Paalis nako ng bahay ng tawagan ako bigla ni Cedrick at inalam kung may lakad ako dahil araw ng sabado. Sinabi ko na niyaya ko si Samantha mamasyal at aba binabaan ako ng telepono, lokong yon binabaan ako, maya maya lang biglang may kumakatok na sa pinto ko.
“Possesive,” bulong ko sa sarili ko. “Bigla ata pagbisita mo sa akin pre? Miss moko?” pabirong sabi ko.
“Mukha mo! San ka kamo pupunta?” inis na sabi niya.
“Hahahah! Sabi ko na kaya mo ako binabaan, mamamasyal kami ni Samantha, niyaya ko kasi naman lagi nalang nakasimangot yon, gusto ko naman siya makitang masaya kasi hindi mo naman na yon ginagawa para sa kaniya.” Pang-aasar ko.
“Kamusta na siya? Miss kuna! Natatakot lang ako lapitan siya kasi baka itaboy ako.” Malungkot na sabi niya.
Tignan mo tong tao na’to bigla bigla na lang malulungkot hays.
“Hay nako pre hindi ko gets kasi hindi naman kayo nag-away sabi mo tapos biglang ganito, ano ba yon para kayong mga ewan.” Sabay tapik ko sa kaniya. Usap na lang tayo pre sa isang araw at baka ma-late ako sa usapan namin ni Sam.
“Hindi ko na alam ang gagawin ko Bry, frustrated nako kung bakit hindi niya ko kinikibo.” Mukha talaga siyang frustrated kasi hindi na niya naaalagaan ng maayos ang sarili niya, mukha siyang taong java haha. Naawa naman ako bigla sa kaniya.
“Siya ba ang hindi nangibo o ikaw? Sa pagkakaalala ko nabanggit mo sa akin na ikaw ng unang hindi nangibo kasi akala mo kinalimutan ka na ni Sam nung napasama siya kanila Sandra ba yon? Tapos after noon ano naging ka-close mo yung Sandra na halos kinalimutan mo si Samantha. Hindi mo ba naisip na sa ginawa mo sinaktan mo yung nag-iisang babaeng hindi umalis sa tabi mo? Ewan ko sayo Cedrick!” pasigaw na sermon ko.
Naiinis ako kay Cedrick kasi hindi niya naisip yung nagawa niyang mali. Okay naman na kasi sila ewan ko ba sa tao na’to at pinaalala na naman ang nakaraan kay Samantha. Syempre kahit sino naman magagalit kapag naalala yung hindi magandang nangyari kahit taon na ang lumipas. O baka naisip niya pero hindi niya alam kung anong gagawin niya. Matalino si Cedrick kaya hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya maisip na ang pride niya lang ang dahilan ng lahat nang nangyari.
Cedrick
Si Samantha, hindi siya katulad ng ibang babae na sa unang tingin pa lang masasabi mo na maganda, simple lang si Sam, makikita mo lang yung ganda n’ya kapag tinitigan mo siya ng matagal, yung mata niya kulay lightbrown, mahaba ang pilikmata, kissable lips kasi maliit lang ang labi n’ya, matalino, masipag. Kaya bata pa lang gusto ko na si Sam. Nung unang araw na nagkita kami mga bata pa kami, ipinakilala siya sa akin ni nanay rosa ang nanay ni Samantha. dahil minsan siyang isinama nito sa bahay nung nagtatrabaho pa si nanay rosa sa amin.
Noong araw na iyon gusto ko siya lapitan agad kaya lang nahiya din ako kay nanay Rosa dahil unang beses ko pa lang Nakita ang anak niya at hindi rin ako sanay ng may nakakalaro noon sa bahay.
“Cedrick anak kasama ko ang anak kong si Samantha gusto mo ba siya makilala”. Tawag sa akin ni nanay Rosa.
“Okay lang po ba nay? Baka po ayaw niya sakin.” Alangan at malungkot na sagot ko.
“Ano ka ba anak mabait si Sam kaya sigurado magugustuhan ka niya.”
Yun ang unang beses naming pagkikita ni Sam at hindi ko iyon makakalimutan.
Minsan nga, sa kagustuhan kong makita siya inaaway ko sya para kahit papano kinakausap niya ako. Bihira niya kasi ako kausapin dahil sa dahilan niya na anak lang siya ni nanay Rosa na kasambahay namin.
Nung unang kita ko pa lang sa kanya nagustuhan ko na siya, dahil palagi s’ya nakangiti, nakikita ko na pilit s’yang tumutulong sa nanay niya kahit hindi niya pa kaya dahil bata pa nga kami noon. Masipag si Sam, naging magkalaro kami, sabay kami nag-aaral sa bahay pero nagulat na lang ako isang araw hindi na sya sumama kay nanay rosa papunta sa amin, nagalit ako sa kanya kahit hindi ko naman ang totoong dahilan.
Lumipas ang panahon, parehas na kami nakapagtapos ng elementarya pero yung sama ng loob ko para kay Sam ramdam ko parin. Nakikita ko siya noon nakatanaw sa akin sa playground pero hindi ko sya pinapansin. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Nagkita kami sa highschool na papasukan namin, humingi siya ng sorry sa nagawa niya, sinabi nya din sakin ang dahilan.
Sinabi niya sakin na kahit si mommy ang may kasalanan wag daw ako magagalit kasi nagkita din naman ulit kami. Sobrang bait ni Sam kaya nagustuhan ko talaga siya. Kaya simula noon hindi nako tumingin sa iba, kay Samantha lang talaga.
Lagi ko naaalala yung mga panahong bata pa kami, sa tuwing isinasama siya ni nanay rosa sa bahay. Kahit alam ko na magagalit si mommy nakikipaglaro parin ako kay Sam kasi kapag kalaro ko siya nagiging masaya ako.
Nakakalungkot lang na dahil sa hindi namin pagkakaintindihan naging aloof kami sa isa’t isa na labis ko ng ikinalulungkot. Kaya wala akong choice kundi ang lapitan si Bryan. Nung una ayaw niya pa maniwala sa akin na hindi kami ayos ni Samantha dahil alam ni Bryan ang lahat lahat, never ako naging malihim sa kaniya kaya kahit sa tuwing nagtatalo kami ni Sam ay alam niya. Kaya wala narin ako ibang naisip na pwede lapitan pra matulungan ako bantayan si Samantha.
Kaya isang araw tinawagan ko si Bryan kahit international call yon wala akong pakialam basta ang gusto ko mapauwi ko siya sa pilipinas.
“Bryan tol kamusta ka na.”
“Oh biglaan ata pag tawag mo sa akin pre.” Sabi niya.
“Oo nga e, nakakahiya nga na tatawag lang ako sayo kapag may hihingiin akong pabor.” Nahihiyang sabi ko.
“Sus para ka namang bago ng bago, ano ba yon at biglang nag international call ka?”
“Pre si Sam kasi.”
“Sam again? Pre kapag natawag ka sakin lagi nalang si Sam ang dahilan.” Natatawang sabi ni Bryan.
“Iba na to pre, hindi na simpleng hindi pagkakasunduan to e.” frustrated na tugon ko.
“Ano ba kasi? Sabihin mo na at masyado ng matagal tawag mo lagot ka kay tito.”
“Pre uwi ka na dito tulungan mo ko kay Sam.” Nahihiyang sabi ko kay Bryan.
Sa sobrang hiya ko kay Bry napapakamot na lang ako sa batok ko habang magkausap kami.
“Mukhang mapapaaga nga ang uwi ko jan ah, plano ko naman na talaga diba pero mas mapapaaga pala kesa sa inaasahan.”
“Thankyou pre, I owe a lot bawi ako kapag andito kana maraming Salamat.”
“Wala yon, sige na hayaan mo muna ako matulog ha at hating gabi na dito. See you soonest pre regards kanila Tita at Tito ikwento mo sa akin ang buong detalye pag-uwi ko dyan ha.”
“Thankyou, regards din kay Tita.”
Nung sumang-ayon si Bry sa sinabi ko nakahinga ako ng maluwag dahil alam ko na hindi niya papabayaan si Samantha. At yan ng dahilan kung bakit umuwi ng pilipinas si Bryan. Kahit wala pa talaga sa plano niya na umuwi ay uuwi siya para tulungan ako.
Bryan
Ngayon na nagiging close narin kami ni Samantha alam ko na kailangan patas ako sa kanilang dalawa ni Cedrick, ang hirap lang na hanggang ngayon hindi ko pa rin masabi sabi kay Samantha na magkakilala kami ni Cedrick dahil baka pati sa akin ay magalit siya.
“Sam anong sabi ni nanay Rosa nung nagpaalam ka na aalis tayo?” tanong sa akin ni Bryan.
“Wala naman, ang sabi lang wag tayo magpapagabi masyado kasi baka masaraduhan din ako ng gate sa dorm.” Sagot ko sa kaniya.
“Ah sige, kain lang tayo ng lunch then kwentuhan tapos hatid kita ng maaga.”
“Ok sige, maiba bakit naman bigla mo ako niyaya lumabas?” tanong ni Samantha.
“Wala naman, nabobore narin kasi ako sa bahay kapag weekends wala akong ginagawa kundi ang magtulog lang maghapon.”
“Grabe kaya mo matulog maghapon? Masyado masakit yun sa ulo Bry.” Pagaalalang sabi ni Sam.
“Wala naman kasi ako ibang gagawin. Ikaw ba anong pinagkakaabalahan mo kapag weekends?” pabalik na tanong ko.
“Nothing in particular kasi diba sa dorm ako nakatira, hindi naman ako pwede umuwi sa amin weekly kaya minsan nasa bleachers lang ako pinapanood ko yung athlete na nageexercise tuwing umaga.” Nakangiting sagot niya.
“Masyado boring ang weekends mo Sam. Bakit hindi ka mamasyal?”
“Hindi kasi ako sanay na nalabas ng mag-isa, noon kasi lagi ko kasama yung kababata ko mamasyal pero ngayon hindi na.” malungkot na sagot niya.
Sa tuwing naaalala ko si Cedrick nalulungkot ako. Sana maging okay na ulit kami. Bulong ni Samantha sa isip niya.
Sa tuwing nakikita ko si Sam na malungkot automatic na nalulungkot din ako, hindi ako sanay na nakakakita ng babaeng sobrang malungkot. Siguro nga masyado nya narin namimiss si Cedrick kaya ganon na lang ang lungkot niya kapag nababanggit niya ito. Hindi ko na rin kasi talaga magets si Cedrick, hindi nya naisip ilang buwan na lang gagraduate na kami ng college pero wala pa rin siyang ginagawa para maging maayos yung sa kanila ni Samantha.
Naalala ko two weeks ago ng tumawag siya sa akin at sinabi na aalis siya at pupunta sa Canada para sa business ni Tito.
2 weeks bago ang flight kinausap ako ni Cedrick para ibalita ang isang bagay.
“Pre, alam mo naman na hanggang ngayon hindi pa kami nagkakaayos ng tuluyan ni Sam pero hihingi sana ako ng pabor sayo para magkausap kami.” Sabi niya
“Walang problema pre sige gagawa ako ng paraan pero bakit parang biglaan?” tanong ko.
“Bry si Daddy pinapamigrate ako sa Canada para mag manage at magtraining sa company niya.” Malungkot na sabi niya.
“Paano yan pre baka lalo ng hindi kayo magkaayos ni Sam niyan lalo na malayo ang Canada.”
“Sa totoo lang hindi ko alam ang gagawin ko Bry, pero wala akong choice para sa amin din kaya gagawin ko ito.”
“Alam ko Cedrick, sige tutulungan kita makausap si Sam.”
Pagkatapos namin mag-usap ni Cedrick noong araw na yon parang Nawala din ako sa sarili ko dahil sobrang biglaan lang ng pangyayari.
Lumipas ang ilan pang buwan at naging close kami lalo ng sobra ni Samantha, papalapit narin ang graduation namin, walong buwan na lang kaya alam ko na limitado na lang ang oras para magkasundo ang dalawa. Yung sa kanila ni Cedrick hanggang ngayon hindi pa rin sila nag-uusap though nagkikita ang nagkakasabay narin kami kumain sa cafeteria at hanggang ngayon hindi pa rin alam ni Sam na matagal na kami ni Cedrick magkakilala. Masyado mabilis ang mga araw at panahon na alam ko isang araw tuluyan ng magkakasundo ang dalawa. Sana mangyari yon bago manlang lumipad papuntang Canada si Cedrick dahil baka imbis tuluyan na silang magkaayos ay baka lalo lang lumala ang sitwasyon.
Bilang kaibigan nilang dalawa ay naiipit din ako sa sitwasyon, dahil kapag nagkakasagutan sila sa harapan ko ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. May pagkakataon na titingin sa akin si Sam at para bang sinasabi na tulungan mo ako pero binabalewala ko dahil sa ayoko din naman isipin ni Cedrick na si Samantha ang kinakampihan ko. It sucks na bakit hinayaan nila na magkasira sila ng ganoon kalala sa dahilang hindi naman ganon kasama.
I did get the point of Samantha because Cedrick leave her hanging without telling anything. Kaya lang hindi ko na maintindihan kung bakit ganoon na lang kataas ang pride nila sa isa’t-isa at walang may gusto magpakumbaba. Siguro once silang nagpakumbaba, yun ay noong mga panahong bago pa lang ang issue at wala pa ako sa pagitan nila, pero for pete's sake sana naman maayos na sila kasi pati ako maloloko na dahil sa kanilang dalawa. Ayoko din naman mangyari na aalis si Cedrick tapos maiiwan si Samantha ng hindi manlang nalalaman kung may hihintayin pa ba siya o wala na.