CHAPTER five LUMUSONG na si Grace sa tubig at tinungo ang parte ng dagat na hindi naaabot ng liwanag ng mga poste. Nagpalutang siya at tinitigan ang madilim na kalangitan. Tatlong linggo na siyang naroroon at hindi niya alam kung hanggang kailan pa niya kayang manatili roon. Aaminin niyang unti-unti nang natitibag ni Mike ang depensa niya. At nagugulo ang sistema niya. Kahit anong pag-iwas ang gawin niya ay ramdam pa rin niya ang atraksiyon niya sa binata. Hindi nakakaligtas sa kanya ang magiliw na pagtawa nito, ang mga mata nitong mataman kung tumingin, ang masayahing personalidad nito, at ang magandang pangangatawan nito. Naguguluhan din siya kung bakit tila extra attentive ito sa kanya. Hindi na siya nito inaasar dahil ang pang-aasar nito ay napalitan na ng nakabibighaning ngiti ni

