Nataranta na ako dun. Mukha yatang mahihirapan talaga kaming makatakas mula sa mga ungas na Cannivalientes na ito! "Pakawalan niyo na lang sila!" Sigaw na ni Jin sa mga Cannivalientes. "Ako na lang ang bahala--- ihuhuli ko na lang kayo ng mga bagong bihag!" Ngunit ayaw yata talagang makinig ng mga bwisit. "Rapsa rapsa dayo! Tak tak tak aji no moto!" "Anong sabi nila?" Tanong ko kay Jin. Umiling lang ang Mandirigma. "Ayaw talaga nila kayong pakawalan. Masarap daw kasi ang mga tulad niyo." "Tangna bakit mga bakla ba sila?" "Ha? Iba yata ang pagkakaintindi mo..." "Dayo dayo hapi yipie yehey!" Sigaw bigla ni Urorok na nakaturo sa'kin. "Dayo dayo ays ays beybeh, estuped!" "Estuped!" Masama ang tingin sa'kin ng mga Cannivalientes at kahit hindi ko maintindihan kung anong sinasabi nila a

