CHAPTER 47 Hindi maalis ni Samantha sa isipan niya ang mga narinig niya na mga salita galing sa bibig ni Cedrick noong mg a oras na kumakain sila sa labas. Hindi niya inakala na ganon ang dahilan kung bakit ipinadala noon si Cedrick sa Canada, She felt bad about it dahil nagawa niyang sumama ang kaniyang loob kay Cedy ng hindi niya nalalaman ang totoong dahilan ng pag-alis nito. Ni hindi sumagi sa isip niya na magiging parte siya ng dahilan kung bakit biglaang hinayaan na lang nito na ipadala siya ng ama sa lugar na hindi niya sigurado kung kakayanin niya ba mabuhay mag-isa. Hating-gabi na pero hindi pa rin nakakaramdam ng antok si Samantha sa dami ng tumatakbo sa isip niya. "Kung bakit kasi hindi niya sinabi sa akin ang bagay na iyon!" inis na sambit nito sa sarili habang iniisip si Ced

