Chapter 48 Hindi pa rin maialis ni Cedrick sa isipan niya kung ano ang magiging posibleng reaksyon ni Samantha sa narinig nito galing sa kaniya. Marahil sa ngayon ay hindi pa siya nito tinatanong tungkol don dahil sa busy pa ito pero alam niya na any moment ay maagtatanong din ito sa kaniya at hindi niya alam kung ano ang isasagot niya sakaling magtanong nga ito sa kaniya. Kung sa kaniya lang ay ayaw niya sana na malaman ni Sam ang tungkol doon pero dahil sa kakulitan ni Carol at dahil sa nakainom na rin siya ay hindi na niya napigilan ang sarili na ilabas ang ilan sa mga gusto niyang itago na lang sana. Ayaw na niya banggitin kay Sam ang tungkol don dahil alam niya na magui-guilty lang ito kapag nalaman na parte pala siya sa dahilan kung bakit ipinadala ni Cedy sa canada. Cedrick is sc

