CHAPTER six THE ARMS of Love Children’s Home, Bohol. Iyon ang pangalan ng bahay-ampunan na kinaroroonan nina Grace nang mga sandaling iyon. Isa lang iyon sa mga stopover nila sa kanilang mga charity work. Kahit sabihing bahagi lang iyon ng palabas, hindi pa rin niya maiwasang masaktan para sa mga inosenteng bata na naging biktima ng malupit na tadhana. Ang ibang mga bata ay naroon dahil ibinenta ang mga ito kapalit ng maliit na halaga ng pera. Ang iba naman ay inabandona sa kung saan at nasagip ng foundation. Ang ilan pa ay dahil hindi na kayang suportahan ng mga magulang sa sobrang dami ng mga anak. Pero ang talagang bumasag sa puso niya ay ang mga batang inabuso. Katulad ng batang pinipilit niyang kausapin nang mga sandaling iyon, si Ana. Walong taong gulang ito at napakaraming pi

