Simula nang mapasok ako sa gulong ito na tila wala ng katapusan, marami na akong naging katanungan na wala namang mga naging sagot. Marami akong hindi maintindihan, na sinubukan kong alamin ngunit sa kalaunan ay hinayaan ko na lang dahil umasa akong darating din ang panahon na malalaman ko ang lahat. Darating din ang panahon na maiintindihan ko kung bakit nangyayari ang mga nangyayari sa'kin. At ngayon, hawak na nga ng mga Centurion ang aking puso na dati ay nasa katawan ni Aravella. Siguro nga tunay na taglay nila ang taal ng kapangyarihan na hindi namin marururok kailanman dahil hindi ko nga inaasahang magagawa pa nilang makuha ang puso ko mula sa katawan ni Aravella bago ito maglaho nang tuluyan. Hindi ko yun naisip, pero kaya pala buhay pa rin ako kahit wala na ang tunay na katawan n

