Nagimbal ang napakagwapo kong pagkatao sa nakita kong nilalang sa harapan ko. Letsugas, tama ba ang nakikita ko? Nandito ang Walang Dereksyon? "At sino naman kayong mga hinayupak kayo?" Bulyaw sa kanila ni Santelma. Nagpupumiglas siya sa loob ng lambat, ngunit misteryosong hindi siya makalabas dito. Kahit ako, sinubukan kong wasakin ang lambat na ginawa nilang bitag sa'min, ngunit tila yari ito sa isang napakatibay na materyales at kahit apoy ng magkapatid na Pyrei ay hindi tumatalab rito. "Hindi niyo masisira yan, Yohan Caleb!" Tawag sa'kin ng isa sa Walang Dereksyon. Si Nial Hologram. Siya yung nakahanda nang umatake sa'min pero naaliw yata siya sa pagpupumiglas namin. "Kilala ka niya, Yohan?" Tanong ma rin ni Jin. "Oo, siya si Nial Hologram. Isa din siyang dating mag-aaral sa Alexi

