Chapter 3

1572 Words
The Guy I Love by:El.WriterAtHeart   Chapter 3   Cedrick   Si Samantha this past few days lagi ko nalang nakikita na nakatulala at ngumingiti na lang mag-isa. Hindi ako natatakot na ganoon siya, ang kinatatakot ko ay nagkakaganon siya dahil sa isang lalaki. Si Samantha kasi yung tipo ng babae na gusto ko lagi ko kasama, lagi ko nakikita kahit iyong pang-habangbuhay pa. maraming nagsasabi at nagtatanong kung bakit ko daw siya pinagtyatyagaan samahan kahit na hindi naman siya maganda, at dahil don sa ideya na ‘yon kaya nagagalit ako sa mga tao na kung sabihin na pangit siya akala mo magaganda sila, lagi ko naaalala yung unang beses na Nakita kami sa bahay, sinabihan ko siya na dapat kaming dalawa yung magging mag-asawa kapag matanda na kami, indeed bata pa kami non pero yung sinabi ko nayon gusto kong panindigan yon.   Lagi ko din naiisip yung nakita ko siya sa playground, kasama ko si Bryan noon and he knows me well, alam niya din na gusto ko si Samantha kasi sinasabi ko naman lahat sa kanya. Hindi ko maklimutan yung istura ni Samantha noong araw nayon, para siyang si pucca na nakasalamin, nerdy type kasi si Samantha pero behind that look makikita mo yung totoong ganda niya kapag tinitign mo siya, yung matangos niyang ilong, kulay brown at mapupungay na mga mata na lalong ngpapaganda sa kanya.   Sa panahong iyon dun ko nasabi sa sarili ko iingatan ko si Sam at one day masasabi ko din sa kanya yung totoong nararamdaman ko. Pero the moment na ngconfess siya saken ng feeling niya natakot ako na baka masayang yung friendship na binuo namin ng ilang taon, pakiramdam ko ako na yong pinakaswerteng tao sa mundo pero sinayang ko, I choose friendship over love dahil I’m scared na masaktan ko siya,I’m scared enough to loose what we have. Sinadya kong pagtawanan ang sinabi niya dahil kapag hindi ko ginawa yon hindi ako makakapgsalita. Mas gusto ko na natutuwa ako kapag inaasar ko siya o kaya nagaglit siya kapag niloloko ko siya sa iba. Masaya na ‘ko na araw-araw nakikita ko siya.               Samantha   Nagising ako kinabukasan ng tanghali, dahil sabado naman ngayon kaya ayos lang ma-late ng gising at tska inabot na rin kami ng hating gabi sa party ni tita, masaya ako na pinayagan niya nako na tita nalang ang itawag ko sa kanya.    “Goodmorning nay, kumain na po ba kayo ng umagahan?”    “Magandang umaga din sayo anak, kumain kana at tanghali na kumain na ako kanina pa. alas nuwebe narin naman kaya hindi kana naming hinintay at nauna na kami sa iyo, kumain kana muna at ipinagpaalam ka ni Cedrick sa akin kanina may pupuntahan daw kayo”    “San daw po kaya nay? Wala naman siya nabanggit sakin kagabi, pero sige po kain na po ako.” Sabi ko naman.    “Wala naman sinabi ‘nak, ang sabi lang magdala ka daw ng extrang damit tsaka comportableng damit daw ang isuot mo.” Sabi ni Inay.   Baliw talaga ‘yon, wala naman sinabi sakin kagabi na may lakad kami ngayon   Total sinabi niya naman na komportable ang isuot ko siguro pwede naman ng nka shorts nalang    “Bakit hindi mo sinagot text ko sa ‘yo? Wala kabang load o ayaw mo lang magreply! Tsaka bakit ka nkashorts? Sino nagsabi sayo na mag short ka? Magpalit ka ng pants don.” Inis na sabi ni Cedrick    “Wala ho akong load! Galit na galit? Opo tay magpapalit na.” Sabi ko. Hindi ko naman kasi alam kung saan kami pupunta tapos ngayon galit na galit bulong ko     Habang nasa biyahe hindi ko mapigialn isipin kung ganito rin kaya siya sakin kung sakaling maging kami na o mas bongga pa? kasi naman tong tao nato suplado sa iba sakin naman hindi. Iilan lang kasi yung kinakausap niyang babae bukod sa akin.    “Cedy, matanong ko lang may lisensya ka na ba, ha? At nagagawa muna magdrive ng kotse high school pa lang tayo at tsaka  bakit ang suplado mo sa ibang babae samantalang sa akin naman hindi.” Tanong ko.    “Oo may lisensya ako, eh, ano kung high school lang ako bakit bawal ako mag-drive? Tsaka alam mo kasi sam komportable na ‘ko sayo kaya hindi ko magawang maging suplado sayo, tska ano naman kung suplado ako sa iba? Para namang hindi mo yon alam noon pa.”  Sagot niya.   “Alam ko, napapaisip lang din ako minsan. Kaya ayaw tayo tigilan ng mga mapangmasid na mga mata sa school eh, kasi sa iba suplado ka samantalang sakin hindi.” Sabi ko sa kaniya.    “Alam mo Sam, bakit mo ba pinoproblema yun? Kung tutuusin hindi ka pangit, ang tangos ng ilong mo at ang ganda ng mga mata mo sadyang hindi ka lang palaayos kaya ganon at tsaka lagoi Kadin kasi nakasalamin kaya hindi nila nakikita yung totoong ganda mo. Ewan ko ba naman kasi sa ‘yo simula bata tayo sinanay mo yang sarili mo magsuot ng salamin samantalang mas malinaw pa yang mata mo sakin.” Sabi ni Cedy sa akin.    “Hayaan mo ‘yang salamin ko, sabi mo nga nakasanayan kuna kaya hindi ako sanay ng wala yan confident ako kapag suot ko iyan. Maiba san ba talaga tayo pupunta at almost 2 hrs na tayo bumibiyahe e wala parin tayo sa pupuntahan natin.” Sabi ko at bumuntong hininga.     “Konti na Langat  malapit na tayo, promise mage-enjoy ka.” He said and then he smiled.    “Here we are, Sam, kapag hindi mo idinilat yang mga mata mo hahalikan kita sige.” Naramdaman ko ang pagsundot-sundot sa akin ni Cedy para magising. Nang idilat ko ang mga mata ko ay nakahinto na pala ang sasakyan at mukhang narito na kami sa sinasabi niyang lugar. “I’m sorry, Cedy napagod yata ako sa biyahe nakarating na pala tayo?” sabi ko sa kaniya.    “Okay lang,” he said,  “medyo kanina pa kaya lang ginigising kita ayaw mo naman magising kaya hinintay nalang din kita. Since gising kana shall we? Saying ang oras.”    “Okay then tara na!” sabi ko at bumaba ng kotse laking tuwa ko ng malamang nasa enchanted kingdom pala kami. I can’t hide my happiness! This is where I want to go!   Sa sobrang tuwa ko hindi ko namalayan na nayakap ko na pala si Cedrick na naging dahilan ng panandaliang pagtigil ng t***k ng puso ko. Ilang beses ko naba naramdaman to ilang beses narin kasi everytime naman na may ginagawa sakin si Cedrick napapatigil niya talaga ang t***k ng puso ko. This must be love indeed.   Lumipas ang oras, marami kaming rides na sinakyan, para kaming couple na nagdedate sa park pero syempre friendly date lang. 9 pm nakarating kami sa bahay at naghiwalay na dahil parehas din naman kami pagod.     School   Hindi ko makakalimutan ang pinuntahan naming ni Cedrick, hanggang ngayon ay hinid ko maitago ang saya at hanggang  ngayon ay hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi ko. Maaga kaming pumasok ngayon ni Cedrick, magkasabay muli kaming pumasok sa school at habang naglalakad kami ni Cedrick papuntang classroom ay may tumawag sa aming grupo ng mga kababaihan.    “Cedrick, Samantha ,teka lang.” Tawag nila sa amin. Napalingon naman ako kaagad sa mga ito.    “Kami ba? Bakit?” tanong ko.    “Oo kayo nga, kanina pa kasi name kayo tinatawag mukhang nagkukwentuhan kayo kaya hindi n’yo kami narinig” sabi nila. Ha? Kanina pa? wala naman akong naririnig.    “”Pasensiya na kayo, tungkol saan ba ang pakay ninyo?” tanong ko. Napatingin naman ako kay Cedrick na nakahalukipkip lang at mukhang walang balak magsalita.    “Sandra nga pala, I heard marunong ka daw kumanta at mag-gitara?” she said. Inilahad ng babaeng nagtanong ang kaniyang kamay sa akin. Kaagad ko naman iyong kinuha at nakipagkamay sa kaniya.    “Ah, sakto lang ang nalalaman ko, bakit?” tanong ko sa kaniya. Nagkatinginan ang mga babae sa harapan naming. Nakangiti ang mga ito at nang muling ibaling sa akin ang tingin ay ngumiti ito sa akin.    “May event kasing gaganapin next week and up until now wala pa rin kaming nakikitang candidate na pewede sana kumanta sa opening, nilakasan ko na ang loob ko na lumapit sayo, okay lang ba na ikaw ang kumanta?”    “She’s not available.” Sabi ni Cedrick kaya napatingin ako sa kaniya. Hinawakan ni Cedrick ang kanang kamay ko at hinila ako paalis sa lugar na iyon. Anong she’t not available? Free naman ako non.   Nasa ikatllong palapag ako ng dormitoryo at nakatanaw sa nag-iilawang mga establishimento ng siyudad na ito. Napahinga ako nang malalim nang maalala ang mga nakaraan namin ni Cedrick. Simula noong bata pa lang kami at naglalaro sa palayan, simula nang tumungtong ng high school, at hanggang ngayon na nasa kolehiyo na kami ay hindi pa rin kami mapaghiwalay na dalawa. Ngunit hanggang saan kami magiging malapit? “Hanggang pagiging magkaibigan na lang?” sabi ko sa sarili ko at malungkot na ngumiti. Ayokong bigyan ng kahulugan ang mga ginagawa ni Cedrick sa akin na kabutihan. Ayoko dahil masakit umasa. Hindi ko bibigyan ng kahulugan ang mga aksyon niya hangga’t hindi ko mismo naririnig sa bibig niya ang totoo. “Ngunit hanggang kailan ako maghihintay? Kung wala naman talagang espesyal na nararamdaman?” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD