"Sino ba yan?" Nagtatakang tanong ni Santelma sa'kin. "Kilala mo ba siya, Yohan?" Agad akong umiling. "Hindi. Ngunit nakita ko na siya kanina sa gubat. Hindi ba't kasamahan siya ng dalawang nilalang na tinutugis mo kanina sa loob ng gubat, Santelma?" "Ha? Hindi! Ngayon ko lang siya nakita," paliwanag ni Santelma. "Pero kung talaga ngang kasamahan siya nung mga yun---" Agad kaming napalayo kay Santelma dahil lumulutang na naman siya sa hangin at lumikha na naman siya ng mga bolang apoy. Takte, balak niya bang sunugin hanggang maging abo ang nilalang na ito? "Ayan ka na naman Santelma! Wala ka talagang awa!" Sabi naman ni Jin na nanlalaki ang mga mata. "Wala na ngang malay yung nilalang na yan!" At bago pa man mapatamaan ni Santelma ng mga bolang apoy niya yung nilalang na nababalot sa

