUCAS. Sa iba ay "araw" ang nakalagay. Na isang kamalian. At mali, sapagka't sa dakong unahan ay may ganitong saad: "Salamat at niyaóng sa quinabucasan--hucbo co,i, lalacad sa Crotonang bayan"; kaya, tama ang "Dumating ang búcas". Hindi dapat baguhin.   [52] ALIU. Maliwanag na kamalian. Tama ang "alin" na nasa "Kun sino ..." at kay P. Sayo.   [53] AROPOS. Maliwanag na kamalian ng limbagan. "Atropos" ang ibig sabihin.   [54] NACATIGHÁO. "Natitighaw" sa "Kun sino,.." at kay P. Sayo naman ay "katitighaw".   [55] NAG-AAGAUANG. Walang _ligazon_ "g" sa "Kun sino ..." at linagyan naman ng kuwit (coma) ni P. Sayo sa lugal ng _ligazon_.   [56] NAGDALAMHATI. Sa "Kun sino ..." ay "nagpipighati".   [57] BAGONG. Sa iba ay "boong" ang nakalagay.   [58] GUBA,T, ... Maliwanag na kamalian ng limbagan. Dapat basahing "gúbat".   [59] "cahit bahag-yâ na macaquitang landás". Sa "Kun sino" ay ganito: "Kahít bahagya ng makita ang landas". At ganito naman kay P. Sayo: "kahi't bahagya na makita ang landas".   [60] "ang caniyang búhay na cahabág-habág". Ganito rin ang na kay P. Sayo; nguni't ang sa "Kun sino,.." ay napalitan ng "at pagkawakawak" ang "na cahabag-habág".   [61] "Aniya,i, sa madláng guerrang pinagda-anan". Ganito rin halos ang kay P. Sayo, at ang tanging ikinaiiba ay ginawang _ligazon_ "y" ang "ng" sa "guerra"; nguni't sa "Kun sino" ay "dinaanan" naman ang nakalagay. Ito ang tama, sa palagay namin, bagama't ang pagkasulat ng "pinagda-anan" ay nagpapakilalang lalong matanda ito kay sa "dinaanan" at wari'y hindi kamalian lamang ng limbagan. Sa malas nga ay "pinagda-anan" ang tunay na titik ni Balagtas, at kaya nga lamang maaaring pag-alinlanganan ay dahil sa kalabisan ng pantig. Nguni't di baga labis din yaong nangasa unahang: "na quinalalaguián" at "sa masayáng doon~gan"? At kung sa dalawang ito'y napatalisod si Balagtas ay bakit di maaaring napatalisod din sa "guerrang pinagda-anan"?   [62] DIANA,I, ... Sa iba ay walang _ligazon_ "i".   [63] "Ano pa,t, pinalad na aquing dinaig--sa catiyaga-an ang púsong matipíd". Sa iba ay "nang pusong matipid" ang nakalagay, na isang tunay na kamalian. Kaya, naging patumbalik. Ang napalarang daigin sa katiyagaan ni Aladin ay ang pusong matipid ni Flerida. Kaya, tama ang "ang".   [64] "May anim na n~gayong taóng ualang licat". Ganito rin ang kay P. Sayo; nguni't sa "Kun sino ..." ay nagkapalit ng lagay ang "n~gayong" at "yaóng", at lumabas na humál.   [65] "nang suyò nang harì"". Sa iba ay "sa suyo nang hari", at siyang tama.   [66] "at nang ma-iligtas ang búhay nang ibig". Sa "Kun sino ..." ay "maligtas" ang nakalagay; kaya, naging pilay; at upang malunasan ang kapilayang ito ay dinagdagan naman ng "nga" ni P. Sayo; "at nang maligtas nga ..."   [67] NAGHUNOS. Sa iba ay "naghugos"; at ito ang tumpak. Sinsay, at di kapit, ang "naghunos".   Nguni't, sino kaya sa atin ang makapagsasabing nang panahon ni Balagtas ay di wasto iyan? Sino ang makatitiyak, na noong panahong yaon ay may kahulugan ding gaya ng angkin ngayon ng "hugos" ang katagang "hunos": katagang sadyang may kung ano anong kahulugan ay ibig sabihin, magpahangga ngayon? At sino sa atin ngayon ang makapagsasabing tahasang hindi isang salitang bago ang "hugos", na umuri lamang sa "hunos"? At sino sa ating nagsisipagsuri ngayon sa wika natin ang makapagpapasinungaling sa maaaring sapantahain ng kahi't sino, na iyang "hugos" ay isa lamang kamalian ng "hunos", at dahil sa napapasok at nagkasalin-salin na sa iba't ibang palimbag ng "Florante" ay naging palasak na tuloy at naging isa nang wastong salita, dahil sa bisa ng kabuniyan ng "Florante"?   Sa wika, gaya rin naman ng sa iba't ibang bagay ay nagbabagobago ang lahat. At sa pagbabagobagong iyan ay may mga bagay na nagkakaibaiba ng pangalan, at may mga salita namang nagkakaibaiba ng kahulugan.   At parang katunayan ay maitatanong natin; ano at saan galing ang "halip"? Laláng lamang. Parang kinuha lamang sa "hulip"--na ang kahulugan ay ilagay ang isang bagay sa dating kinalalagyan ng ibang nawala o nasira. Hinuhulipan o linalagyan ng mga panibagong bulubod ang gayon o ganitong bagong tanim na palay, na sinira ng agos ng tubig; at hinuhulipan din ang atip na butasbutas na at sira. At sa "hulip" na iyan linaláng ang "halip"--na siya ngayong nakikipangagaw na sa kastilang "lugar" o "lugal", sa pangungusap na ganito, halimbawa: "Sa lugal na papagsarilinin at di't kundi bagkus pang binigtihan ng pagasa."   Gaya na lamang ng "Makata": ano ito? Sa dati'y "mapagkatakata", mapagsalita ng kung anoanong di katotohanan, mapaglubid ng buhangin, ang kahulugan: na isang katagang mahalay na ikapit sa Poeta. "Mangangatha" at "manunula" ang tawag noong araw sa poeta. Nguni't ginawang "makata"--buhat sa "makatha" na kawangis ng "mapagkatakata"--, at ang kabalbalan ay naging isa nang tunay na salitang tumpak.   May hihigit pa ba sa kabalbalan ng "lalawigan"? (Sa isang kasulatang matanda (1865) ay nakita kong ginagamit ang katagang ito. Nito lamang buwan ng Hulio 1938 nabasa ko.-C. R.). Ang katagang iyan, na "puerto" ang ibig sabihin, ay nagkaroon na ngayon ng kahulugang "provincia". At bakit? Dahil din sa kamalian. Naging sukat ang pagkakagamit sa panahon ng Himagsikan ng "lalawigan ng Kabite" upang ipagkamaling "Provincia" ang ibig sabihin ng "lalawigan", at ang kamaliang iyan ay naging palasak na at nagkaroon ng ibang kahulugan. Tama ang "lalawigan ng Kabite" sapagka't talagang "puerto" ito; nguni't sabihing "lalawigan ng Bulakan", halimbawa, ay isang tunay na kabalbalan. At ang kabalbalang iyan ay tama at tumpak na ngayon.   Ganyan din ang masasabi sa "aklat". Ginawang "libro" ang "aklat", kahi't hindi tama, pagka't "aklatan" ang "libro", at wasto na ngayon. Ang "aklatan" ay ginawa namang "biblioteka" at "libreria", at tama na rin ngayon.   Ang "talikala" ay "Tanikala" na ngayon, ang "lupong" ay "lupon" na, ang "tangso" ang "tanso", ang "taliba" (talibahan, salitang naging palasak nang sabihing: "talibaan" sa lugal ng "talibahan"). Ang "iklog" ay kasalit ng "itlog", ang "ista" ng "isda", ang "maselang" ng "maselan", ang "kaanak" ng "ának" o "angkan", ang "kaagad" ng "agad" o "agadagad", ang "gaang" ng "gaan"; at ibig nang makipagkamali ng "laan" sa "taan", ng "takda" sa "tadhana", ng "kagalawad" sa "kagawad", ng "alumana" sa "alintana", ng "tagapaglaganap" sa "tagapamansag" o "tagasiwalat", ng "kabulastugan" sa "kabalbalan", atbp.   [68] "Ano pa n~gayóng gúbat na malungcót". Magkakabit ang "n~gayaóng": maliwanag na kamalian. Sa "Kun sino ..."ay "ano pa ngat yaong ..." at sa palimbag ni P. Sayo ay "ano pa at ayaong" ... [69] "macailang hintóng canilang malimot". Kay P. Sayo ay "nalimot; at sa "Kun sino ..." at iba pa ay "makaitlo" ang nasa "macailán". May palagay kaming ito ang tama, at mali ang "makaitlo". Si Balagtas ay di kaibigan ng mga tinatawag nating "viciso de dicción". Ang "makaitlo" ay kahambing din ng "makaipat" at "makainom", na pawang likha lamang ng mapaglarong dila, sinsay sa tumpak na pagbabalangkas, at pinsang buu ng mga "buo". "nuon", "puon", "suob", "duon", "lieg", "luok", "suot", atbp.; mga katagang hinlog na malapit ng mga "maselang", "magaang", "sangla", "sanghi", "bungmasa", "ungmayaw", "kungmain", "iyuna", "iyalinsunod", atbp.   Makaitlo! Bakit di naman sabihing "makailawa"?   Makaipat! At bakit di naman "makailima"?   Makainem! Ano nga at di naman "makaipito", "makaiwalo" at "makaisiyam"?   Bakit nga hindi naman? Ano ang sanhi?   Dili iba kundi sapagka't sa iba't iba ay mahirap na palunduin o papagduyanin ang dila. Sa ikalawang pantig lamang, buhat sa hulihan, nakapaglalaro ang dila, at di maaaring gawing "makailima" o "makaiwalo" sapagka't dalawa pang pantig ang nasa hulihan. Hindi naman magawang "makaliima", "makapiito", "makawailo" at "makasiiyam", sapagka't "magdidilang intsik" na naman.   [70] "cong aco,i, magbalík na may hocbong dalá". Maliwanag na mali rito ang "aco,i," ...Dapat basahing "icao", gaya ng sa iba. Kay P. Sayo, ang "ikaw" ay sinundan ng "ay", kaya lumabis sa bilang.   [71] NA. Sa iba ay "ang" ang nasa "na".   [72] ITONG. Ang katagang ito ay "yaong" sa iba.   [73] NAUICA. Sa iba ay naging "winika". Yaon ang lalong tumpak, pagka't sa dagsa ng kaligayahan ay di sinasadya, kundi parang bunga at atas lamang ng sigaw ng puso, ang "nauica" o naisigaw ay "Viva si Florante!"....   [74] NAGCA-CASING-SINTA ... Sa "Kun sino ..." ay "magkasing sinta". Pilay. At nagkaroon ng ibang kahulugan. Sa "magca-casing-sinta" ay sina Florante't Laura at sina Aladi't Flerida ang ibig sabihin; nguni't dahil sa pagiging "magkasing sinta" ay dalawa lamang ang lumabas at di apat.   Narito ang ilang paliwanag, na maaaring ituring na "galó" lamang, kung baga sa bigas, ng napakaraming sukat na daliriin, kung isusumag ang sipi naming ito sa iba't iba pa. Maaaring sabihin, pagka't siya namang totoo, na ang tanging pinagsumagan ay ang "Kun sino ..." na siyang kahulihulihang lumabas noong mapasakamay namin ang "Florante" nina G. Alfonso Mendoza; at sakali mang nabanggit dito ang palimbag ni G. P. Sayo at ang kay G. De los Santos ng sapagka't kaharap na lamang namin ngayon.   Ano pa nga't kung pagtitiyagaang isumag pa sa palimbag ni G. Sayo, at ayon sa isa lamang pagbasang ginawa namin, ay makikita ang di mabilang na pagkakaiba. Ang sa "Kun sino ..." ay tila sipi sa "Florante" o sumag sa iniingatan ni Dr. Pardo de Tavera, na binago nga lamang ang pagkakasulat, ayon sa bagong ortograpia. Ang nasabing "Florante" ay limbag noong 1870; na may siyam na taong kahulihán lamang sa sinipi namin. At kung sa loob lamang ng siyam na tao't nagkaroon na ng di mabilang na "kabaguhan", saan di nga lalo na sa mga linimbag nang mga taong huli sa 1870? Kaya, mapaghahaka na natin kung gaano ang kaibhan ng "Floranteng" ito sa mga lumitaw nitong mga huling panahon!   At ang pagkakaibaiba ay di dapat ipagtaka, kung aalagataing maging sa siping itong lumabas nang 1861, gayong buhay pa si Balagtas ay kay dami na rin ng kaibhan, sa pagkakasulat. At maging kami man naman, gayong pinakaingatan na ang pagsipi, ay di pa rin kami lubos na panatag. Hindi rin namin mapangahasang sabihing tahasan at ng boong tigas, na ito'y walang kamalimali, hindi na sa pagkalimbag ngayon, kundi maging sa pagkasipi na lamang namin.   Nag-aalinlangan din nga kami. At bakit? Sapagka't sa siping ito ay napuna namin ngayong may lumabas na "isinusuob", "voces", "muog", na sa palagay namin ay gawa lamang ng isang pagkakaligta. Hindi namin matiyak ngayon, kung ang "voces" ay sadyang nasa "Floranteng" sinipi namin. May paniwala kami ngayong iyan ay nakuha lamang sa "boses" ng nasa "Kun sino ..." at bagama't nabago namin ang "b" ay nakaligtaan na ang unang "s" at di nagawang "c". At ang paniwalang ito ngayon ay lalong pinagtitibay ng mga kasalit na "voces" sa iba't ibang dako. Ni noong 1861 man ay wala tayong makikitang "voces". Tunay man ngang marami ang binago noon ng kahista--gaya ng "balac-yot", "datapoua", "loualhati", "catouiran", "catao-an'", "hayin", "bitoin", "hocbo", "muc-ha", "caniya", "ayauan", "ac-yat", "cong", "condi", atbp. na ginawa niyang "balaquiot", "hucbo", "mucha", "cania", "aiuan", "aquiat", "cun" at "cundi",--ay mapaninibulusan nating hindi niya mapagkakamalang gawing "voses" ang "voces". Kaipala'y isa rin niyang kamalian--sakaling hindi amin, na parang nagagad na lamang namin sa "Kun sino ..."--ang "suob" at "muog"; nguni't ang "voces" ay aming kamalian marahil. Nagagad nga lamang sa "Kun sino ..." gaya ng pagkagagad sa dalawang huling "muog" at "suob". Ang dalawang salitang ito ay lalik ng mapaglarong pamimigkas, na kasamahan ng "buo", "nuon", "punon", "lieg", "puot" at iba't iba pang walangwala sa mga panahong yaon ni Balagtas. Saan mang matatandang awit at kurido ay di makakikita ng "muog", "hucbo" atbp., kundi "moog" at hocbo". Isa pang bagay, na dapat mapansin, ay ang mga katagang: SAGLIT-SAGLIT, sa   "dini sa li-ig co,i cúsang isasabit tuhog na bulaclac sadyáng saglit-saglit" ...   LUHA, sa   "sa m~ga palayao ni amá,t, arugâ" malaquing palad co,t, matamís na luhâ".   MAG-AALA-ALA, sa   "ito ang mapaít sa lahat nang dusa, !sa aquin ay sino ang mag-aala-ala"   NANG, sa   "Cung nasusuclám ca sa aquing candun~gan, lason sa pusô mo nang hindi binyagan"...   ANAQUI,T, sa   "Pag ibig anaqui,t, aquing naquilala di dapat palac-hin ang bata sa saya"...   UALANG, sa   "ay bago,i, sa mundo,i, ualang quisáp matá ang tauo,i, mayroong súcat ipagdusa".   UICA,I, sa
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD