chapter 5

1864 Words
The Guy I Love by:El.WriterAtHeart Chapter 5 Samantha School Ilang buwan na ang lumipas simula ng pumasok ako ng college, so far okay naman ako. Nakapag adjust na rin ako sa mga classmates and subjects ko, naging okay na kami ni Cedrick nitong nakaraan, naging casual kami sa isa’t-isa. Yung tipong kakausapin niya lang ako kapag may itatanong siya tungkol kanila nanay o kakamustahin niya kung okay ba yung mga prof ko, minsan kaya niya lang ako ngingitian ay kapag nagkakasalubong kami sa campus. Sa totoo lang yung nangyari sa amin na biglang Nawala lahat ng pinagsamahan namin e hindi ko agad makalimutan lalo na kapag yung mga classmate kong usisera ay nagtatanong sa akin tungkol kay Cedrick. Minsan hindi ko din maiwasan na maalala yung nangyari kya minsan bigla na lang ako nawawalan ng gana at nawawala sa mood. Minsan natutulala na lang din ako habang hinihintay namin yung professor sa classroom. Akala ko noon ang buhay college ay mas masaya kumpara sa highschool life, marami nga kasi ang nagsasabi na magkakaroon tayo ng maraming kaibigan kapag tumungtong na tayo ng kolehiyo, pero para sa akin ay parehas lang ang highschool life at college life ko dahil hanggang ngayon wala pa rin si Cedrick sa tabi ko. Natapos ang klase namin sa management ng halos wala akong naintindihan dahil sa dami ng tumatakbo sa isip ko. Isang matangkad na lalaki na may baritonong boses ang lumapit sa akin habang ibinabalik ko ang gamit ko sa bag na ipinagtaka ko naman dahil ngayon ko lang siya Nakita sa subject na to. “Hey classmate, Samantha right?” “Yes? Do I know you?” sagot ko habang patuloy na nagaayos ng gamit ko. “Bryan nga pala. What a small world, finally meet you at classmate pa pala kita.” Sabay lahad ng kamay niya. Agad akong napalingon dahil bago sa akin ang pangalan na nabanggit niya, sa pagkakaalam ko wala naman akong kaibigan at classmate na Bryan ang pangalan. “Ha? Kilala mo ako?” gulat na tanong ko habang sinusuri kong mabuti ang itsura niya. Kung titignan mo hindi siya mukhang pinoy, meron siyang makakapal na kilay na akala mo ay tilas, matangos ang ilong na may kulay asul at berdeng mata, maganda din ang mga labi niya at halata mong palangiti siya at halata mong edukado at nagmula sa mayamang pamilya. “Slight.” Nahihiyang tugon niya.” nice to meet you Sam, tapos ka na ba suriin ang buo kong katawan?” natatawang sabi niya. “Sorry, nice to meet you too Bryan,” inabot ko ang kamay ko at hindi naman niya tinanggihan, “Paano mo nalaman na Sam ang tawag nila sa akin?” curious na tanong ko. “Narinig ko kasi kanina ng tawagin ka ng professor natin, actually nandito lang ako sa likod mo nakaupo kanina,” nahihiyang sabi niya, “Pwede ba magtanong? curious kasi ako.” “Nagtatanong ka na di ba? Sure, wag lang pera kasi wala ako non.” Pabirong tugon ko. “Matanong ko lang no? why all of a sudden you always do wear that eye glasses of yours kahit wala naman grado?” Nang laki ang mata ko sa gulat dahil hindi ko naman inaasahan na iyon ang itatanong niya, sa dami naman kasi ng classmates ko ni isa sa kanila walang nakapansin na walang grado ang salamin ko tapos biglang si Bryan alam niya. “Ha? Pano mo nalaman?” kunot noong tanong ko sa kan’ya. He burst into laughter, “Don’t tell me napaniwala mo sila na may grado yan”? sorry sorry curious din kasi talaga ako kaya lagi kita tinitignan sa malayo. Sandali ako nakaramdam ng pagkailang pero Nawala din naman” Props kasi yan, alam muna para layuan ako ng tao ayaw kasi nila sa mga nerd diba kaya ganito, pero ang sabi mo lagi? You mean matagal na tayo classmate?” Sagot ko. “Yep! Siguro almost a week na,” he smiles.” iba ka talaga, kaya pala gustong gusto ka niya.” bulong niya. “Ha? may sinasabi ka?” tanong ko sa kaniya. “Wala wala, sabay tayo maglunch? Wala kasi ako kasabay tska hindi ko saulado tong campus baka maligaw ako.” Nakangiting sabi niya. Feeling ko talaga may sinabi to si Bryan kaya lang hindi ko narinig minsan talaga bingi ako. Hayaan ko na lang nga. “Okay sige, just tell me more about your self para magkakilala tayo ng husto.” Pabirong sabi ko. “Okay then, kwento ko habang nakain tayo.” Magiliw na sagot niya. Habang naglalakad kami papuntang cafeteria para kumain ng lunch, hindi namin napigilan ni Bryan mag-kwentuhan tungkol sa mga subjects and professor since medyo late na siya sa klase ay hiningi niya ang tulong ko para daw makahabol siya sa topics. Sinabi niya rin na ako lang daw ang kinausap niya sa buong klase naming, nakonsensya naman ako kasi hindi ko talaga siya napapansin. Siguro kasi hindi ko naman nakahiligan na makipagkwentuhan sa iba pag pasok ko sa klase. Cafeteria Agad kaming umorder ng lunch and timing naman na may available table and chairs sa bandang dulo kaya doon na lang naming naisip umupo, ayoko sana doon dahil doon kami madalas pumupwesto ni Cedrick pero wala akong nagawa dahil nauna ng umupo si Bryan kaysa sa akin. “Taga saan ka nga pala Bryan? Dayuhan ka?” pasimulang tanong ko para naman maiba ang usapan namin at para maialis ko din sa isip ko si Cedrick. “Bry nalang, yup from Canada, nag-aral ako doon from elementary to high school pero minsan umuuwi din kami ni mama dito sa pilipinas kapag bakasyon ako sa school siguro nagiistay kami dito ni mom ng one month kapag bakasyon ako at nakaleave naman siya sa trabaho. Ikaw ba san ka nakatira?” tugon niya. “Nako taga probinsya ako talaga, pero ngayon nagdodorm ako dito sa school kasi nasa probinsya sila nanay at ako lang dito mag-isa.” “Ahh ganon ba? Hindi ba mahirap kapag malayo ka sa pamilya mo Sam?” “Syempre mahirap, pero para sa kanila din naman kasi kaya ako nagsisikap, kaya kahit mahirap titiisin ko.” Malungkot na tugon ko sa kaniya. “Ganon ba, hayaan mo nandito naman na ako kaya meron ka na laging makakasama.” Nakangiting sabi niya. Finally may isang tao din na kusang loob na nakipagkaibigan sa akin. Ewan ko ba naman kasi sa blockmates ko simula noong hindi kami naging okay ni Cedrick iniwasan na rin nila ako, anong akala nila sakin may sakit, tss mga tao talaga lalapitan ka lang kapag may kailangan sila pero kapag wala na sila nakukuha galing sayo basta basta ka na lang itatapon na parang basura. Bryan Actually best buddy kami ni Cedrick mga bata palang kami, magbestfriends din ang parents namin. Nagkaroon lang ng problema si mom sa business niya sa Canada kaya napilitan ako na doon magstay at sumama sa kanya kaya naiwan ko si Cedrick dito sa pinas. Hindi kami nawalan ng communication kahit milya milya ang layo namin sa isa’t isa kaya lahat nang nangyayari sa kanya ay alam ko. Oo suplado siya sa mga babae, ang alam ko si Samantha lang ang babaeng naging kaibigan niya. Noong mga bata pa kami bago kami mag migrate ni mama sa Canada lagi ko siya nakikita na tinititigan si Samantha, lagi ko siya inaasar noon pero lagi niya rin tinatanggi kaya nagulat ako noong araw na aalis na kami ni mama sinabi niya sakin na gusto niya si Samantha, imagine mga bata pa kami noon, natuwa ako kasi kahit papano may babaeng nakakuha ng atensyon niya, imagine sa sobrang kasupladuhan niya may nakakuha ng atensyon niya. Minsan tatawag lang siya sa akin para mag-kwento kung ano yung ginawa ni Samantha ng buong araw, imagine overseas call yon pero wala siyang pakeelam kaya minsan naririnig ko na lang si tita na pinapagalitan siya. He proved me na gusto niya talaga si Samantha, even highschool days halos linggo linggo siya tumatawag sa akin tapos ikukwento kung ano yung mga napag-uusapan at ginagawa nil ani Sam. Kaya kahit malayo ako pakiramdam ko nasa tabi lang nila ako dahil sa ginagawang pegrereport ni Cedrick. Minsan pa nga may naikwento siya sa akin na babaeng kinaiinisan daw niya kasi pinaiyak si Samantha, dahil nalaman nil ani Sam na kaya lang nakipagkaibigan yung babae ay para mapalapit sa kaniya. Gwapo si Cedrick kaya hindi na ako nagugulat kapag may nasasabi siya na ganoon sa akin. Busy ako preparing for some activities sa school ng tumawag sa akin si Cedrick. Nagulat ako isang araw tumawag siya sakin at pinapauwi ako ng pilipinas dahil nagkakalabuan daw sila ni Samantha sa hindi niya malamang dahilan. Sakto naman dahil I was planning to go back para sa pinas mag-aral ng college, balak ko pa naman sana umuwi midterm pero dahil kay Cedrick napaaga tuloy ang uwi ko, mas maaga kesa sa inaasahan ko. He asked me about taking care of Samatha while he’s not around, alam kong hindi babae ang dahilan kaya siya nagiging busy cause if that’s the case si Samantha ang dahilan non wala ng iba pa. masyado ng mahal ni Cedrick si Samantha and he’s willing to do whatever it takes kahit pa alisan siya ng mana ni tito. Masyado na siyang maraming pangarap para sa kanila ni Samantha at alam ko one day mangyayari yon, kaya ngayon eto ako at magsisilbing guwardya ni Samantha ng hindi niya nalalaman. Pumayag ako sa gusto ni Cedrick dahil gusto ko rin malaman ang dahilan kung bakit mahal na mahal ni Cedrick si Samantha. Lumipas ang buwan at kahit hindi ko pa ganoon kakilala si Samantha ay napansin kong meron siyang katangian na madaling magugustuhan ng kalalakihan, sa tingin ko alam ko na kung bakit siya minahal ni Cedrick at napapansin ko rin na iba siya sa ibang mga babae, she is beautiful in her own way, she doesn’t like attention like the other. Super simple niya lang, minsan nga pumapasok siya ng hindi nagsusuklay, itatali nya lang in a bun yung buhok niya at okay na. Lagi din siya naka pout at bigla-bigla na lang sisimangot at kukunot ang noo, siguro namimiss na si Cedrick, nakakatuwa din siya kapag may activities sa klase dahil akways on the go siya, she is bubbly na akala mo walang problema sa buhay pero sa totoo lang kapag naikukwento niya ang pamilya niya sa akin ay ramdam ko yung bigat na nararamdaman niya. She can handle her problem well, she is a tough fighter, yung mag-aral ka lang sa malayo mag-isa ng walang katabing magulang na nakasoporta ay sobrang hirap talaga kaya hanga din ako sa tibay ng loob iya. Minsan gusto ko na magtanong sa kaniya kaya lang baka mahalata ako kaya hihintayin ko na lang na iopen niya sa akin lalo ang tungkol sa kanila ni Cedrick. And I am hoping n asana nga ay iopen niya para naman hindi ako mahirap kapag dumating na yung araw na kailangan ko sabihin na kilala ko si Cedrick matagal na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD