chapter 4

1970 Words
The Guy I Love by:El.WriterAtHeart Chapter 4 Samantha Hindi ako masyado nakatulog ng maayos kagabi kaiisip kung bakit sa dami naman ng qualified kumanta pra sa event nila Sandra ako pa yung napili nila? “Mauulit na naman ba yung nangyari noon na kaya lang sila nakikipagkaibigan sakin ay para mapalapit din sila kay Cedrick?” pabulong na tanong ko sa sarili ko. Nagising ako ng malaki ang eyebags at halatang kulang sa tulog, gustong gusto ko mamaluktot sa higaan para makatulog pa sana kaya lang hindi naman pwede at may klase ako ngayong araw hindi ko rin nakahiligan lumiban sa klase kaya kahit pupungas-pungas pa akong pumunta ng cr para maligo ay ginawa ko na. Hindi ko na rin nagawang kumain ng umagahan na ikinagulat naman ng ka-roommate ko dahil never ko ginawa na mag-skip ng umagahan dahil yon ang pinaka-importanteng meal ng buong araw. Naglakad ako papuntang campus ng wala sa wisyo dala ng sobrang antok. Mas gusto ko ng naglalakad kahit malayo yung college bldg. namin kahit pwede naman sumakay ng trycicle, masarap kasi maglakad sa umaga lalo na kapag hindi pa ganoon karami ang tao sa campus. Mas gusto ko rin na nakikita ang ganda ng kapaligiran tuwing umaga pra naman maging maganda ang buong araw ko. Sanay ako na tuwing umaga hihintayin ko sa bleachers si Cedrick para sabay na kami pumasok sa kani-kaniya naming klase, minsan kapag hindi nag-uumagahan si Cedrick sa kanila ay sinasabayan ko siya. I was about to call cedrick on his phone pero natanaw kuna siyang papalapit sa akin sa bleachers with Sandra at nag-uusap sila. “Should I be worried about this? Hays aware ako na maraming nagkakagusto sa kanya pero tama ba na paghinalaan ko lahat ng mapapalapit sa kanya?” tanong ko sa sarili ko. “Kanina ka pa Sam? Sorry hindi kita nasundo urgent lang.” sabay halik niya sa noo ko. “Hindi naman masyado, kadarating ko lang din. Tatawagan na nga sana kita kaya lang Nakita ko na nag-uusap kayo ni Sandra.” Sagot ko sa kanya. Nang mga sandaling iyon, nakaramdam ako ng selos dahil bibihira makipag-usap si Cedrick sa ibang babae maliban na lang kung block mates sila. Maganda si Sandra at matangkad, anak mayaman pa kaya marami ding lalaki ang nagkakagusto sa kaniya dito sa campus, kaya hindi ko din maiwasan ang sarili ko na magselos talaga lalo na ngayon na nakikita kong unti-unti nang nagkakalapit ng luob nilang dalawa. “Hinahanap kasi kita Sam tapos bigla ko nakasalubong si Cedrick at nabanggit niya na pupuntahan ka niya kaya sumabay na ako sa kanya. Itatanong ko sana kung nakapag decide ka na ba dun sa inooffer ko sayo?” singit na sagot ni Sandra. “Undecided pako e, hindi ko kasi alam yung sched ko by that day, pero kung kaya naman sige pag-isipan ko ulit.” Sagot ko sa kanya. Gusto ko subukan kaya lang nagdadalawang isip pa rin ako at hindi ko alam ang gagawin ko. “Ah ganon ba, pero sige basta may additional 10% ka sa lahat ng subject kapag tinanggap mo yung offer ko, hopefully bukas maconfirm mo sakin para maayos ko din yung line up thankyou.” “Sige thankyou.” “Basta I’ll let you know kapag swak sa sched ko mahirap kasi maghabol tsaka maganda naman yung offer mo, sabihan nalang kita.” then I smile at her “Ok sige, maiwan kuna kayo.” Agad silang umalis at iniwan kami ni Cedrick. “Cedy tingin mo magiging okay lang ang lahat?” malungkot na tanong ko. “Bakit ang lungkot ata ng tono mo? Ano ba sa tingin mo ang magiging resulta kapag itinuloy mo?” he asked, “Alam mo Sam kung gusto mo bakit naman kita pipigilan, after all maganda yung offer nila sayo, ang akin lang ayoko kasi na gamitin kana naman para mapalapit lang sila sa akin.” “Okay sige pag-iisipan ko na lang ulit mamaya, pasok na tayo.” Habang nasa klase hindi ko pa rin maiwasan isipin yung offer ni Sandra, though alam ko na maganda tsaka magandang record din iyon kaya lang nagaalangan ako nab aka si Cedrick ang maging kapalit at baka magamit lang ako ulit na ayoko na maulit. Kinabukas ako na ang nagpunta sa classroom nila Sandra para sabihin yung desisyon ko, siguro naman hindi nako lugi kasi kakanta lang naman ako tapos may 10% additional ako sa lahat ng subject ko give and take lang din naman. Tsaka naisip ko din naman na why give it a try sayang din naman tsaka extra curiccular din yon. One week preparation na lang bago yung events pero hindi pa rin ako makapagfocus dahil hindi na naming magawa makapg-usap ni Cedrick kahit sandal, masyado ko ata naibubuhos ang oras ko para sap ag-eensayo kahit halos mapaos-paos na ako. Naging maayos yung event, at sa ilang araw na kasama ko si Sandra dahil kailangan naming magpractice nakakalimutan ko yung mga usapan namin ni Cedrick, halos hindi na kami nagkikita kasi parehas kami naging busy sa mga schedule namin, I do even ignore his calls dahil wala na akong oras makipag-usap sa kanya, nagkikita kami kapag napunta siya sa bahay pero kapag niyayaya n’yako lumabas tumatanggi ako dala na rin siguro ng pagod tska medyo nauubusan na rin ako ng oras para sa pag-aaral ko dahil sa puspusan yung practice na ginagawa namin nitong mga nakaraang araw. Hindi ko tuloy alam kung naging maganda ba yung naidulot sakin nila Sandra o hindi dahil napapalayo ko si Cedrick sakin o siguro hindi ko lang kaya ihandle ng maayos yung mga schedule ko. Hindi ko na namalayan na lumayo na yung loob sa akin ni Cedrick na umabot na sa puntong hindi niya ako kinakausap pero kinakausap niya sila Sandra na hindi naman niya ginagawa noon and I felt sad about that. Dahil nasanay ako na araw-araw ko siya nakakasama at nakakausap. Days, weeks hanggang umabot na sa buwan, halos hindi kuna maramdaman si Cedrick, lagi ko sila nakikita nila Sandra na magkakasama, nagtatawanan na ikinalungkot ko naman. Pagtapos ng events hindi narin ako pinansin ni Sandra at dahil doon alam ko na for the second time nagamit na naman ako para mapalapit sila kay Cedrick, katulad lang din si Sandra ng ibang babae na ginamit lang ako para mapalapit sila kay Cedrick, “Kung sana lang naniwala ako sa sinabi ni Cedy noon hindi sana ganito.” Malungkot na bulong ko sa sarili ko. Akala ko iba si Sandra hindi pala, pare-parehas lang sila. “Kung sana lang kaya ko pa bawiin yung naging desisyon ko.” Yan ang lagi kong sinasabi sa sarili ko kahit alam ko naman na kahit anong gawin ko ay hindi ko na maibabalik ang lahat. Malungkot ako na pinapanood sila habang sila naman ay kitang-kita ko na masaya. Natuto ako lumayo kay Cedrick at kahit sila nanay napapansin yon. My classmate always asked me about Cedrick pero hindi ko sila sinasagot dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko, I missed him so badly, yung Cedrick na ang gusto lang laging kasama ay ako ngayon wala na, iba na yung kasama. Hindi manlang niya napapansin na inilalayo siya saken nila Sandra. Isang araw nilaksan ko ang loob ko na harapin si Sandra ng minsang magkasalubong kami, frustrated na ako dahil hindi ko na din alam ang gagawin ko, agad ko siya kinompronta pero wala akong nakuhang magandang sagot galing sa kanya. “Sandra pwede ba tayo mag-usap.” Lakas loob na tanong ko. “Tungkol naman saan Samantha? Sa pagkakaalam ko wala naman na tayong dapat pag-usapan dahil tapos na yung event matagal na.” inis na sabi ni Sandra. “Pero kasi mali to e, mali na nilalayo mo sa akin si Cedrick.” Malungkot na sabi ko. “Pero hindi ba dapat si Cedrick ang tanungin mo tungkol sa bagay na yan? In the first place wala naman akong ginagawa para paglayuin kayo diba.? “Hindi ko alam Sandra, sana nga wala kang ginagawa sige salamat na lang.” I confronted Sandra twice pero ang sabi niya wala naman siyang ginagawa kaya bakit sa kanya ako nagagalit, alam ko sa sarili ko na may gusto si Sandra kay Cedrick dahil bukang bibig niya si Cedrick sa akin noon. Minsan kahit oras ng praktis papatigilin nya ako para lang sagutin ko ang mga tanong n’ya tungkol kay Cedrick. Bakit ba kasi hindi ko agad naisip, nangyari na nga ulit yung kinatatakutan ko na kapag nagkaroon ako ng bagong kaibigan si Cedrick naman ang mawawala. Kung bakit ba kasi hindi ako naniwala kay Cedrick na baka gamitin lang ako ni Sandra para mapalapit sa kaniya, gwapo si Cedrick at approachable pa kahit may pagkasuplado kaya hindi talaga maiiwasan na maraming babae ang magkakagusto sa kaniya, hindi ko iyon binibigyan ng pansin dahil kahit naman gaano karami ang magkagusto sa kaniya ang labas ako doon dahil magkaibigan lang naman kami noong panahong iyon. Ngayon ako tuloy ang nahihirapan at naiwanan, pero sana lang diba kinausap muna ako ni Cedrick kasi hindi ko naman alam kung ano yung mga nasasabi at kinu-kwento sa kaniya nila Sandra kapag sila-sila yung magkakasama. Ang hirap tuloy na ga-graduate ako ng highschool mag-isa. Akala ko pa naman sabay naming icecelebrate ang araw ng graduation dahil sa wakas may natapos na naman kaming isang yugto sa buhay na hinarap naming ng magkasama, pero ngayon lahat ng iyon ay naglaho na dahil sa dahilan na kahit ako ay hindi ko maintindihan. Dumating ang araw na nakagraduate kami ng highschool, natapos narin ang summer break pero hindi ako masaya dahil hanggang ngayon hindi kami okay ni Cedrick. Hinintay ko na lumapit siya sakin para magpaliwanag dahil alam ko naman sa sarili ko na ginawa ko ang lahat para makausap siya pero siya umiiwas sa akin. Siguro nga ay nalason na nila Sandra ang isip n’ya kaya ganon na lang kadali kay Cedrick na iwasan at layuan ako. Naging malungkot ang summer break ko dahil umuwi ako sa probinsya ng hindi kami nagkakausap ni Cedrick, hindi man lamang naming napag-usapan yung mga bagay na dapat naming pag-usapan, hindi naming nagawa yung mga bagay na nakasanayan namin gawin tuwing summer break. Wala akong ginawa sa bahay kundi magmuk-mok, minsan ay lumalabas ako kapag pumupunta ang kababata kong si Claire sa bahay sa probinsya at niyayaya ako lumabas. Pero yung buong bakasyon ko puro si Cedrick ang nasa isip ko. Dumating ang enrollment, nag-enroll ako mag-isa dahil hindi narin naman ako umaasa na makakasama ko si Cedrick mag-enroll ngayon dahil baka mas gusto niya kasama si Sandra kaysa sa akin. Hindi ko alam kung anong real score nila at hindi ko narin sinubukan alamin, para san pa? sasaktan ko lang ang sarili ko kapag inalam kupa. Nag-enroll ako sa kursong gusto ko bachelor of science in business management sa campus kung saan ako nagtapos ng highshool. Naging maganda naman ang simula ng taon ko, nagkaroon ako ng iilang kaibigan at kahit paano ay nakakasabay na ako sa uso. Nagfocus ako sa pag-aaral, natuto ako mag-ayos ng sarili, pero hindi ko pa rin inaalis ang salamin ko kahit wala naman grado siguro kasi bata pa lang ako suot-suot ko na ang salamin ko kaya hindi na rin ako sanay kapag wala akong suot na salamin, pero bukod kay Cedrick hindi ko akalain na may makakapansin na walang grado ang salaming isinusuot ko. Kung tutuuisin akala ng lahat ng classmate ko ay may grado talaga ang salamin ko, kahit nga ang mga professor ko. Minsan nga ay sa harapan pa nila ako pinapaupo dahil baka hindi ko raw makita ang isinusulat nila kapag sa malayo ako naupo, kaya minsan natatawa na lang ako sa sarili ko dahil pakiramdam ko niloloko ko silang lahat sa ginagawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD