Nagmamakaawa pa ang isa sa kanila bago ko siya lagutan ng hininga. Natumba siya sa lupa na nagsisisigaw, bago tuluyang mamatay. Apat na bangkay ang nasa lupa ngayon. Nilapitan ko ang isa na sa tingin ko ay ang pinuno nila. Hinanap ko sa katawan nito ang aking pakay. Nakita ko iyon sa isang kwintas na nasa leeg niya at pinigtas ko iyon. "Magbabayad ka!" Sigaw ng isang galit na boses at nakaramdam ako ng isang wasiwas ng isang sandata. Nagkaroon ako ng hiwa sa tiyan, ngunit agad din iyong naghilom. Nagulat ang lalaking parang multo na gumawa nun sa'kin. "Hindi ka nasasaktan? Anong klaseng nilalang ka?" "Ako ay isang ala-ala." "Sinaksak na kita!" Giit niya. "Dapat patay ka na!" "Ngunit sa kabaliktaran, ako ay nakabalik dahil sa ginawa mong iyon," sagot ko at tila nahihintakutan na siya.

