“WALA akong maitutulong sa `yo. But I will be support your decision. This is the least I can do to make you forgive me and your mother for all the wrong things we did to you.” Saglit na huminto sa paglalakad patungo sa pinto ng bahay ng pamilya ni Ava si Cade upang bumaling sa kanyang ama. “I know, Papa. Ayokong masira ang relasyon ninyo kay Senator Vericio pero kailangan ko itong gawin. I can’t lie to myself anymore,” matatag na sabi niya. Bumuntong-hininga ito. “You’re always hard-headed whenever you decide on something. Ganyang-ganyan din ang tono ng boses mo nang tanggihan mo ang tulong ko sa pag-aaral mo noon.” “It’s because I’m the son of a hard-headed former politician.” Ngumiti ito nang matipid bago siya tinapik sa balikat. “Let’s get this over and done with. Alam kong gustong-

